Si Jan ay nag-aayos na para matulog. "Kailangan ko nang matulog dahil kailangan kong magising ng maaga bukas para makapaghanap ng bagong trabaho." sabi pa niya sa kanyang sarili. Nang mahiga na siya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nabasa nito na may mensahe siya mula kay Leonard. "Kumusta na ang job hunting mo?" mensahe nito sa kanya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at sumagot sa mensahe sa kanya ni Leonard. "Ito na po, maaga matutulog para makapaghanap ng trabaho bukas." mensahe naman niya kay Leonard. Ilang saglit pa ay may biglang pumasok na mensahe ulit sa kanyang cellphone. "Ang bilis naman mag-reply ni Sir Leonard." sabi pa ni Jan sa kanyang. Ngunit nang tignan niya ang kanyang inbox ay mula kay Miguel ang mensahe. "Kumusta na ang prinsesa ko?" mensahe sa kanya ni Miguel. Hindi naman ni Jan ang mararamdaman sa nabasa niyang mensahe kung siya ba ay kikiligin o maiilang. "Prinsesa talaga?" sagot naman niya sa mensahe ni Miguel. Pagkapadala niya ng mensahe ay biglang may pumasok ulit na mensahe sa kanyang cellphone. Nang makita niya ito ay nalaman niyang galing naman ito kay Leonard. "Sige, magpahinga ka na. Good luck on your job hunting tomorrow." mensahe sa kanya ni Leonard. "Marami pong salamat. Good night!" ang reply naman niya sa mensahe ng binata. Pagkatapos niyon ay pumasok naman ang mensahe sa kanya ni Miguel. "Paano ba ako makakatulog nito kung panay-panay ang text ko dito." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. "Anong gusto mong itawag ko sa'yo?" ang laman ng text message ni Miguel. "Pwede naman Jan lang." sagot naman niya dito. "Parang walang sweetness kung Jan lang ang itatawag ko sa'yo. Girlfriend na kita, 'di ba?" sagot naman ni Miguel sa mensahe niya. "Nakakailang naman po kasi." sagot ni Jan. Ilang saglit pa ay sumagot na rin si Miguel sa text message na pinadala niya. "Hindi mo na kailangan mailang. Kailangan masanay ka na dahil simula ngayon, lagi na tayong magkasama." ang laman ng kanyang mensahe. Nakadama ng kaligayahan si Jan nang mabasa niya ang mensahe lalo na sa sinabi ni Miguel na lagi na silang magkakasama. "Kurutin ninyo nga ako dahil baka nananaginip lang ako." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Naalala nito na kailangan na niyang matulog dahil maaga pa siyang gigising para makapaghanap ng trabaho. "Kailangan ko na po matulog, Sir Miguel. Maaga pa po akong gigising bukas dahil kailangan ko nang maghanap ng bagong trabaho." reply ni Jan. Sumagot naman agad si Miguel sa kanyang mensahe. "Kung hindi ka nag-resign bilang secretary ko eh 'di sana hindi mo na kailangan maghanap pa ng trabaho." laman ng mensahe. "Hindi po ba, napag-usapan na natin itong bagay na ito. Mas mabuti na rin po ito para makaiwas na rin tayo sa gulo." ang kanyang sagot sa huling mensahe ni Miguel. "Yup. I understand. Kung hindi lang talaga dahil sa'yo, hindi ako papayag sa ganitong setup." sagot naman ni Miguel sa kanya. "Sige na po, good night na!" reply niya ulit dito. "Good night! I love you!" mensahe sa kanya ni Miguel. Kinilig si Jan sa nabasang mensahe mula kay Miguel. Nag-screenshot siya sa kanyang cellphone kung saan makikita ang mensahe ni Miguel at ang katagang 'I love you' nito. "Kailangan ma-save ko ito dahil ito ang unang 'I love you' sa akin ni Sir Miguel." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Hindi naman niya alam ang tamang isasagot niya dito dahil naiilang siyang sumagot ng 'I love you too' dito. Sa kakaisip ng isasagot kay Miguel ay nakatulog na ito. Ilang saglit naman ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone kaya nagising din agad si Jan. Nakita nitong tinatawagan siya ni Miguel. "Bakit po, Sir Miguel?" tanong ni Jan dito. "Hindi ka man lang sumagot sa huling text ko." paghihimutok naman ni Miguel sa kabilang linya. "Pasensya na po, nakatulog na ako kakaisip ng sasabihin ko sa inyo." sagot ni Jan. "I love you!" wika ni Miguel sa kanya. Natahimik si Jan. "Hindi ka man lang ba sasagot?" pahabol na tanong ni Miguel. "Ah eh. Sir Miguel." nag-aalinlangan na sabi ni Jan. "Ano yun, Jan?" tanong pa ulit ni Miguel. "I love you po, Sir Miguel!" nanginginig na sabi ni Jan. Natuwa naman bigla si Miguel sa sinabi ni Jan. "I love you too, Jan!" wika pa ulit ni Miguel. "Sige na, matulog ka na. Good night my princess." dagdag pa ni Miguel. "Good night din po, my prince!" sagot ni Jan dito. Natawa bigla si Miguel. "Prince?" tanong ni Miguel. "Siyempre, dahil tinatawag ninyo akong princess, eh 'di prince na lang ang itatawag ko sa inyo." sabi pa ni Jan. "Sige, kung anong gusto mo itawag sa akin, ok lang." sagot ni Miguel. Napahagikgik naman si Jan sa tuwa. "Good night na po ulit!" ang sabi ni Jan at halata pa rin na kinikilig ito. "Good night ulit, my princess!" sagot ni Miguel at pagkatapos ay binaba na rin nito ang tawag. Napatingin na lamang si Jan sa kisame habang nakahiga sa kama at iniisip ang mga nangyayari. Hindi ito makapaniwala na boyfriend na niya si Miguel at ito siya't kakakausap lamang at tinatawag siyang prinsesa nito. "I never thought na darating ang tagpong ito sa buhay ko." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Ilang saglit pa ay nakatulog na rin ito na may mga ngiti sa kanyang labi.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...