Ang tagal kong nakatitig sakanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Sinusubukan kong kumalma kasi pagtatapatan ko yung inis niya walang mangyayari.
Nagbuntong hininga ulit ako.
"Ikaw Meng." Sabi ko habang naka-tingin padin sa mga mata niya para malaman niyang totoo yung sinasabi ko.
Hindi siya nakasagot agad. Mga ilang seconds siguro bago siya makapagsalita.
"Hindi talaga nakakatuwa DJ. Sino nga?"
"Meng, ikaw. Ikaw yung babaeng nagugustuhan ko nung una palang. Hindi ko alam pero sayo ako nahuhulog. Matagal na akong may gusto sayo Meng."
Hindi ulit siya makapagsalita. Hinawakan niya yung ulo niya na parang sumasakit yung ulo kaya ako nalang ulit yung nagsalita.
"Meng, totoo tong mga sinasabi ko. Maniwala ka."
Wala ulit siyang masabi.
"Pwede ba akong manligaw?" Tanong ko.
Bigla siyang tumingin sakin.
"Sorry. Pero pwedeng umuwi na muna tayo? Hindi ako makapag-isip ng mabuti ngayon."
Tumingin lang ako sakanya at tumango. Nginitian ko din siya ng malungkot.
Kahit hindi niya pa ako sinasagot uumpisahan ko na siyang ligawan.
Merong something kay Meng ngayon na Hindi niya sinasabi. Pero hahayaan ko nalang muna. Kaso hindi kasi ako mapakali e. Hindi siya umi-imik nung papunta kami dito. Parang wala siyang ka-ener-energy ngayon, pati kanina sa game.
Nag-umpisa nang naglakad si Meng at bumaba ng hagdan. Kinuha ko naman agad yung inorder ko at ipapabalot ko nalang. Ako nalang ang kakain sa bahay.
Dumirecho sa labas si Meng. Ako sa counter.
After kong ipabalot yung pizza, lumabas nadin ako agad at naabutan kong nasa labas ng sasakyan si Meng.
Binuksan ko na yung sasakyan at agad naman siyang pumasok sa passenger's seat.
Ang tahimik niya hindi manlang siya magsalita. Well, Hindi ko siya masisisi kung nasa posisyon ko din siya siguro ganyan din ang gagawin ko.
Ipinikit niya lang ang mga mata niya.
Inumpisahan ko nading magdrive.
Sa pagda-drive ko hindi ko maiwasang lumingon kay Meng. Nakapikit parin siya. Tulog kaya ulit siya?
Mabilis kaming nakarating sa bahay. Hininto ko na yung sasakyan sa tapat ng gate nila.
Bigla namang minulat ni Meng yung mga mata niya.
"Andito na tayo." Mahina kong sabi. Tumingin lang siya sakin at binuksan na niya yung pintuan at bumaba nadin siya. Agad ko naman siyang sinundan hanggang sa nasa tapat na kami ng pintuan nila.
Humarap siya sakin. "Sorry DJ kung hindi kita masagot ngayon sa tanong mo ha? Andami ko kasing iniisip ngayon e." Sabi niya nang nakayuko. "Sasabihin ko nalang kung kelan handa na ako." Ngumiti siya ng malungkot. "Salamat sa paghatid." Pagkasabi niya nun pumasok na siya sa loob ng bahay nila.
Naiwan ako sa labas. Ilang minuto pa siguro akong nag-stay doon hanggang sa maramdaman ko yung lamig.
Dumirecho na ako sa sasakyan ko at nagmaneho hanggang sa tapat ng gate ko. Bumaba ako para buksan yung gate. Pinasok ko nadin naman agad yung sasakyan ko. Bumaba na ako ng bitbit yung pizza.
Pumasok na ako sa bahay at dumirecho sa kwarto ko.
Humiga ako at tumitig sa ceiling.
Haaaay! Anong gagawin ko? Pano pag hindi siya pumayag? Ansakit naman nun. Pero hindi. Hindi dapat agad ako sumusuko. Uumpisahan ko na ang panliligaw ko bukas.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.