Chapter 12 Andre Niko

33 2 0
                                        

Humiwalay na si Drex kasi iba ang building niya. 

"San room mo?" Tanong ko kay Meng. 

"H306"

"Ay oh? Dun din room ko." Gulat na sabi ko.

"Baliw! Magkaklase tayo, halos sa lahat ng subjects nga tayo magkaklase eh."

Tinignan ko lang siya ng may pagtataka sa mukha ko. Seryoso? HIndi ko kasi masyadong pinapansin mga tao sa pagilid ko.

"Ay oh? Ang alam ko lang na kaklase kita eh dun sa FINMGT1 na subject natin." Sabi ko sakanya, kasi yun yung first subject namin na nagpakilala nung first day of school.

"Haha. Oo. Lagi ka ngang late eh." Sabi niya sakin ng natatawa.

Siguro nga. All this time magkaklase pala kami hindi ko manlang alam. Langya!

Umakyat na kami ng building. Yung mga tao sa paligid namin nagbubulungan. Pagkapasok na pagkapasok namin ng classroom bulungan padin ang nangyayari.

Nagtataka siguro sila dahil magkasama kami ni Meng. Ang kilalang basketball player at ang bagong lipat na estudyante.

Lumingon siya sakin at tumango. Dumirecho siya sa  upuan kung saan may dalawang babae na nakaupo sa magkabilaan niya. Dumirecho nadin ako sa upuan ko sa likod.

Pagaka-upong pagka-upo ko tinititigan ko si Meng kahit likod lang nakikita ko sakanya.

Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Ang gaan gaan. Dahil ba sa nakausap ko siya? Hay! Ewan. Pero meron siyang factor na madali mo siyang maging kaibigan pero meron pading barrier na humaharang sakanya na makipag-usap at makisalamuha siya sa mga tao sa paligid niya. Kaya bigla bigla nalang nagbabago yung ugali niya. Mamaya maingay siya mamaya tahimik bigla. Merong something na gusto kong malaman tungkol sakanya. Masyado kasi siyang mysterious.

Natapos na ang klase. Hindi ko manlang napansin na umalis na si Meng. Nagdaan pa ang mga ibang klase kung saan kaklase ko din siya. Hindi na siya gaanong namamansin. Siguro dahil narin sa mga bulong bulungan. Kaya hindi ko narin muna siya inintindi.

Uwian na. Dumirecho na ako sa kung saan naka-park yung sasakyan ko. Kelangan ko pang sunduin si Andrea.

Dumirecho agad ako sa school niya. Bumaba ako para hintayin siyang makalabas sa harap ng classroom.

Ilang saglit pa ay nakita ko na siyang tumatakbo palapit sakin. Nang makalapit na siya bigla niya akong yinakap. Nung mga nakaraang araw, lagi niya na akong yinayakap, nagsasabi ng I Love You Kuya. Ang weird. Kapatid ko ba to? Nangyari sakanya? Hindi ako sanay. Hindi ko alam ang gagawin ko pag ginagawa niya ang mga bagay na yun kaya hinahayaan ko lang siya.

Nginitian niya ako at nagsimula na kaming maglakad papuntang sasakyan. Tinulungan ko siyang umakyat at pumunta nadin ako sa driver's seat.

Pina-andar ko na yung sasakyan. Napagdesisyon kong ilibre siya sa isang kainan kung saan niya gusto. Kapalit ng mga ginagawa niya sakin. Panahon nadin siguro to para maging maayos ang relasyon namin. Pero talagang naweweirduhan lang talaga ako dito sa kapatid ko o sadjang moddy lang siya? Haay. Mga babae nga naman.

Tama lang siguro na ilibre ko siya ngayon, nasa mood din naman ako na ilibre siya.

"Andrea, where do you want to eat?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin sabay ngiti.

"Mmmmmmmmmmmmmm. Wait. Mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm. Greenwich! I like to eat pizza. Hehe. I like the big size Kuya. Thank youuuuuuuu! ^_______________^"

"Okay."

Nakakapagtaka padin talaga tong kapatid kong to kung bakit siya bumabait sakin. Pero mabait naman siya. Ako ba ang bumabait sakanya? The past few days, hindi ko na siya masyadong pinagbubuntungan ng inis ko. Mmm? Okay. Something weird is happening to me. Or to her? Ilang araw ang nakaraan ang daming bagong nangyayari simula nung nakita at nakilala ko yung si Meng.

Since malapit lang ang school ni Andrea sa Greenwich nakarating agad kami dun. Pinark ko na yung sasakyan at bumaba na agad kami. Naglakad papunta sa loob. Nag-order nadin ako samantalang si Andrea naghanap ng mauupan namin.

After 10 minutes nakapag-order nadin ako. Pumunta ako kung nasaan si Andrea at umupo na ako. Sa totoo lang first time ko tong gagawin sa kapatid ko at hndi ako sanay. Pero okay nadin siguro para meron kaming closure na magkapatid.

Nagsimula na kaming kumain. Karaniwan ang kapatid ko ang nagsisimula ng conversation pero ngayon iibahin ko naman.

"So, Andrea how's school?" 

Tumingin siya sakin habang lumalamon. Kelan pa siya natutong kumain na parang baboy? O talagang ganyan siya kumain at hindi ko lang napapansin? Actually, ngayon ko lang napapansin bawat galaw ng kapatid ko. Dati kasi hatid sundo ko lang siya. Yun lang. Normal act lang sa bahay. Bibigyan ko lang siya ng pansin kapag gutom siya. Pero kakaiba ngayon.

"I'm having so much fun Kuya." Sabi niya ng punong puno ng pizza yung bunganga niya.

"Can you tell me why?"

"Well, I was able to participate in class and my teacher gave me 5 stars. ^_^ Look at my arm" Sabi ni Andrea na sobrang proud at pinakita niya sakin yung kamay niya na may tatak ng limang stars.

"Good. We'll tell Papa about that. I'm sure he will be proud of you." Sabi ko habang nakangiti sakanya.

"Thanks Kuya. By the way, why are you taking me out? I'm sure there's a reason behind. ^_________^" Tanong niya na may kasamang nakakalokong ngiti.

"Mm? Nothing. There's nothing I can cook at the house that's why." Pagsisinungaling ko.

"Really? I don't think so." Sabay kagat sa pizza niya at titig na titig siya sakin. Binalewala ko nalang tong batang to. Ang bata bata chismosa na.

Nanahimik nalang kaming dalawa habang kumakain. Baka kulitin niya nanaman ako tungkol kay Meng. 

Nang matapos kaming kumain. Binayaran ko na yung bill namin. Dumirecho na kaming parking lot at agad na sumakay. Nag drive na ako pauwi ng bahay.

Bumaba na kami at umakyat na ako papuntang kwarto. Ganun din si Andrea. Hindi niya na ako pinansin, baka sobrang nabusog. 

Pumunta akong banyo para maligo. Pagkatapos kumuha na ako ng pampalit ko at nagpalit na.

Humiga ako sa higaan ko at tumingin sa ceiling.

May number kaya si Meng kay Drex? Makuha nga. Linabas ko ang cellphone ko at tinext si Drex.

To: Drex

Bro, may number ka ba kay Meng? Kunin ko nga. Salamat. -Niko

Toot...

From: Drex

Ninja moves! Haha. Eto oh. +63**********

To Drex:

Haha. Salamat ulit.

Maaasahan talaga tong si Drex sa mga gantong bagay. Haha. HIndi na ako nagdalawang isip pa at agad kong sinave yung number ni Meng sa phonebook ko at agad nagtype ng text para sakanya.

To: Meng

Hi

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon