Chapter 20 Mezziya (Meng)

23 3 0
                                    

"Mam ito na po yung order niyo. Dalawang taro at isang strawberry. Enjoy."

"Thank you" sabay sabay naming sabi.

Kinuha ko na yung sakin at nag-sip. Ganun din ang ginawa nila.

"Spill!" Sabi ni Kat.

"Spill what?" Ako.

"Sa pag-ditch mo samin kanina ni Dianne?"

"E kasi nga agad agad akong hinila kanina ni DJ palabas ng classroom, e wala naman akong load kanina para text an kayo, ngayon na nga lang ako nagkaroon ng load e. Sorry na." Nag-sip ako. "Chaka kaya ko nga kayo pinunta dito para ilibre at bumawi e."

Umiinom sila parehas.

"Okay. Apology accepted." Sabi ni Kat.

"Yay!. So ako naman ang magtatanong. Kamusta naman yung debut mo Kat? Yeeeeee!." Pang-aasar ko. Haha. Syempre all night long niyang kasayaw si DJ. xD

"Hoy ikaw a! Ikaw may pakana nun no?!"

"Ha? Anong pakana?" Tanong ni Dianne.

"Hahahaha! Kunwari ka pa gusto mo din lang e." Ako.

"Langya ka Meng! Halos hindi nga ako makahinga nun e. Pero thank you padin kasi dahil dun naging close na kami." Kat.

"Ha?! Anong pakana yun?! Anong nangyayari? Bakit diko alam yan?" Litong tanong ni Dianne.

"Palibhasa kasi tong si Dianne nasa iisang sulok lang, kumakain." Kat

"True! Hahaha. E itong si Kat kasi sinet-up ko." Kwento ko kay Dianne at nag-sip saglit. Humarap ako kay Kat. "Hoy! Haha. Birthday gift ko nadin sayo yun no. Wala na kasi akong maisip na ibang surprise sayo e."

"Haha. Thanks!" Kat

Humarap ulit ako kay Dianne. "As I was saying, ayun! Sinet-up ko si Kat, pumunta ako sa stage para palitan si DJ na tumugtog tas sabi ko kay DJ na isayaw niya si Kat ng buong gabi hanggang sa mapagod siya. Tas ayun!" Pagtatapos ko.

"Aaaaa! Kaya naman pala tulalang tulala ka after nung debut mo." sabi niya kay Kat. Hunarap sakin si Dianne. "Alam mo ba Meng na halos hindi na makausap yang si Kat nung pagkatapos nung debut niya? Haha."

"Oy! OA na yan a! Haha." Sabi ni Kat.

"Wushu! Haha. Kung nakita mo lang sarili mo no." Dianne.

"Hahahaha! Namumula na si Kat o!" Pang-aasar ko. xD

At maslalo pang namula si Kat. Hahahaha. Tinigil na namin ang pang-aasar kay Kat. Haha. Baka mapikon pa at magalit pa samin. :D

Ilang minuto din kaming tahimik hanggang sa magsalita si Dianne.

"Haysh! Naalala ko nanaman yung quiz kanina. Ang hirap. Nakakainis kasi si Sir, hindi manlang nagwarn na may quiz pala. Rawr! Kainis!"

"Okay lang yan! Nakita mo naman si Kuya ko e. Haha." Sabi ko.

"Oo nga! Oo nga!" Masayang sabi ni Dianne.

"Ikaw nga quiz lang e. Ako stressed sa lahat ng klase. Buti pa tong si Meng, easy easy lang sakanya."

"Easy easy ka jan, stressed din kayo ako." Nag-sip ako at tinigan yung inumin ko. May naalala ako. Binalik ko ang tingin ko sakanila. "Speaking of klase. Nahalata ko kanina na nagbulungan yung buong klase nung pumasok yung bagong studyante, si Nichole? Anong meron?" Tanong ko sakanilang dalawa. Pero hindi sila nakkikinig sakin. Nakatingin sila sa may puntuan na gulat. Maya maya ay nagsalubong ang mga kilay nila.

Tumingin ako sa direction kung saan sila nakatingin.

Si Nichole.

Lumingon ulit ako kila Dianne at Kat. Pero nakatingin na silang dalawa sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang. Ano na nga ulit yung tanong mo?" Kat.

"Sabi ko ba---"

"Hi!" Napalingon kaming tatlo sa direction kung san nanggaling yung boses. Paglingon namin nakita namin si Nichole na nakangiti.

"Hi." Sagot ko. Kasi mukhang hindi maksagot tong dalawang kasama ko.

"Mezziya right?" Tanong ni Nichole habang nakangiti.

Bat niya alam pangalan ko? Weird.

"Yep. Meng nalang mas sanay ako e." Sabi ko. At tinapatan ko din yung ngiti niya.

"Oh. Nice to meet you." Sabi niya habang inabot niya yung kamay niya para makipag shake hands.

Nakipag-shake hands naman ako sakanya. Ng nakangiti padin.

Lumingon ako kila Dianne at Kat na sobrang tahimik. Ang blank ng mga mukha nila. Poker face. Ano bang meron sa mga to?

"Uh Nichole, ito si Dianne. At ito naman si Kat." Pagpapakilala ko sakanila.

"Hi! Nice to meet you." Sabi niya.

"Hi." Sabay na sabi ni Dianne at Kat. Pero ang blanko ng mga ichura nila.

Ano bang meron? Halatang meron akong kelangang malaman. May something kaya kay Nichole? Pero halata namang mabait siya. Unang tingin palang e. Ang pinagkaiba lang may unti siyang make-up tas kaming tatlo simple lang.

"Pwede ba akong maki-upo?" Tanong ni Kat.

"Sure! Okay lang." Sabi ko. Tumingin ako kila Dianne at Kat. Pero ang tahimik lang nila. Mukhang hindi sila comportable sa pag-upo ni Nichole samin, lalo na si Kat.

Lumapit yung waiter at tinanong si Nichole. Nag-order din naman si Nichole.

Gusto ko sanang tanungin kong pano niya nalaman yung pangalan ko. Kaso napag-isipan ko na next time nalang. Pag-close na kami. PAG! Ayaw ata kasi nitong dalawa na makipag-kaibigan sakanya.

Gusto ko din siyang kausapin kaso hindi ko alam kung paano sisimulan. Tumignin ako kila Dianne at Kat pero umiinom lang sila. At malapit nang maubos yung sakanila.

Hindi ko alam gagawin ko kaya uminom nalang din ako.

Ilang sandali pa ay dumating na yung babae na may hawak na inumin na inorder ni Nichole.

Pagka-abot na pagka-abot niya humarap siya sakin.

"So, anong meron at andito kayo besides ang uminom?" Tanong ni Nichole.

Ayokong sabihin na nilibre ko sila dahil iniwan ko sila kaninang lunch. Kaya ang sinabi ko nalang "Kwentuhan lang. Chaka relax relax din. Kakastress kasi ang klase. Hehe. E ikaw?"

"Aaa. Imimeet ko yung boyfriend ko." Sabi niya ng nakangiti.

Maya maya pa ay lumingon si Nichole at tumayo, naglakad palabas ng shop. Sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong lumapit siya sa isang lalaki at hinalikan siya sa pisngi. Linagay naman nung lalaki yung kamay niya sa likod ni Nichole at naglakad sila papunta dito.

"WHAT?!" Sinigaw ni Dianne pero pabulong na sigaw.

Lumingon ako para tignan siya. Ang laki ng mga mata niya, naka-nganga din siya. Pwede nang pasukan ng kamao ko. Tinignan ko si Kat, ganun din yung ichura niya.

Malabo kasi mata ko, kaya hindi ko pa makita yung lalaki.

Ilang sandali pa ay. .

"Boyfriend ko pala."

Lumingon ako.

"Kuya?"

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon