Chapter 4 David Jay (DJ)

55 4 0
                                        

Mabilis na natapos ang klase.

"Class, see you next meeting, and bring with you your book. Read in advance please. Good bye"

Nakita kong agad na tumayo si Meng. Pumunta agad ako sa harap niya para pigilan niya.

"Hi" sabi ko ng nakangiti.

"Hi" sabi niya ng naka poker face. Inis na inis padin siguro siya sa pagtitig ko kanina.

"DJ" inabot ko ang kamay ko.

"Meng" tinignan niya lang yung kamay ko. Nice! Palaban na babae.

"Uh, san yung next class mo?"

"B building"

"Aa. Hatid na kita"

"Hindi na." Sabi niya ng hindi nakatingin sakin sabay lakad palabas ng classroom.

Hindi ko na siya hinabol pa. Baka maslalo pang mainis sakin.

Nakita kong palabas nadin yung Katkat at si Dianne. Nauna si Dianne at nahuli naman si Katkat pero bago pa tuluyang lumabas si Katkat, lumingon siya kung nasaan ako at lumabas.

Pumunta na ako sa susunod kong klase. Wala namang masyadong ginawa sa ibang klase kundi ang paulit ulit na pagpapakilala at brief orientation.

Lunch na. Dumirecho na ako sa food court para kumain. Pero nasa labas palang ako kita ko na si Meng na may kasamang lalaki. Nagtatawanan sila at sobrang saya. Papalapit ako ng papalapit hanggang sa makilala ko yung lalaking kasama niya.

"Yo DJ!"

"Yo Mezzo!" Sabi ko

Tumingin ako kay Meng na halatang nalilito.

"Kuya, kilala mo siya?" Pagtataka niya.

"Nakilala ko siya nung bagong dating natin dito. E kayo? Magkakilala kayo?"

"Yep. Kanina lang. Magkaklase kami sa isang subject." Sagot ko kay Mezzo. "E kayo? Magkakilala kayo?"

"Kapatid ko siya." Sabi ni Mezzo

Tumingin ako kay Meng na gulat na gulat. Bat hindi ko nga napansin yun? May pagkakapareha sila sa buhok, ilong at parehas na maputi.

Ngumiti ako kay Meng at tumabi sa tabi niya. Mukhang nagtataka padin siya kung pano kami nagkakilala ng Kuya niya. Hindi padin niya alam na magkapit bahay kami.

Inis padin siya. Haha.

Ang sarap niyang inisin. Ako pamandin yung tipong maasar na tao. Magandang laro to. :D

"Hi Meng ^____________^"

"Hi.  Kuya alis na ako kelangan ko pang mag advance reading sa susunod kong klase. Bye. Ingat"

O at anong ginawa kong mali? Psh.

"Sorry bro, ganyan talaga si Meng pagdating sa mga lalaki." Mezzo

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ayokong manggaling sakin."

"Okay. Naintindihan ko. . . Oo nga pala, anytime welcome na welcome ka sa bahay. Jamming jamming tayo."

"O sure! Gusto ko yan. Um bro, may pasok ka pa ba?"

"Meron pa e, hanggang 2. Bakit?"

"Sakto! Hanggang 2 din ako, pwede bang libutin mo ko dito sa Baguio? Para mafamiliarize ko dito at hindi ako mawala."

"Sige sige. Yung sasakyan ko nalang ang gamitin natin."

"Okay sige. Thanks bro."

"Walang anuman."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay naghiwalay nadin kami at nagpunta sa kanya kanya naming klase.

Mabilis na natapos ang klase. 2pm na. Gaya ng napag-usapan namin, iuuwi muna ni Mezzo yung sasakyan nila, pagkatapos ay lilibutin ko na siya.

Andito na kami sa harap ng bahay nila hinihintay ko nalang si Mezzo na pumasok ng sasakyan ko.

"Tara!" Sabi ni Mezzo habang binubuksan yung pintuan ng sasakyan at pumasok sa pasemger's seat.

"Okay. Let's do this."

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon