Chapter 1 Mezziya (Meng)

139 9 0
                                    

Isang box nalang at matatapos na ako. Gusto ko na tong tapusin ngayon kasi bukas first day of school sa bagong school na nilipatan namin ni Kuya. Kahit pagod na pagod na ako kelangang tapusin ko to. Unting tiis nalang Meng! Kaya yan!

Lumipat kami nila Mama at ang mga kapatid ko dito sa Baguio galing Manila. Sabi kasi ni Mama na maganda daw ang mag-aral dito kesa dun. Pero sabi ko na mas maganda dun, maslalo na sa Ateneo o kaya sa La Salle o kaya dun sa UST. Pero pinipilit padin ako ni  Mama na mag-aral dito. Si Kuya naman hindi nakipag-away pa kaya ako sinunod ko nalang din si Mama.

Mga pictures nalang tong mga naiwan kaya madali dali nalang. Maluwang itong kwarto ko, may sariling banyo. Ito lang yung kwarto na may sariling banyo. Sabi ni Mama, dito nalang daw ako. Pinipilit ko na dito nalang si Mama pero mas mapilit siya. Kaya dito na talaga ang bagsak ko. Ewan ko ba kay Mama.

Sinabit ko na yung ibang pictures sa right side ng kwarto, yung iba naman sa left side. Yung iba sa study table ko. Kinuha ko na sa box yung last na picture para ilagay sa study table ko. Tinignan ko muna ito saglit. Parang nawala yung pagod ko. Picture namin to ni Papa, parehas kaming nakangiti, yung sobrang saya na ngiti. Nakakamiss si Papa, sobra. Nasa Amerika kasi siya, dun siya nagtatrabaho para saamin nila Mama at ang mga kapatid ko. Last two years yung huling bisita niya dito sa Pilipinas, nung graduation ko nung highschool.

Linagay ko na yung picture namin ni Papa sa study table ko. Pagkatapos, inayos ko na lahat ng box, nagwalis nadin ako at nagpunas punas.

Humiga ako sa floor. Haaaaaaay! Nakakapagod. Tumayo nadin ako after ilang minutes. Dumirecho ako sa banyo at naligo. Binuksan ko yung shower, haaaaaay! Ang sarap sa feeling ng mainit na tubig. Syempre sa Manila mainit ang panahon kaya dina kelangang ipainit pa yung tubig. Nagstay muna ako sa shower, ang daming pumapasok sa isip ko. Bagong buhay sa bagong lipat na lugar, bagong bahay, bagong school at bagong friends.

Speaking of school, first day of school na bukas, kelangang maaga pa kami ni Kuya. Inoff ko na yung shower at lumabas na ng banyo, dumirecho ako sa damitan ko at kumuha ng loose na shorts at sando. Nagsuklay nadin ako ng buhok.

May sariling veranda din itong kwarto ko. Lumabas muna ako saglit para tignan yung view. Pero napansin kong meron kaming kapitbahay, sa right side ng bahay namin, mas malaki nga lang. Yung kwarto ko may katapat din na kwarto may veranda din, naka-on yung ilaw. Sino kaya yung nakatira jan? Sana maging friends kami.

Humarap ako kung nasan yung view. Ang ganda! Sobrang dami ng ilaw, gabi na kasi. Ang sarap sa feeling nung hangin. Ipinikit ko muna saglit yung mga mata ko para maslalo kong ma-feel yung hangin.

Ilang saglit palang binuksan ko na agad yung mga mata ko. Na-feel kong parang may tumitingin sakin. Tumingin ako sa right side ko, dun sa may kwarto na katapat ko, may shadow ng tao na naglalakad pabalik sa pinakaloob ng kwarto niya. Lalaki. Sino kaya yun?

Binalewala ko nalang yun at bumalik nadin ako sa kwarto ko. Sinarado ko na yung pintuan at mga kurtina ng kwarto ko.

Humiga na ako sa higaan ko. Nag-kumot nadin ako. Tumingin ako sa ceiling. Sana maging maganda ang araw ko bukas, sana magkaroon ako ng bagong friends at sana bumalik na ang dating ako.

Ilang saglit pa ay nakatulog nadin ako.


..

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon