Chapter 2 Mezziya (Meng)

100 6 0
                                        

"Morning!" Sabay na bati sakin ni Mama at Kuya.

"Morning!" Bati ko na inanatok pa.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa kusina. Nagtutulungan sila Mama at Kuya sa paghanda ng almusal.

Simula ng umalis si Papa at nagtrabaho sa ibang bansa naging responsable na ang Kuya ko sa lahat ng bagay. Lagi lagi niyang tinutulungan si Mama sa mga kapatid ko at sakin.

Sobrang close ko ang Kuya ko, halos sa lahat ng bagay nagkakasundo kami. Sa pananamit, sa pagkain, kahit sa papanuorin, sa lahat! Sa sobrang close namin minsan napagkakamalan kaming mag boyfriend at girlfriend. Minsan naman kambal. Haha. Ang gulo nga nila.

Sobrang protective din yang Kuya ko, nagmana kay Mama. Alam niya ang nakakabuti para sakin. Kaya pagminsan hindi na ako nakikipag away pagdating dun kasi may tiwala ako sa Kuya ko.

"Huy!" Sabay batok.

"Aray!" Hinimas ko ang ulo ko.

"Sobrang lalim kasi ng iniisip mo e, nalulunod ka na nga o" Sabi ni Kuya.

"O siya, kain na kayo anak para hindi kayo malate sa mga klase niyo." Mama.

Hinihimas ko padin ang ulo ko.

"Haha. Sorry na Meng" Yinakap ako ni Kuya at hinalikan ang ulo ko na binatukan niya.

Sumimangot lang ako at tinignan siya ng masama.

^______________^

Pagkaluwang luwang ng ngiti ni Kuya. Nawala tuloy yung inis ko sakanya. E pano ba naman kasi kagigising ko tapos babatukan niya ako ng ganun. Psh.

Ngumiti din ako sakanya at nagsimulang kumain. At ganun din si Kuya. Pagkatapos ay umakyat na kami sa kwarto. Naligo na ako. Pagkatapos lumabas na ako ng banyo at kumuha ng masusuot. Kumuha ako ng jeans at black na shirt, kumuha din ako ng hoodie na jacket. Agad ko namang sinuot ito. Nagsapatos nadin ako.

"Meeeeeeeng! Dalian mo malelate na tayo!" Sigaw ni Kuya sa labas ng kwarto ko.

Haaaay! Kahit kelan talaga. Mas mabunganga pa yang si Kuya kesa sakin e. -_- Ayaw na ayaw ko pang tinatawag ako sa palayaw ko. Napakapangit. -__-" Ginawa niya kasi yun. Ewan ko ba dun.

"Opo!" Agad kong kinuha ang bag ko at suklay. Hindi pa ako nakakapag suklay. >.< sa sasakyan nalang.

Tumakbo na ako pababa ng bahay at naabutan si Mama sa pintuan.

"Bye Ma! Love you." Sabay halik sa cheeks ni Mama.

"Bye. Enjoy ka sa school. Make friends. Pag may problema tawagan mo lang ang Kuya mo o ako. Love you Meng."

"Opo." Tumakbo na ako sa sasakyan kung saan nakasakay na si Kuya naghihintay. Agad naman akong sumakay sa Passenger's seat.

Pina-andar na ni Kuya yung sasakyan. Nag-umpisa nadin akong magsuklay ng buhok ko. Habang nagsusuklay nararamdaman kong tumitingin tingin sakin si Kuya kaya tumingin din ako sakanya.

"Bakit?" Tanong ko.

Tumingin siya sa kalsada. "Wala lang, magkapatid talaga tayo. Parehas nanaman tayo ng suot"

Tinignan ko yung suot ni Kuya.

"Haha. Oo nga no. Ayos"

Pagkatapos kong magsuklay. Parehas kami ni Kuya na hindi nagsasalita. Pag mga ganitong sitwasyon salita ng salita si Kuya. Tulad nga ng sabi ko sainyo, madaldal yang si Kuya kesa sakin. Pero ngayon tahimik siya. Siguro kinakabahan din siya. Kasi ganun ang nararamdan ko ngayon. Ewan ko ba. Dahil narin siguro sa pagpasok namin sa bago naming school. Sana maging maganda ang kalalabasan nitong araw na ito.

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa harap ng school. Pin ark na ni Kuya yung sasakyan. Bago bumaba, tumingin muna ako sa front mirror nung sasakyan at nag-ayos. Nauna nang bumaba si Kuya ng sasakyan. Kinuha ko na yung bag ko. Nakita kong nasa pintuan ko na pala si Kuya, binuksan niya ito at tinulungan niya akong bumaba. Ang sweet talaga ng Kuya ko. Swerte ng magiging girlfriend niya.

Dahil late na kami, napansin kong madami ng tao. Pumasok na kami ng school.

Pagkapasok na pagkapasok namin, lahat ng atensyon ng mga studyante ay napunta samin. Anong meron? Weird. Hindi ako sanay na pinagtitinginan kaya yumuko nalang ako at patuloy na naglakad. Hiyang hiya na ako gusto ko nang makarating kung san man kami pupunta ni Kuya. Naramdaman kong inakbayan ako ni Kuya. Tumingin siya sakin at ngumiti. Haaaay! Salamat kay Kuya at anjan siya. Nakarelax ako sa ginawa niyang yun.

Nakarating nadin kami dito sa isang office. Tinignan ko kung ano yung office na yun. At nakalagay "Office of Student Affairs"

Okay. Siguro dito namin kukunin yung map ng school at nung schedule namin. Pumasok na kami ni Kuya, nakita namin ang isang matandang babae, siguro nasa mga late 40s na siya.

"I bet you are the Zander siblings" sabi nung matanda.

"Yes Mam" sagot ng Kuya ko.

Tumingin sakin yung matanda at ngumiti lang ako pabalik.

Inabot niya samin yung map ng school at ang schedule namin. "Enjoy your first day of school. Anjan na lahat ng kelangan niyo."

"Thank you Mam" Sabay ngiti at umalis na ng office.

Nang nakalabas na kami, tinignan namin saglit yung schedule namin at kung saan yung first class namin. Dahil third year na ako at fourth year na si Kuya malamang magkahiwalay kami ng classroom. Napansin ko pading nakatingin padin samin yung mga estudyante. Hindi ko nalang sila pinansin.

"O pano ba yan. Una na ako. Dun ako sa building na yun." Tinuro niya sakin kung san. "Lahat ng klase ko dun. Pag may kelangan ka mag text ka lang. Nagpareserve din pala ako ng locker mo. Hanapin mo nalang jan kung nasan. Bye Meng." Sabay hug at kiss sa nuo. Yinakap ko din pabalik si Kuya.

Nag start na akong maglakad at hinanap yung locker ko. Nafifeel ko padding lahat ng atensyon ay nasa akin. Ano ba? Nakakainis na talaga. Yumuko nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ganto ba talaga dito? Tsk tsk.

Since may map, hindi ako nahirapang hanapin yung locker ko. Pagbukas ko andun na lahat ng kelngan kong libro sa lahat ng subjects ko. Nice. Kinuha ko na yung dalawang libro para sa dalawa kong magkasunod na klase. Sinarado ko na ito at nagmadaling puntahan ang unang klase. Hindi ko napansin ang oras. Five minutes na akong late. Thank God at nahanap ko agad ang classroom ko.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon