Meng's POV
Nang marinig ko ang mga salitang iyon na nagmula kay Mama, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Buong katawan ko nanigas.
Pagkasabi yun ni Mama bigla nanaman siyang umiyak. Kinuha naman agad ni Kuya si Baby Meg kay Mama.
Kelangan naming maging matatag ni Kuya. Walang mangyayari samin pag magmumukmok din kami dito.
Habang kinocomfort ni Kuya si Mama may naisip akong idea.
Wala kaming matitirhan kaya ang naisip ko dun muna kami pansamantala kila DJ.
Agad kong linabas phone ko at hinanap ang number ni DJ at agad na tinawagan.
Nagring ng nagring hanggang 'cannot be reached' na siya.
Trinay ko ulit na tawagan, this time nagring ng tatlong beses at sinagot na ni DJ.
"Hello Meng?" Tanong ni DJ at narinig ko na ang ingay sa kabilang linya. Kasama niya siguro ang buong banda.
"Hello DJ. Um, may napakalaking favor kami nila Kuya at Mama sayo. Kung okay lang sayo." Nahihiya kong sabi kay DJ.
"Sige. Ano ba yun?"
"Wala na kasi kaming matitirhan. Pinalayas na kami dito sa bahay, pwede bang dun muna kami titira sayo? Pansamantala lang naman. Kung okay lang sayo."
"Ha?! Bakit naman kayo pinalayas?" Gulat na tanong ni DJ at narinig kong tumahimik sa kabilang linya.
"Um, mahabang kwento e. Kwento ko nalang pagnakauwi na kayo."
"Osige sige. Sakto pa-uwi na kami. Kasama ko ang buong banda. Wait lang Meng ha? Bibilisan ko nalang." Pag-aalalang sabi ni DJ.
"Okay. So okay lang sayo DJ? Magbabayad nalang kami sa mga gastusin sa bahay mo." Paliwanag ko sakanya.
"Meng, wag na. Ako na bahala. At oo, pwedeng pwede kayo sa bahay. Kahit gano katagal. Kahit jan na nga kayo tumira e. Okay lang sakin." Halatang may ngiti sa mga labi ni DJ habang sinasabi niya yang mga yan. Kaya napangiti din ako. Sobrang nagpapasalamat ako sakanya. "Pamilya na ang turing ko sainyo." Pagpapatuloy ni DJ. "Chaka andami niyo nading nagawa sakin kaya ito nadin siguro yung time na ako naman ang tutulong sainyo."
Napangiti pa ako lalo sa tuwa dahil sa mga sinabi ni DJ. "Maraming Salamat sayo."
"Walang anuman Meng."
At pinatay ko na yung tawag.
Lumapit ako kila Kuya at Mama.
"Kuya, Ma, tinawagan ko na si DJ, naki-usap ako na dun muna tayo titira sa bahay niya pansamantala."
Walang naisagot si Mama, sobrang pagod nadin siguro siya. Si Kuya naman inakbayan niya lang ako palapit sakanya.
Pinapanuod lang namin yung mga lalaki na linalabas yung mga gamit namin sa bahay.
Ganto pala ang feeling. Akala ko hindi hahantong sa ganto ang mangyayari sa buhay namin.
Nung andito pa si Papa sa Pilipinas sobrang saya at sobrang gaan ng buhay namin.
Pero ngayon, kabaliktaran ang nangyayari samin. Parang pwede nang pumasok sa MMK yung storya ng buhay namin.
Hay.
Maya maya pa ay nakarinig kami ng busina sa paparating na sasakyan.
Bigla kaming napatingin ni Kuya kung san nangggaling yung busina.
Sa sasakyan pala ni DJ.
Hinayaan ko nang lumapit si Kuya dun sa kung saan huminto yung sasakyan ni DJ. Isa isa namang lumabas yung mga kabanda ni DJ. Pare parehas yung mga mukha nila na parang naaawa. Siguro nalaman na nila yung nangyari at narinig nila habang nag-uusap kami ni DJ kanina sa phone.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.