Chapter 14 Mezziya (Meng)

33 3 0
                                        

"Hi Kat ^_____________^" sabay na sabi nung dalawang lalaki na kabanda ni DJ. Haha. Ang kulit nila. xD ang luluwang pa ng mga ngiti nila. Nakakaloko. Hahaha.

"Wag mong pansinin yang si Edward. Papansin lang yan. Walang magawa sa buhay." Sabi nung isang lalaki.

"Utot mo Von! Ikaw ang papansin!" 

So yung isa Edward, yung isa naman Von. Okay. Hahahaha. Nakakatawa sila. xD pinag aagawan nila si Kat. Maganda naman kasi siya. Haha.

Nagtawanan lang ang lahat.

"Mga baliw! Haha. Tama na yan! Ipapakilala ko muna tong dalawang friends ko dito." Kat

Crush ni Kat si DJ pero umaasta siya na parang wala lang. Haha. Nice. Parang kanina lang, pinag-uusapan namin siya. Haha. Ang bilis mag change ng mood. Well si Dianne, hindi niya naman gaanong crush si DJ, kaya okay lang na ipamigay niya kay Kat si DJ. Meron naman na yung Kuya ko para sakanya. Hahaha. Patay na patay nga yung Dianne na yun sa Kuya ko eh.

"Ito si Dianne Ashley Antonio, Dianne nalang ang itawag niyo sakanya. At ito naman si Mezziya Engellie Zander. Meng nalang itawag niyo sakanya. Dianne at Meng, sila yung banda sa school, ininvite ko sila para sa debut ko." Pagpapakilala ni Kat samin at sa banda.

Aaaaaah! Okay. Now I know kung bakit andito si DJ. Sinabi ni Kuya kanina na tutugtog siya. Oo, nga pala kasi sumali siya sa banda ng school.

"Eto si Carl, ang vocalist at ang leader ng banda. Eto naman si AJ, siya ang may hawak ng electric guitar. Si DJ ang may hawak ng acoustic guitar. Si Von, ang may hawak ng bass. At si Edward--"

"Elrick Dragneel ang drummer ng The Caved." Pagtatapos ni Edward na nakatingin kay Kat.

Hahahaha. Katawa tong si Edward. Ang kulit kulit. 

"Bakit The Caved?" Tanong ni Dianne.

"Initials namin" sabi ni Carl.

Carl. Aj. Von. Edward. Dj. C.A.V.E.D. Dun pala nakuha yung pangalan ng banda nila. Okay.

"Kain na tayo!" Sigaw ko. Eh pano gutom na ako, ang sarap pa ng pagkain.

Umupo na ako katabi nung AJ. Ang tahimik niya. Hindi siya nagsasalita. Ang seryoso. Pero pag may magjojoke, tatawa siya pero saglit lang. Parang may sariling mundo tong lalaking to. Mejo nakikita ko sakanya yung sarili ko dati na halos hindi makausap. Pag kinakausap ka parang hangin ka lang.

Napansin kong tatabi sakin si DJ pero agad kong hinila si Kat.

"Kat, dito ka sa tabi ko oh."

"Sure!" Agad namang umupo si Kat sa tabi ko.

Tinignan ako ni DJ ng pagtataka at umupo nalang siya sa harap ko.

Nagsimula na ang lahat kumain ng magsalita si Kat.

"Guys! Makinig kayo habang kumakain ha?"

"Anything for you." Sabi ni Von.

"Makinig daw! Hindi magsalita." Edward

"Pshhht! Ingay!" Inis na sabi ni Carl.

Haha. Pano niya kaya nakakyanan makasama tong dalawang to? Haha. Laging nagbabangayan. Nasa iisang grupo pa sila tas ganyan lagi. Hahaha. Kawawang Carl.

"So mamaya, madami dami ang dadating, relatives ko at friends nung highschool, nag-invite din ako ng mga kaklase natin at iba pang collage friends. Gaganapin yung debut ko jan sa likod ng bahay. Tapos, mamayang mga 2pm dadating na yung mag-aayos nung venue, decorations pati nadin yung sound system. Kaya Carl, mamaya sama ka nalang sa mag-aayos para masabi mo yung gusto mong positioning niyo. Tapos magdamagan to. Siguro aabot ng 11 or baka 12. Mmmm. Yun lang. Gets?"

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon