Sino naman ang may kagagawan nito?
Tumingin ako kay Meng. Pero walang karea-reaksyon yung mukha niya. Masasbi kong galit siya kasi yung kamay niya parang manununtok na.
Binalik ko yung tingin ko sa locker ni Meng.
Nakasulat ang salitang 'B*tch'gamit ang red na spray paint.
Lahat ng taong nakapalibot nakatingin kay Meng at sa locker niya. Andaming bulong bulongan.
Naglakad ng dahan dahan si Meng sa harap ng locker niya. Lahat padin ng tao nakatingin sakanya na para bang ine-expect nila na magwawala si Meng.
Dahan dahang Inunlock yung pad lock niya. Nung mabuksan niya yun bigla siyang napa-upo sa sahig. Nagsigawan lahat ng tao. Yung iba tumakbo.
May ahas sa loob.
Lumapit ako kay Meng at agad siyang tinayo. Umalis nadin kami dun. Inakbayan ko siya hanggang makarating kami sa likod ng school.
Nang makarating kami dun tinanggal ko na yung pagkaka-akbay ko sakanya. Naka-yuko siya. Hinawakan ko yung chin niya at inangat yung ulo niya.
Lumuluha siya. Agad niya namang pinunasan.
"Tara. Pasok na tayo. Late na tayo." Sabi ni Meng habang pinupunasan niya padin yung luha niya.
"Sigurado ka?" Tanong ko.
Tumango lang siya at nauna na siyang naglakad. Napansin kong hindi niya na hawak yung cupcakes na binigay ko. Nahulog siguro kanina nung bumagsak siya. Okay lang. Mas importanteng walang nangyaring masama sakanya.
Habang papunta kami sa classroom lahat ng tao nakatingin sakanya. Naka-yuko lang siya habang naglalakad. Tumabi ako sakanya at hinawakan yung kamay niya. Bigla naman siyang tumingin sakin at ngumiti ng malungkot.
Pagpasok namin ng classroom lahat ng atensyon ng buong klase napunta lahat samin.
Nakita kong alalang alala sila Kat at Dianne.
"Pwedeng tumabi muna ako sayo?" Tanong ni Meng. Tumango lang ako. Tumingin ako kila Dianne at Kat. Ngumiti ng malungkot at tumango. Buti nalang at na-gets nila agad.
Bigla namang pumasok si Sir.
Dumirecho na kami sa kung san ako naka-upo sakto absent si Nichole kaya dun muna umupo si Meng.
"Good morning class."
"Good morning sir."
Tumingin si Sir sa kung san nakaupo si Meng pero nagsalubong lang yung kilay ni Sir.
"Where is Ms. Zander?"
Napa-angat naman yung ulo ni Meng.
"Sir andito po." Sabi ko.
"O uh, can you please come over."
Tumingin ako kay Meng sakto namang tumingin din siya. Tumango lang ako sakanya at ngumiti ng malungkot. Tumayo na siya at naglakad papunta kay Sir. Lumabas silang dalawa.
Loko. Sino kayang gumawa nun sakanya? May naging kaaway ba siya na hindi ko alam? E kabago bago niya dito e.
Hindi ko na muna ittutuloy yung mga plano ko kay Meng. Sasamahan ko nalang muna siya hanggang sa pag-uwi para masiguro kong walang masamang mangyayari sakanya.
Linabas ko yung phone ko kung may nagtext pero wala. Wala ding text si Mezzo. Nalaman niya na kaya? Pati si Tita Claire pag nalaman niya yun baka magfreak-out siya. May pagka-over protective kasi si Tita.
Ilang minuto na ang nakaraan wala padin sila Sir at Meng. Siguro 15 minutes na.
Lumingon lingon ako, lahat ng studyante nag-iingay na. Yung iba may kanya kanyang mundo. Chaka ko lang napansin na wala pala si Niko. May laban nga Pala sila mamaya

BINABASA MO ANG
Admirer
Roman d'amourAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.