Chapter 23 Andre Niko

29 1 0
                                    

Tuesday (Lunch)

Andito kami ni Drex sa food court. Katatapos namin bumili ng pagkain namin. Naghahanap na kami ng bakanteng mesa. 

"Bro, dun tayo o." Turo ko kung san nakaupo si Meng at dalawa pang babae.

Tumingin naman si Drex kung san yung tinuro ko.

"Aa. Sige sige. Mangchichiks ka nanaman no?" Sabi niya habang naglalakad kami papunta kila Meng.

"Hindi din no." Dahil andun si Meng. Sabi ko sa sarili ko.

"Dahil ba andun si Meng?" Tanong ni Drex na para bang binabasa niya yung utak ko.

"Sira!"

"Haha. Wag ka nang magdeny bro. Parang hindi naman na kita kilala." Sabi niya ng nakangiti. Sakto naman na malapit na kami kila Meng kaya hindi ko na nasagot si Drex.

"Pwedeng bang maki-upo?" Tanong ko. Napa-angat naman yung ulo nilang tatlo samin.

Halatang gulat silang tatlo pero agad naman silang ngumiti para hindi halata.

"Oo naman." Sagot ni Meng ng nakangiti din. Ganda talaga niya.

Umupo na ako sa tabi ni Meng. Katabi ko naman si Drex tas katabi niya naman yung babae na may color yung hair.

"Uh Niko at Drex, ito si Dianne chaka si Kat. Dianne at Kat, Niko at Drex. Si Drex kababata ko." Pagapapakilala ni Meng.

"Hi!" Bati naman samin nila Dianne at Kat.

"Hello!" Bati ni Drex. Ngumiti nalang ako sakanila.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon