Siguro dalawang linggo ang nakalipas simula nung nagbenta kami ng pancakes.
Sobrang nakakapagod pero worth it naman kasi nabibigyan ko sila Mama ng pera dagdag sa pang-gastos namin araw araw.
Dalawang linggo din kaming hindi nagpapansinan ni Niko. Or mahigit dalawang linggo na. Makikita ko silang dalawa ni Nichole pero deadma muna ako. Pag nakikita ko si Nichole, kumukulo yung dugo ko. Para wala nalang away.
Ngayon, andito kaming tatlo nila Dianne at Kat malapit sa entrance ng school para magbenta ulit. Sila Kuya at DJ inaantok pa kaya iniwan na namin.
Thankful nalang ako at meron tong dalawang best friend ko.
Every Sunday lang sila nakiki-overnight, kaya pag week days ang katulong kong nagluluto si Kuya at si DJ. Pero lagi silang inaantok kaya naman kaming tatlo lang andito ngayon. Ang bibigat pa netong mga to.
Nung binaba na namin yung mga benta namin, biglang may lumapit samin na lalaki.
"Miss, bawal pong magtinda dito sa harap ng school."
Mejo matagal nag-sink in sakin yung sinabi ni Kuya. Eh kasi naman, dalawang linggo na kaming nagbebenta dito tas ngayon lang kami sisitahin?
Nakasimangot kaming tatlo habang binubuhat mga paninda pero biglang nagsalita si Kat.
"Bakit biglaan naman atang bawal na dito magtinda?" Tanong ni Kat kay Manong.
"Napag-utusan lang po Miss."
"Sinong nag-utos sayo? Baka pwede kaming maki-usap?" Tanong ni Kat.
"Ako bakit?" Biglang sabi ni Nichole na sumulpot nalang kung saan saan.
"Bakit?! Ikaw may-ari ng school na to para magbawal na magtinda sa harap ng school?! Estudyante ka lang din naman dito, hindi ka presidente! Kaya wag kang nagmamagaling!! TABE! MAY BIBILI!" Sigaw ni Kat at sakto namang lumapit yung bibili ng pancake.
Maya maya pa ay naitulak tulak siya ng mga taong parating para bumili ng pancake namin.
Hindi ko na siya inintindi at nagbenta nalang ako, at ganon din naman sila Kat at Dianne.
Bakit? Totoo naman lahat ng sinabi ni Kat. Sino ba kasi siya?
Naubos na namin yung tinda namin. Tapos nadin yung mga klase namin pang-umaga at andito kami ngayon sa cafeteria kumakain ng lunch.
"Proud na proud ako sayo Kat." Sabi ni Dianne
"Oo nga!" Sabi ko habang nag-apir kami ni Dianne. "Sana pala tinapunan natin siya nung benta natin para lumayas." Pagpapatuloy ko at tumawa naman si Kat at Dianne.
"Punong puno na kasi ako sakanya. Naha-highblood ako pag nakikita ko siya. Naalala ko lahat ng mga ginagawa niya noon kila DJ at Niko, kung pano niya sila pinag-laruan, pati nadin yung mga pinag-gagagawa niya sayo Meng. Kulang pa nga yung mga sinabi ko sakanya. Nangangati palad ko na sampalin siya." Galit na sabi ni Kat
"Oh chill ka lang bessy, marami tayong time para jan." Sabi ni Dianne at natawa naman ako.
Habang kumakain kami, biglang may nagsigawan.
"Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ng mga tao sa cafeteria.
Napatingin naman kaming tatlo kung saan yung nanggagaling na ingay.
Sa di kalayuan may isang babae at lalaki na magkatabing naglalakad. Papasok sila ng cafeteria. Pero nung nakalapit na, dun ko nakilala yung dalawa.
Sino pa nga ba kung hindi si Nichole at Niko. Wala namang bago dun. Siguro exclusively dating na yung dalawa. Matagal ko nading nakikita na magkasama silang dalawa.
Pero bat ganon? Nakakaramdam ako ng kirot? Feeling ko kasi andami na naming napagsamahan ni Niko tapos biglang ganta na mawawala na siya sa buhay ko tas may kapalit na agad?
Well, hindi naman naging kami pero kahit na.
Hindi ko namalayang naka-kunot na pala yung nuo ko at nakatayo na ako nang hinila ako pababa ng upuan ko si Kat.
"Hoy Meng! umupo ka nga" Paghihila sakin ni Kat sa braso ko.
Umupo ako sabay tingin sa baba at biglang may tumulo na luha. Hanggang sa hindi ko na mapigilan yung luha. Tuloy tuloy na. Non-stop na yung tulo.
Bat ba ako ganto? Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Tumingin ulti ako sakanila at nagsalubong yung tingin namin ni Niko.
Yung tingin niya hindi masaya na katulad kay Nichole. Parang nagsasabing "sorry" yung mga mata ni Niko. Umiwas naman ako agad ng tingin kay Niko.
Uwian na. Late akong umuwi ngayon at binabad ko ang oras ko sa pababasa ng kung ano ano sa library. Ginawa ko na lahat ng mga homework sa lahat ng subject namin.
Hindi ko namalayan yung oras at 6:30 na pala at mejo madilim na sa labas.
Kaya heto ako ngayon palabas na ng library at paalis na ng school. Naglalagay ako ng gamit ko nang biglang. .
"Pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang. Pakinggan mo lang ako" Tuloy tuloy na sabi nang napaka-pamilyar na boses.
Si Niko.
Sa totoo lang, namiss ko siya. Namimiss ko siya.
Makita ko palang siya sa harapan ko ngayon, naiiyak na ako. Gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit.
Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin sa outing namin.
"Meng?" sabi ni Niko na siyang mejo ikinagulat ko at naibalik ako sa katotohanan.
Bigla akong naiyak. Hindi ko alam gagawin ko at hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Kaya naman yinakap niya ako. Linagay niya yung kamay niya sa likod ng ulo ko para ilapit niya ako sakanya.
"Sorry Meng" bulong niya habang humigpit yung yakap niya sakin. At lalo naman akong humagulgol.
Hindi ko alam ang nagyayare basta hinayaan ko lang na yakapin niya ako. Miss na miss ko na siya.
Naglakad kami papauntang sasakyan niya.
Humarap siya sakin sabay sabing "Meng sorry talaga, hayaan mong magpaliwanag ako."
Hindi padin ako sumasagot. Hindi ko padin siya tinitignan. Pero biglang inangat niya yung chin ko para makita ko yung buong mukha niya.
"Lumayo ako. Lumayo ako sayo kasi ito yung nararapat." Pag-eexplain ni Niko. "Ayokong masaktan ka."
"Pero ginagawa mo na." sabi ko nang mahina na siyang ikinalungkot niya. Kitang kita na nagguilty siya sa mga nangyayari sakin.
"Pero andito ako sa harap mo ngayon humihingi ng tawad." sabi ni Niko na talagang nakatingin sa mata ko at humihingi ng tawad. "Ngayon, hindi ko na kaya lahat ng nangyayari sayo at sa pamilya mo."
Nagtaka ako, alam niya kaya yung sa mga magulang ko? Pero hinayaan ko siyang magsalita.
"Isang araw lumapit sakin si Nichole at nakikipagbalikan. Pero ayoko kasi ikaw ang . . ikaw ang mahal ko." Sabi ni Niko na siyang ikinagulat ko.
May something kaming dalawa pero nkakagulat padin marinig sakanya yung mga salitang yun.
"Pero binalaan niya ako na kapag hindi ako nakipagbalikan gagawa siya ng ikakasira mo. Nalaman ko kay papa yung tungkol sa kumpanya at sa lahat ng ginawa ni Nichole sayo at sa pamilya mo. Nakpagbalikan ako para hindi niya gawin yun pero ginawa niya padin. Kaya eto humihingi ako ng tawad sa nagawa ko. Para saan pa at nakipagbalikan ako kung ginawa niya padin? Kanina, nakipaghiwalay na ako at sinabi ko yung totoo. Wala na akong paki-alam sakanya" Pagtatapos niya at yinakap ko ulit siya ng mahigpit.
Hindi ako galit sakanya, wala din naman siyang ginawa na mali. Naiintindihan ko naman lahat ng yun eh, si Nichole lahat LAHAT ng may pakana neto.
"Sorry." sabi ni Niko pero lalo ko siyang yinakap.

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.