Nakaupo ako at nag-gigitara dito sa floor ng kwarto ko malapit sa pintuan ng veranda. Pinag-aaralan ko yung kanta ni Ed Sheeran na Thingking Out Loud. Ang ganda kasi nung message nung song.
After 10 minutes na-perfect ko na yung kanta. Tinugtog ko ng buo yung kanta at triny na irecord. Mahilig din kasi akong mag-cover ng mga kanta. Mahilig ako ng up beat at acoustic at mga mellow na mga kanta.
Binaba ko na yung headset ko pati gitara.
Bumaba na ako sa kusina. Gutom nanaman ako. Lagi nalang akong nagugutom. Kumuha ako ng cake sa ref at pumunta sa sofa. Inon yung TV at kumain.
Mag-isa ko lang dito sa bahay. Wala na si Papa. Namatay siya nung 4 years old palang ako dahil sa leukemia. Napakamalas pero ganun talaga. Si Mama ko nasa States nagtatrabaho. Once a year lang siyang umuuwi ng Pilipinas, pero pag minsan dalawa o talong beses. Close na close kami ni Mama. Spoiled ako pagdating sakanya. Lahat ng hihingin ko, ibibigay ni Mama. Kaya laking pasasalamat ko sakanya.
Tinignan ko yung orasan ko. 4:30 na pala. Umakyat na ako ng kwarto pagkatapos kong kumain. Kelangan ko pang bumalik ng school para sa practice ng band. Mejo hectic ang schedule pero okay lang. I love music and I love what I'm doing. Ganon talaga.
Naligo na ako at nagpalit. Agad akong tumakbo sa sasakyan ko. After 15 minutes nakarating na ako ng school. Pinark ko na yung sasakyan at agad na bumaba.
Naglakad na ako derecho sa music room. Habang naglalakad naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyante. Malamang tungkol sakin. Last year lang ako nakilala dahil sa pagsikat ko sa Fusion.
Fusion. Event yun dito sa school. Competition ng kung ano-ano tulad ng singing, solo, duet, choir, battle of the bands, pati din dancing meron. Unang sali ko palang panalo agad kami sa battle of the bands ng mga kaibigan ko, sa totoo lang katuwaan lang namin yung pagsali namin dun, hindi namin akalain na mananalo kami. Okay na kami sa first runner up na place pero naging Champion kami. Hindi nga kami makapaniawala nun eh. Simula nung time na yun, naging mas seryoso na kami sa pagtugtog. Sumasali nadin kami sa mga iba't ibang competition. Nagpupunta nadin kami ng mga gig tuwing weekend. Kaya mejo nakikilala nadin yung banda namin.
Pero dito sa school hindi pa ako masyadong kilala dahil sabi ko nga last year lang akong nakilala. Hindi ako katulad nung si Niko. Kilalang kilala yun dito. Halos magkandarapa na ang mga babae't bakla pag anjan na siya.
Binuksan ko na yung pintuan at dumungaw sakin ang mukha ni Edward, yung drummer namin.
"Edward naman, ganda ganda na ng araw ko nananakot ka nanaman." Sabi ko ng natatawa. Hahaha. Eh pano naman kasi ang lapit lapit niya sakin.
"Grabe naman tol! Haha. Tong mukhang to pang holloween? Haha. Tol! Tol! Tol! Knock knock!" Sabi ni Edward na excited sabihin yung knock knock niya.
-_- heto nanaman tayosa kakornihan ni Edward.
"O, who's there?" Sabi ko ng naka-poker face ang mukha.
"Duling si Aga" Sabi ni Edward.
"Duling si Aga who?" Sabi ko.
"Ahem. Ahem. . . . mag-excercise tayo duling si Aga. Hahahaha" Kanta ni Edward na may kasamang sayaw na parang chicken dance.
-_- Poker face lang ako. Baliw talaga to.
"Tol! Meron pa, teka lang. Knock knock!" Sabi ni Edward ng natatawa pa sa last niyang knock knock.
"Magpapractice pa tayo! O, who's there?" Sabi ko ng naiirita. Haha. Buset kasi to imbis na nagsimula na ang practice.
"Saglit lang naman to. Pagong na shy!" Sabi ni Edward.
"Who?" Sabi ko na bored.
"Op-op-op-op-oPagong na shy!, hahaha. O practice na tayo!" Sabi ni Edward na tumatawa habang papunta siya sa drums niya.
-_- weirdo. Pero kahit na wierdo yan, siya ang bumubuhay sa team namin dahil sa mga jokes niya. Haha.
Si AJ ang may hawak ng electric guitar. Ako naman sa acoustic guitar. Si Carl naman ang vocalist namin. Si Von sa bass at si Edward sa drums.
Kakasali ko palang dito pero ang bilis ko silang maging close. Pamilya na agad ang turing nila sakin.
"DJ! Last na. Knock knock!" Edward
"Tama na! Haha. Maawa ka! Ang korni." Sabi ko ng nagmamakaawa. Tama na please. Baka layasan ko na tong mokong na to. Hahaha. Pero syempre joke ko lang naman yun. Haha.
"Grabe naman! Haha. Sige na nga bukas ulit. So, Carl anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Edward kay Carl. Siya kasi tumatayong leader ng grupo namin.
"Magjoke ka nalang. Hahahaha." Carl
"Osige si---"
"Tama na please. Nagmamakaawa ako." Sabi ko sabay takip ng tenga ko sa kung ano pa man ang marinig ko na nagmumula kay Edward.
Tawa lahat. Haha. Ang korni naman kasi. xD
Tumahimik ang lahat ng magsalita si Carl.
"Dalawang buwan nalang at Fusion nanaman. Sa unang dalawang linggo, practice lang tayo ng practice ng mga kanta, kahit anong kanta kahit mga bago para mafamiliarize tayo sa mga bagong kanta. Tapos hindi lang yun, pag-aaralan natin lahat ng instruments para hindi iisang instrument lang yung kaya nating tugtugin. Kulang pa tayo ng isang myembro, vocalist na babae. Nag-post na ako sa mga bulletin board ng school na nangangailangan tayo. Para may bago, last year puro lalaki tayo at wala masyadong blending sa boses. Kaya ngayon kelangan natin ng babae para maslalo pang gumanda yung mga tutugtugin natin. Ayos ba?" Carl.
"Aye Aye Captain!" Sigaw ni Edward
"Yes sir!" Sabay na sabi ni Von at AJ
Tumango nalang ako.
"Dagdag ko lang, isa sa mga estudyante na nag-aaral dito sa school ay nag-request na tumugtog tayo sa debut niya sa sabado. Syempre may bayad. Ngayon, ang gagawin natin, mag-isip na tayo ng mga kantang pang-debut. Practice nadin to para satin. So yun! Any questions?" Sabi ni Carl
"Sino yung nag-request?" Tanong ni Edward
"Ummmm." Tinignan ni Carl yung hawak niyang papel. "Kathlyn Joy Velafuente"
Aaaah. Siya pala.
"Maganda ba yan?" Sabay na tanong ni Von at Edward
Tsk. Mga babaero talaga. -_- pero maganda naman talaga siya. Pero mas maganda si Meng. Haha.
"Maganda siya. Astig, may kulay yung buhok niya sa ilalim. Color blue. Haha. Kilala niyo ba siya?" Tanong ni Carl
"Ay! Girlfriend ko yun!" Sabay sabi naman neton si Edward. INangkin agad? Baliw na to. -_-
"Girlfriend ka lang! Ako asawa!" Pang-aagaw naman na sabi ni Von. Hahahahaha. Yang dalawang yaan talaga ang nagbabangayan pagdating sa babae.
"Ikaw DJ, kilala mo ba siya?!" Tanong ni Carl
"Kaklase ko sa halos lahat na subject." Pagmamalaking sagot ko. At nakita kong lumingon sakin si Edward at Von na mukhang interesadong interesado. Hahaha.
"Ay o? Number nga niya pare!" Sabay na sabi ni Edward at Von.
"Di kami close." Sabi ko nalang para tumigil na tong dalawa na to. Pero totoo naman kasi. Hindi kami close.
"Unahan nalang tayo sa debut niya." Sabi ni Von kay Edward
"Deal!" Edward
Langya! -_- mga baliw!
"Tama na yan! Maghanap na tayo ng mga kakantahin sa debut niya." Sabi ni Carl sa banda. Kaya nagsimula na kaming maghanap ng mga kanta.
![](https://img.wattpad.com/cover/28051575-288-k125860.jpg)
BINABASA MO ANG
Admirer
عاطفيةAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.