"Happy huh?" Sabi ni Andrea na lumusot yung ulo sa gilid ko.
"You have know idea." Sabi ko ng nakangiti padin.
"So, is she the one?"
"Yep."
"I like her. I mean. I like her for you Kuya."
Tumingin ako sa front mirror, nakita kong napakaseryoso nung mga mata ni Andrea. Ngumiti nalang ako. "Thank you Andrea."
Ngumiti lang din siya at umupo na ng mabuti. Pinagpatuloy ko lang ang pagda-drive, napansin kong ipinikit ni Andrea yung mga mata niya. Sobrang pagod siguro.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay.
"Andrea, we're here." Sabi ko pero hindi siya nagigising kaya bumaba na ako at pinuntahan siya. Binuhat ko siya, pati yung mga gamit niya at dinerecho ko siya sa kwarto niya.
Ihiniga ko siya sa higaan niya. Tinabi ko yung mga gamit niya. Tinanggal ko yung sapatos niya at kinumutan siya.
Naalala ko nanaman yung pinag-uusapan naming tatlo kanina sa sasakyan. Nabanggit ni Andrea na lagi ko daw siyang sinusungitan at tinatarayan. Panahon narin siguro na magpakabait ako sa kapatid ko, aalagaan ko na siya.
Nag-bend ako at hinalikan ko siya sa ulo.
"Sorry for everything." Bulong ko at tuluyan na akong umalis ng kwarto ni Andrea.
Naglakad ako papuntang kwarto at pumasok. Hindi padin mabura sa mukha ko yung ngiti ko. Kahit na maraming nangyari kay Meng ngayong araw, kahit na wala siya sa mood at nanghihina yung katawan niya, dahil kay Andrea sumaya siya. At hindi lang yun, alam kong maaayos nadin ang relasyon naming magkapatid.
Speaking of Meng. Ano kayang nangyari sakanya ngayon? Matawagan nga si Kat.
"Hello!" Bati ni Kat.
"Hi."
"O bakit?" Tanong niya.
"Uh, gusto ko lang kasing malaman kung anong nangyari kay Meng."
"Aaa. Yun ba? Kwento kasi sakin ni DJ, nung umaga daw sabay silang pumunta ng locker ni Meng para ilagay yung binigay na cupcakes ni DJ. Naabutan nilang maraming nagkukumpulan dun, tapos nakita nilang may naka-vandal na 'b*tch' dun sa locker ni Meng. Tas nung in open ni Meng yung locker niya may ahas sa loob kaya napatumba siya."
"O? Grabe naman yun?!"
"Sinabe mo pa. Tapos kaninang nagla-lunch kami biglang may lumapit samin na lalaki, dala niya yung cupcakes na binigay ni DJ kay Meng. Nung binuksan ni Meng yun, napatayo siya ng gulat na gulat. May uod yung mga cupcakes. Umalis na agad kami dun at dumirecho sa sasakyan ni Meng at dun na siya nagsimulang umiyak." Sabi ni Kat at bigla siyang nag-pause pero tinuloy niya din agad. "Bago pa kami umalis dun sa food court may nakitang note si DJ na nagsasabing malandi siya. Basta! Hindi ko masyadong maintindihan kasi mas inaalal ko si Meng. Nung nabasa niya nga yun, maslalong lumakas yung iyak niya. At dun na nagsimulang maghyperventilate si Meng. Tinakbo agad namin siya sa clinic."
"Grabe naman. Sino kaya naman ang gumawa nun sakanya? Sobra sobra naman na ata yun."
"Hindi din namin alam yan e."
Natulala ako. Iniisip ko kung sinong pwedeng makagawa nun kay Meng.
"Niko?"
"Ay. Sensya. Sige. Salamat sa info."
"Walang anuman. Nahatid mo pala siya kanina?"
"Yep."
"Okay. Tuloy padin pala yung plano mo sakanya sa outing?"

BINABASA MO ANG
Admirer
Storie d'amoreAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.