Second half na ng laro. Pumunta muna yung mga players sa kanya kanya nilang grupo.
Nakikita kong pinagsasabihan ni Niko yung grupo niya. Nakikinig naman ng mabuti yung mga kagrupo niya kasama si Coach.
Alam na alam na talaga ni Niko yung ginagawa niya.
Lamang ang UB ng 13 points. Mabilis silang nakahabol sa DBU. Dapat hindi sila maging kampante sa pagka-lamang nila. Halatang nahirapan din ang UB sa DBU kaya ngayon humigpit pa dapat ang defense nila Niko.
Marami naring na-foul sa team, syempre hindi maiiwasan yun. Pero okay lang. Tuloy padin ang laro.
Pagod na pagod na sila kaya from time to time may substitute. Si Niko pagod na siya pero balewala niya nalang yun mas inintindi niya yung kapakanan ng team.
Pinipilit na humabol ng DBU. 6 points nalang ang lamang ng UB sa third quarter. Hindi muna naglalaro si Niko.
Nagpatawag ng time out ang DBU. Habang time out sa di kalayuan nakita ko si Nichole nanunuod din ng game. Mag-isa niya. Napag-desisyunan ko na puntahan siya at tawagin na umupo sa tabi ko since may bakante pa namang isa.
Pumunta ako kay Nichole, dun ko lang napansin na sobrang puno yung gym, yung halos wala ng madaanan pero buti nalang nakapunta ako kay Nichole. Hindi naman napansin nila Kat at Dianne na umalis ako kasi tutok na tutok sila sa panunuod laro.
"Nichole!" Sigaw ko. Tumingin naman agad siya sakin. "Tara dun sa harap, dun kami naka-upo!" Sabi ko. Tumango lang siya kaya bumalik kami sa pinanggalingan ko.
Pag-balik namin napansin kami nila Kat at Dianne. Nung nakita nilang kasama ko si Nichole binalik nila yung atensyon nila sa court. Naalala ko hindi pa pala nila kinekwento sakin kung bakit ganun yung Turing nila kay Nichole. Dapat sasabihin nila nung araw na sumakit yung ulo ko pero yun nga sumakit yung ulo ko at tuluyan ko nang kalimutang tanungin nung mga sumunod na araw.
Hindi ko nalang muna pinansin yung mga reaksyon nila Kat at Dianne. Gumawa ulit ako ng mental note para kausapin yung dalawang yun.
Umupo na kami ni Nichole.
"Kamusta kayo ni Kuya?" Tanong ko kay Nichole.
"Okay naman kami. Bakit?"
"Aaaa. E kasi kaninang umaga parang ang lungkot niya."
"Aa. Yun ba? Miss niya lang ako. Hahaha. Joke lang. Nagtext siya sakin hindi daw maganda pakiramdam niya. Kaya pupuntahan ko siya after ng game."
"Sige. Sabay na tayo uwi."
Binalik na namin yung atensyon namin sa laro.
"LAST TWO MINUTES!!"
Ang bilis ng laro. Fourth quarter na pala. 97 ang UB, 80 naman ang DBU.
Aa. Panalo na ang UB, uwian na! Hahaha.
"WOOOOOOOOOOOOOOO!! PANALO NA KAMI!! ITIGIL NA ANG LARO! UWIAN NA! WOOOOOOOO!! I'M SO PROUD OF YOU UB CARDINALS! YOU'RE THE BEST! I LOVE YOU ALL!!" Sigaw ni Kat. Hahahahahahaha. Langya! Ganto pala si Kat pag nanunuod ng game. Si Dianne naman back-up ni Kat. Haha. May maganda silang tandem. Ako kasi hanggang palakpak lang pero pag minsan may sigaw din.
"AGUILAR FOR THE WIN!" Sabi ng commentator. Pumwesto naman si Niko sa may three point shoot lane. "AGUILAR FOR THREEEEEEEEE!!" And with that nanalo na ang UB.
"WOOOOOOOOOO!!" Sigaw ng mga taga-UB. "WOOOOOOOOOOOOOOOOOO! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"
Hahaha. Ang saya saya talaga pag nananalo ang team mo. Woooooo! Libre na yan! xD haha. Joke. :D

BINABASA MO ANG
Admirer
RomanceAko si Mezziya Engellie Zander. Namumuhay sa simpleng bahay kasama ang aking simple pero masayang pamilya. Pero nagbago ang lahat ng mapadpad kami sa Baguio.