RIIIIIIIIIIIINGG!!!!!!!!!!
-_-
Aaaaaaaaah!! Inaantok pa ako. -_-
Ilang gabi na akong puyat. Yung eye bag ko naging travelling bag na. >.<
RIIIIIIIIIIIIIIINGG!!!!!
"Waaaaaaaa!! Oo na! Babangon na ako. Eto na! Eto na! Excited?! -_-"
Lecheng orasan yan. -_-
Kasalanan to nung UN na yun as in Mr. Unknown number. Hindi ko matanggal sa isip ko. Sino ba kasi yun? >.<
Naalala ko tuloy yung kagabi. Sabi niya sa Sunday na daw siya magpapakilala. Pwede namang ngayon na. Dami pa kasing alam. -_-
Chaka bat ko naman dadalhin yung sando na binigay niya? Babawiin niya? Ayoko nga. Ganda nga nun e. Haha. Astig.
Kinuha ko na yung jumper ko at white na shirt. Vans na black. Dumirecho na ako sa banyo. Dinala ko yung phone ko at nagpatugtog para naman good vibes ako ngayong araw na to kahit kulang yung tulog ko.
Naligo nadin ako. Nagpalit. Nag-ayos ng gamit at bumaba.
"Good Morning Ma. Good Morning Kuya." Sabi ko habang binibeso ko sila.
"Good Morning." Sabay na sagot ni Mama at Kuya.
Pumunta naman ako kay Baby Meg. "Good Morning Baby!" At hinalikan ko siya sa nuo.
Bago ako umupo sa upuan ko nakita si Kuya na nakangiti habang kumakain.
"Kuya, may camera ba? Bat nakangiti ka?" Hahaha. Nagde-daydream nanaman si Kuya. Hahaha.
"Ha? Wala. Kain ka na nga lang jan."
Wushu! Hahaha. Inspired ang aking Kuya. :D
Kumain nadin ako. Syempre binagalan ko. :D
After nun, umakyat ako para mag-tooth brush at magsalamin.
Bumaba nadin ako agad. Nagpaalam kay Mama at Baby Meg at dumirecho sa sasakyan.
"O, wala ata si DJ ngayon?" Tanong ko kay Kuya na inumpisahan ng pinaandar yung sasakyan.
"May aasikasuhin daw."
Tumango nalang ako.
Maya maya nung malapit na kami sa school ngumingiti ulit mag-isa si Kuya. Baliw! -_-
"Huy! Kuya! Haha. Baliw! Bat ka ngumingiti mag-isa? Masyadong good vibes ka ba ngayong araw?"
"Mejo. Hehe."
"Bakit naman? Yeeee! Share!"
"Dahil kay Nichole syempre. Narealize ko na sobrang mahal ko na siya. Ayoko siyang mawala at hinding hindi ko na siya papakawalan."
"Achuchu! Haha. Sweet naman. -_- mag-drive ka na nga lang jan."
Ganto pala ang mga tao pag-inlove. -_-
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. Naghiwalay nadin kami ni Kuya. Magmimmeet pa daw sila ni Nichole somewhere there. Well, maaga pa naman e.
"Meng! Meng!" Lumingon ako at nakita si Kat na tumatakbo palapit sakin.
"Tara sa locker mo." Sabi niya ng hinihingal.
"Papunta na nga ako dun."
"Tara dali!" Sabi niya ng naeexcite. Hinila niya din ako papunta ng locker ko.
Nung nasa harap na kami ng locker ini-start ko nang i-unlock yung padlock gamit yung code ko.
Pagka-open ko yung locker ko may nakita akong na-fold na paper.
BINABASA MO ANG
Admirer
Roman d'amourAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.