Chapter 48 Andre Niko

29 3 0
                                    

Bigla akong naalimpungatan kaya bumangon ako. Tinignan ko yung orasan ko. 11:26. Naramdaman kong nauuhaw ako kaya lumabas ako ng kwarto. Kahit na gabi nakabukas yung mga ilaw. Naglakad ako papuntang kusina. Buti nalang hindi parang maze tong bahay nila Kat, kasi kung oo nawala na ako.

Hindi rin nagtagal at nakarating din ako sa kusina. Kumuha ako ng baso at linagyan ng tubig at uminom.

Habang pabalik ako sa kwarto nakita ko si Meng sa may sala na nakaupo sa isa sa mga sofa. Hawak niya yung phone niya. Nung narinig niya akong papalapit, tumingin siya sakin at nakakunot yung mga kilay niya. Nung palapit na ako ng palapit unti unting nanlalaki yung mga mata niya.

"Niko?" Sabi niya ng gulat na gulat. Umupo lang ako sa tabi niya.

"Yes?" Tanong ko.

"Bat andito ka?"

"Outing naming Cardinals dito."

"Sa rest house nila Kat?" Tanong niya.

"Yep."

"Alam ni Kat?"

"Yep." Sagot ko at bumulong naman siya habang nakatingin sakin.

"Anong sabi mo?" Tanong ko?

"Wala wala." Sagot niya at binalik niya yung tingin niya sa phone niya.

"Ano yang ginagawa mo?"

"Ha? Nagbabasa. Mahilig ka bang magbasa?" Mejo nahihiyang tanong niya.

"Hindi. Boring e."

"Ouch." Sabi niya sabay kunwaring nasaktan.

"Haha. Manuod lang ng movies. E ikaw mahilig manuod ng movies?" Tanong ko.

"Yep. Pero mas gusto kong binabasa muna bago ko panuorin lalo na yung mga movie na may libro." Sabi niya.

Ang bilis namin magkaroon ng mapapag-usapan. Maya maya pa inoff niya yung phone niya at humarap sakin. Ngayon ko lang napansin na nakasando lang pala siya at naka-shorts. Ang ganda niya talaga. Napansin kong nakatitig lang siya sakin. Lakas talaga ng charm ko. Haha.

"O bat mo inoff yang phone mo? Ayaw mo na bang magbasa?" Tanong ko at biglang napatingin siya sa mga mata ko.

"Dumating ka kasi e. Storbo."

"Ouch." Sabi ko. Pag-gagaya ko sakanya at nagtawanan kami.

Ilang minuto pa ay tumigil na kami sa katatawa. Nagkatinginan kami pero bigla siyang yumuko. Alam kong namula siya, pero nakita ko yung left cheek niya na nasuntok ko. Biglang gumalaw yung right na kamay ko na parang may sariling utak na pumunta sa chin ni Meng at inangat yung ulo niya mula sa pagkakayuko niya. Tinignan kong mabuti yung left na cheek niya. Sabay sabing "Sorry."

Napatingin siya sakin pero umiwas agad siya.

"Wag mong sisihin sarili mo. Ako naman ang may kasalanan e. Dapat hindi na ako pumunta dun at nange-alam." Pagkatapos niyang sabihin yun tumingin siya sakin at napansin kong napatingin siya sa left and right cheek ko pagkatapos nun lumipat yung tingin niya sa may panga ko.

"Ikaw ang kamusta? Ang dami mong natamong suntok o."

"Kaya nga e. Nasira na yung gwapo kong mukha."

"Sorry." Sabi niya. Napatingin ako sakanya. Ang seryoso ng mukha niya.

"Sorry sa inasta ni Ken."

"Ken?" Tanong ko.

"Yung nakasuntukan mo kanina."

So Ken pala ang pangalan nun. Langya yun! Hindi niya nalang kasi tanggapin na talo na siya, hindi yung manununtok nalang siya. Pikon!

"Kilala mo?" Tanong ko.

"Yep." Sagot niya na sabay umiwas siya ng tingin sakin. Nakita kong malungkot siya nung sinabi niya yung pangalan nung ungas na yun.

"Ka-ano ano mo siya?" Tanong ko.

"EX ko."

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon