Chapter 28 David Jay (DJ)

34 2 0
                                    

Kinanta ko yung kanta na parang hindi kinakabahan. Syempre magaling manager ko e.

After kong kumanta lahat ng tao pumalakpak na parang walang katapusan.

Ang saya sa feeling.

Pumunta na ako sa backstage para hanapin si Nichole at magpasalamat pero wala siya sa kinatatayuan niya kanina. Naisip ko baka nasa dressing room kaya nagpunta ako dun pero wala din siya. Baka nag-cr lang kaya umupo muna ako hinintay ko siya. Pero 30 minutes na ang nakakaraan wala padin siya. Nag-start na akong kabahan at mag-alala. Tinext ko siya at tinawagan pero walang reply o sagot manlang. Nagtanong tanong ako sa mga tao dito kung nakita nila si Nichole pero walang nakapag-turo sakin.

San na ba yun?! Hindi magandang biro to. Hindi na ako mapakali. Nag-ayos na ako ng mga gamit ko at linagay lahat sa sasakyan. Ni isang gamit ni Nichole wala akong nakita.

Nag start na akong magmaneho nagbabakasakaling madaaanan at makita ko si Nichole pero paikot ikot lang ako ni hibla ng buhok niya wala. Sinubukan ko ulit siyang tinawagan pero wala padin. Umalis na ako sa school kahit hindi pa tapos yung competition at awarding. Mas importante si Nichole. Ilang beses ko nang dinial yung number niya pero out of reach.

Bakit ba?! May nagawa ba ako? Pwede naman niyang sabihin e.

Napagdesisyunan ko nang umuwi baka sakaling andun siya pero wala parin talaga.

Hindi ko alam pero ito na yung takot na ayokong maramdaman. Ang mawala siya. Pero hindi. Hindi ako susuko.

Nag-message ako sakanya sa FB. Lahat ng friends niya sa FB. Para lang mahanap ko na siya. Ginawa ko na ang lahat. Pero wala padin.

Hindi ko namalayan ang oras. 8:35pm na pala. Ngayon ko lang din naramdaman ang gutom ko. Kaya bumaba muna ako ng kwarto at nagahanap ng pagkain sa kusina.

Luckily merong mga pagkain sa ref. Nagpainit nalang ako. Pero hindi ako makakain ng mabuti. Parang hindi ako nabubusog sa sobrang alala ko kay Nichole. San na ba kasi yun? Hindi manlang nagpaalam.

Present . .

Bigla akong naibalik sa katotohanan ng biglang tumakbo si Niko. Papunta sa kinauupuan nila Meng.

Nakapatong yung ulo ni Meng sa mesa niya. Sinisiko siya nila Kat pero hindi manlang niya i-angat yung ulo niya.

Napatayo ako, napatayo din si Nichole. Nagtaka ako pero mamaya na yang pagatatakang yan.

Andun na si Niko sa harap ni Meng.

"Mr. Aguilar please carry Ms. Zander and go to the clinic." Tarantang sabi ni Sir.

Agad niya namang binuhat si Meng.

"Sir sasama na po ako." Sabi ni Kat. Bigla naman siyang lumingon sakin.

Hindi kami pwedeng pumunta lahat sa clinic kaya tumango nalang ako sakanya.

"Mr. Valdez and Ms. Santiago please take your seat."

Umupo na kami agad.

Halatang gulat yung klase.

Langya! Dapat ako yung bumubuhat sakanya e. Pinabantay siya sakin ng Kuya niya. Lutang nanaman ako.

Linabas ko yung phone ko at tinext si Mezzo. Paglingon ko kay Nichole, nagtetext din siya.

Pinagpatuloy ni Mam ang lecture. Pero hindi ko maintindihan yung sinasabi ni Mam. Punong puno ako ng pag-aalala.

Hindi ko matext si Kat para malaman manlang kung ano ng nangyayari sa clinic. Kaso wala akong number ni Kat.

Sa next na subject namin kung san ko kaklase si Niko chaka lang siya pumasok. Pagkapasok niya para siyang wala sa sarili niya. Maslalo akong kinabahan.

AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon