Araw ng Linggo, maagang bumangon si Jan. Plano nitong mamalagi buong araw sa bahay at magpahinga. Lumabas ito ng kanilang bahay suot ang kanyang pajama upang bumili ng kanyang paboritong agahan na champorado. Kahit medyo magulo ang buhok nito ay lumabas pa rin ito dahil naisip nitong nasa kabilang kanto lang naman ang tindahan. Habang naglalakad sa gilid ng kalsada ay nagulat ito nang biglang may humintong sasakyan malapit sa kanya. Nakilala niya ang sasakyang Toyota Fortuner dahil nakita nito ang plate number. Nakumpirma niyang kay Miguel ang sasakyan na iyon nang bumukas ng bintana ng sasakyan at nakita ang binata ang nagmamaneho ng nasabing sasakyan. "Sir Miguel?!" kunot noong tanong nito sa kanya. "Maari ka bang sumakay?" tanong naman sa kanya ng binata. "Bakit?" tanong pa ulit nito. "Basta!" sabi naman ni Miguel. Sumunod naman si Jan sa gwapong binata at sumakay ito sa passenger seat. Nagpatuloy naman sa pagmamaneho si Miguel nang makasakay na si Jan. "Saan tayo pupunta?" tanong ulit ni Jan. "Pupunta tayo ng Tagaytay." sagot ni Miguel. "Ano?!" gulat na sambit ni Jan. "Hindi ako pwedeng pumunta ng Tagaytay na ganito ang itsura ko! Bagong gising at hindi pa naliligo!" patuloy pa nito. "Doon ka na sa hotel maligo." sagot ni Miguel. "At saka kailangan ko pa magpaalam sa bahay!" sabi naman ni Jan. "Huwag kang mag-alala, tumawag na ako kay Tita Glory at pinaalam na kita na pupunta tayo ng Tagaytay." sagot ulit ni Miguel. "Kailan mo naman siya nakausap?" tanong pa ulit ni Jan. "Kagabi." sagot ni Miguel. "Nakiusap ako na kung pwede ay susupresahin kita ngayon at pupunta tayo ng Tagaytay." patuloy pa nito. "Kaya pala nang lumabas ako kanina ng bahay ay parang may kakaibang kinikilos si Tita Glory." sambit naman ni Jan nang maalala nito na parang natatawa ito sa kanya ng magpaalam itong lalabas at bibili ng agahan. "Bakit mo naman naisipang magpunta ng Tagaytay ngayon?" tanong pa ulit ni Jan. "Hindi ka ba busy ngayon?" dagdag pa nito. "Gusto ko kasing mamasyal tulad ng ginawa natin noon." sagot naman ni Miguel. "At gusto kong malaman mo na hindi kita isusuko ng ganon lamang." dagdag pa nito. "Gusto kitang makasama, Jan." patuloy pa nito. Natahimik naman si Jan at hindi alam kung anong isasagot sa binata. "Ngunit wala akong dala kahit ano dito." sabi ni Jan. "Huwag kang mag-alala. Sagot ko naman ito ngayon dahil ikaw na ang sumagot sa pamamasyal natin noon." sagot ni Miguel. "At saka namili na ako ng mga damit at gamit na pwede mong gamitin." dagdag pa nito. "Sir Miguel." ang nasambit ni Jan at hindi alam ang isasagot dito. Hinawakan naman ni Miguel ang kamay nito at ngumiti.
Sinusubukang tawagan ni Leonard si Jan ngunit hindi nito sinasagot ang cellphone nito kaya napagdesisyunan nitong puntahan na lamang ito sa kanyang bahay. Nagulat si Tita Glory nang makita si Leonard ang kumakatok sa pintuan ng kanila bahay. "Good afternoon po, Sir Leonard!" masayang bati ni Tita Glory. "Good afternoon po. Nandiyan po ba si Jan?" tanong naman ng gwapong binata. "Umalis po siya kasama si Sir Miguel. Nagpunta po sila ng Tagaytay." sagot naman ni Tita Glory. Maaaninag sa mukha ni Leonard ang pagkadismaya nang madinig nito ang sagot ni Tita Glory. "Kaya pala hindi sinasagot ni Jan ang cellphone niya." ang nasambit ni Leonard. "Ay! Naiwan niya po yata ang cellphone niya sa kwarto niya. Kayo po pala yung kanina pang tumatawag sa kanya kasi nadidinig kong kanina pa nagri-ring yung cellphone niya." sagot bigla ni Tita Glory. "Sinupresa po kasi ni Sir Miguel si Jan. Sinundo niya agad dito kaninang umaga na naka-pajama lang kaya wala siyang dalang gamit kahit isa." patuloy pa nito. Napa-ismid lamang si Leonard sa sinabi sa kanya ni Tita Glory. SI Tita Glory naman ay kumukuha ng tamang tiyempo dahil may gusto siyang itanong kay Leonard. "Maari ko po ba kayo makausap tungkol kay Sir Miguel at Jan?" nahihiyang tanong ni Tita Glory. "Sige po, ano po ba yun?" sagot ni Leonard. "Maari po bang pumasok muna po kayo sa loob ng bahay. Nakakahiya naman pong hindi ko po kayo patuluyin." wika naman ni Tita Glory. Ngumiti naman si Leonard bilang tugon dito at pumasok na ito ng bahay. Pagkaupo naman ni Leonard sa sofa at nagtanong agad ito. "Ano po ba yung gusto ninyong itanong tungkol sa kanila?" ani ni Leonard. Halatang nag-aalinlangan ngunit tinuloy na rin ni Tita Glory ang pagtatanong dito. "Ngayong kumpirmado ko nang may namamagitan kina Sir Miguel at Jan, matagal na po ba ang relasyon nila?" tanong nito sa binata. "Hindi naman po." matipid na sagot ni Leonard dahil nag-aalala rin ito na baka may masabi na dapat si Jan lamang ang magsabi sa kanyang tita. "Aware po ba kayo sa relasyon nila?" pag-uusisa pa nito ngunit biglang bawi. "Pasensya na po sa panghihimasok ko. Gusto ko lang kasi po malaman dahil alam kong naglilihim itong si Jan dahil maaring nahihiya or natatakot sa amin." bawi pa nito. "Ok lang po." sagot naman ni Leonard. "At saka aware po ako sa relasyon nila." dagdag pa nito. "Pero wala naman po siguro namagitan sa inyo ni Jan nang higit pa sa pagkakaibigan?!" tanong pa uit ni Tita Glory. Nang mapansing medyo hindi magandang pakinggan ang tanong nito ay bumawi ulit ito. "Pasensya na po sa tanong ko, gusto ko lang makasiguro dahil pakiramdam ko naman, may karapatan akong malaman dahil tita niya ako." sabi pa nito. "Ok lang po. At saka pasensya na po kung hindi ako nagsasabi dahil alam kong mas mabuti na si Jan mismo ang magsabi ng mga sagot sa tanong ninyo." sagot ni Leonard. "Wala rin pong namagitan sa amin ni Jan. Magkaibigan lamang po kami ni Jan." dagdag pa nito. "Hindi naman po sa nagdududa ako sa intensyon ninyo ngunit bakit ang bait-bait ninyo po kay Jan. Si Jan na isang bakla?" tanong pa ni Tita Glory. "Why not?" sambit ni Leonard. "Maaring hindi lang ako sanay lalo na sa kultura natin ang isang lalake ay magiging ganyang kabait sa isang bakla tulad ni Jan kung walang ibang intensyon." sagot ni Tita Glory. "Hindi po ako nagdududa sa intensyon ninyo. Maaring nagulat lamang ako dahil gwapo po kayo at mayaman." patuloy pa nito. "Malinis po ang intensyon ko kay Jan at masaya po ako bilang mabuting kaibigan niya. Mabait po si Jan kaya hindi mahirap na magustuhan ko rin siya." sagot ni Leonard. Napakunot naman ang noo ni Tita Glory sa pagtataka sa huling sinabi ng binata. Hindi na rin binawi ni Leonard ang salitang "gusto" para kay Jan dahil sa tingin niya ay yun ang tamang salita para ilarawan ang nararamdaman niya para dito. "Pero bakit parang iniiwasan niya kayo nitong mga nagdaang-araw?" nagtatakang tanong ni Tita Glory. Nahihiya man magtapat ay sinagot pa rin ito ni Leonard. "Maaring nalilito lamang si Jan sa kanyang nararamdaman." sagot ni Leonard. "Nararamdaman?" tanong pa ulit ni Tita Glory. "Si Jan lamang po ang makakasagot sa katanungan na iyan." wika ni Leonard.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...