Chapter 54

22 1 0
                                    

Meng's POV

"Ayun! Syempre nagpakatotoo ako. Pero hindi ko pa sinabi na nahulog na ako sakanya. Malinaw na malinaw yun sakin kaso gusto ko kasing maayos yung iba ko pang relasyon bago kami maging you know. Yun! Basta ganun! Gets niyo na yung ibig kong sabihin." Pagkukwento ko kila Dianne at Kat sa nangyari kanina.

"Awwwww! Sayang naman girl hindi ka pa umamin. Pero tama lang yung ginawa mo." Sabi ni Kat.

"Truly! I strongly agree! Tamang tama lang yung ginawa mo. You are a wise girl. :)" Sabi naman ni Dianne.

"Bakit sino at ano ba kasi yung mga aayusin mong relasyon mo?" Tanong ni Kat.

"Si Ken chaka si. . " Hindi ko pa pala nasasabi sakanila yung kay DJ. Ito nadin siguro yung tamang panahon. "DJ"

Nagulat si Kat nung nabanggit ko yung pangalan ni DJ pero agad niyang naitago.

"Alam niyo naman na yung kay Ken e." Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at pmunta sa may bintana ng kwarto ko. "As for DJ." Hinarap ko sila Kat at Dianne. "Nanliligaw siya sakin. The past few days lang. Ayoko pang sabihin sainyo kasi napakadaming nangyayari sakin. Gulong gulo na ako. Tinanong niya ako kung pwede daw siyang manligaw pero hanggang ngayon hindi ko pa siya sinasagot sa tanong niyang yun. Siguro pagbalik nalang ng Baguio."

Napansin kong napakatahimik ni Kat. Alam ko naman yung nararamdaman niya e.

"Kat, alam kong nasasaktan ka dahil mahal mo si DJ. Kahit hindi mo naman sabihin samin halatang halata naman e. Gusto ko lang na malaman mo na kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya. Kaya lilinawin ko din sakanya yun." Sabi ko kay Kat.

"Tama ka Meng. Mahal ko na nga si DJ. Actually, matagal na. Simula first year palang kami." Bumalik ako sa pagkaka-upo ko sa kama ko. "Nung first day of school napansin ko agad siya sa likod ng classroom kasi wala siyang kausap, napakatahimik niya. Lalapitan ko na sana pero naunahan ako ni Nichole." Nung nabanggit ni Kat yung pangalan ni Nichole, laking gulat namin ni Dianne. Pinagpatuloy naman ni Kat yung kwento niya.

"Gulat kayo no? Marami pa kayong hindi alam, lalo ka na Meng. Simula nung linapitan ni Nichole si DJ nawalan ako ng lakas ng loob na lapitan si DJ. Sa mga sumunod na araw laging linalapitan ni Nichole si DJ kahit na halatang ayaw ni DJ. Ako naman naging dakilang stalker ni DJ. Lagi ko silang sinusundan kung san man sila magpunta. Hanggang sa lagi na silang magkasama. Nung mga panahong yun, crush ko palang naman si DJ pero syempre nakakaramdam din naman ako ng selos. Naging mas close na silang dalawa. Si DJ na tatahi-tahimik umiingay na dahil kay Nichole, lagi ko silang nakikitang nagtatawanan, nag-uusap, meron din nga yung time na lagi sila sa library kasi tinuturuan ni DJ si Nichole samantalang ako nasa malayo pinapanuod sila. Ewan ko ba kung bakit lagi ko silang sinusundan e nasasaktan lang naman ako. Lumipas ang araw at nahalata kong nagkakagusto na sila sa isa't isa hanggang  sa nalaman ko nalang na sila na pala. Disappointed ako syempre kaya tinigil ko na yung stalker modes ko. Hindi ko na sila pinakealaman. Para saan pa diba? Pero lagi ko naman silang nakikita parang ako naman ngayon ang sinusundan nila. Kung nasan ako andun din sila. Parang nang-aasar nga e." Ngumiti ng malungkot samin si Kat. Halatang pinipigilan niya yung sarili niya sa mga emosyon na nararamdaman niya.

"Sumali si DJ sa Fusion na siyang ikinagulat ko." Pagpapatuloy ni Kat. "Kumanta siya nun habang naggigitara. At dun ako nagsimulang mahulog sakanya. Hindi ko alam na marunong pala siyang kumanta at mag-gitara. Yung kinanta niyang kanta feeling ko para sakin. Nung mga oras na yun feeling ko kaming dalawa lang yung nasa lugar na yun. Napakaganda nung boses niya. Tapos ang galing niya pang mag-gitara. Nakakabilib. Nung natapos yung kanta niya agad akong pumunta ng back stage para sabihan manlang siya na ang galing niyang kumanta. Naglakas loob ako nun. Pero pagkadating ko dun narinig kong hinahanap niya si Nichole. Tarantang taranta na siya dahil nawawala si Nichole kaya tinulungan ko nalang siyang maghanap. Umalis na siya pero ako linibot ko yung buong school para hanapin si Nichole at nakita ko nga siya sa likod ng school kung saan wala masyadong tao pero hindi siya nag-iisa." Tumingin samin si Kat sabay sabing "Kasama niya si Niko." Pagkasabi nun ni Kat gulat na gulat kami ni Dianne. Marami pa pala talaga akong hindi alam. Ewan ko pero bakit umiba pakiramdam ko?

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon