Chapter 24 Andre Niko

33 1 0
                                        

Katatapos ng meeting. Pauwi na kami ni Andrea. Tulog na siya. Napagod siguro.

Habang naka-stop yung sasakyan tinanggal ko yung bag ni Andrea para makapwesto siya ng mabuti.

Naka-red light padin.

Napalingon ako sa left side ko.

Sasakyan to nila Meng.

Hindi masyadong tinted yung sasakyan nila kaya nakikita ko padin yung mga shadow nila.

Tatlo. Tatlong tao yung nasa loob. Sino kaya yun? Hindi kaya si DJ? Pero hindi e. Babae yung pangatlo.

Naibalik nalang ako sa katotohanan ng nag-busina yung nasa likod kong sasakyan.

Pinagpatuloy ko na ang pagdadrive.

Sino kaya yun?

Pero hindi yan ang focus ko ngayon.

Dalawa lang naman.

Una, si Meng. Baduy mang pakinggan pero priority ko na siya ngayon.

Pangalawa, basketball. Palapit na ang game. Kelangang pagbutihin. Hindi dapat aanga anga. Nakasalalay din dito ang future ko bilang isang basketbolista. Career ko to kaya hindi ko hahayaang mawala sakin to.

Pinark ko na yung sasakyan sa garahe. Napansin kong andun yung sasakyan ni Papa. Nakauwi na siya. Ang aga niya ata ngayon? Karaniwan mga 9 o 10 pa yan nakakauwi. Minsan nga hating gabi pa.

Bumaba na ako. Pumunta ako sa passenger's seat para buhatin si Andrea. Ang bata bata ang bigat bigat. -_- kinuha ko nadin yung mga gamit niya sa school.

Sinarado ko na yung sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

Naabutan kong nasa kusina si Papa. Andaming papel na nakakalat sa mesa.

Narinig naman akong pumasok ni Papa kaya napalingon siya sakin.

"Hi Pa."

Tumango at ngumiti lang si papa kaya inakyat ko muna tong si Andrea.

Ihiniga ko siya sa bed biya. Tinanggal ang sapatos at kinumutan.

Pagkatapos ay sinarado ang pintuan niya.

Bumaba ulit ako para samahan saglit si Papa sa kusina.

Nung nasa kusina na ako dumirecho ako sa lalagyanan ng mga baso. Napansin ako ni Papa pero patuloy lang siya sa ginagawa niya.

Kumuha ako ng dalawang baso. Ginawan ko si Papa ng kape. Dark coffee ang favorite niya. Sakin naman tea with creamer and sugar. Nalaman ko kasi kay Drex na favorite ni Meng ang tea kaya favorite ko nadin. Haha.

Pagkatapos kong magtimpla, linapag ko kay Papa yung kape niya.

"Thanks son."

Ngumiti lang ako.

Umupo lang ako sa isa sa mga upuan at nagsimulang uminom.

Simula nung bata palang ako si Papa na talaga ang nakilala kong magulang. Kaya kami mas close kesa kay Mama. Kahit na andito si Mama pakiramdam ko wala padin siya. Merong kakaiba kay Mama.

Oo, hindi niya ako pinapabayaan. Binibigyan niya ako ng atensyon, pero may mali. Parang kulang. Hindi ko alam kung ano. Ayoko munang alamin. Ayoko munang magtanong. Okay na muna na ganto nalang.

Naalala ko may tatanungin pala ako kay Papa.

"Pa, ang aga mo atang umuwi ngayon?"

"Well, malapit ng matapos ang isa sa mga project ko dito and I have a lot of transactions to do, hire designers for the building, accountants, financial managers, and other employees." Uminom si Papa na kape niya.

Binaba niya din agad. "And Niko, I will start training you. I will make you the president of this company after you graduate."

Alam ko na to. Sinabi na sakin ni Papa. Well, okay lang naman sakin, at least hindi na ako mahihirapang kumuha ng trabaho after graduation.

"Thanks Pa." Sabi ko ng nakangiti.

Ngumiti lang din si Papa.

Inubos ko nadin yung iniinom ko. Tumayo na ako at lingay sa sink yung baso.

"Good night Pa."

"Good night son."

Umakyat na ako ng kwarto. Nagatanggal ng sapatos. Kumuha ako ng sando at black na pants na sweats. Dumirecho ng banyo at naghilamos. Pagkatapos ay nagpalit na ng pantulog.

Dumirecho ako sa study table ko para tapusin ang mga homework.

After 1 hour humiga na ako. Nakatingin lang ako sa ceiling ng biglang may nagtext.

Kinuha ko yung phone ko sa may ulunan ko.

From Meng:

Sinoto?

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon