Inspiradong pumasok si Miguel sa opisina. Masaya siya dahil hindi na siya ginagambala nang kanyang papa sa pagiging malapit nila ni Jan. Naisip nitong maaring nagpaubaya na lamang ito sa kanila. Masaya rin siya dahil maganda ang nagiging pagsasama nila ni Jan. Nakangiting pumasok si Miguel sa kanyang opisina. "Good morning, Miguel!" bati ni Paloma nang makita siya nito. "Where's Trish?" tanong ni Miguel nang makitang wala ang sekretaryang pumalit sa pwesto ni Jan. "Nag-file siya ng immediate resignation kaya ako muna ulit ang gagawa ng mga trabaho nila." sagot ni Paloma. "What happened?" tanong ulit ni Miguel. "That's what I'm going to ask you. Ilang sekretarya mo na ba ang nag-resign." sabi naman ni Paloma. "Tinanong ko nga siya kung anong reason ng kanyang resignation, personal problem daw. Naisip kong baka may ginawa ka na naman kalokohan kaya umalis siya." dagdag pa ni Paloma at tinutukoy si Trish. "Alam mo naman, Ms. Paloma, na nagbago na ako." sagot ni Miguel. "Alam ko. Ngayon pa na nakikita kong masaya ka na kay Jan." sagot ni Paloma at aware naman siya sa estado ng relasyon nina Miguel at Jan. "Don't worry. I think later today ay may kapalit na agad si Trish." dagdag pa ulit ni Paloma. "Ok." sagot na lamang ni Miguel at pagkatapos ay derechong pumasok sa loob ng kanyang opisina.
Pagpasok niya ng kanyang opisina ay kinuha nito ang kanyang cellphone. Napansin nitong meron siyang unread message. Pagbukas niya ay nalaman niyang galing ito kay Jan. "Good morning my prince! I love you!" ang mensahe sa kanya ni Jan. Napangiti ito. "Good morning too my princess. How's your new job?" sagot ni Miguel sa mensahe ni Jan. Ilang minuto pa ay sumagot rin si Jan. "Nag-aadjust pa ako sa bagong work but I think I'm ok." sagot ni Jan. "Huwag mo akong ipagpapalit sa boss mo diyan ah?!" biro ni Miguel at pinadala ang text message kay Jan. Ilang minuto pa ulit ay sumagot si Jan. "Lol. Don't worry, babae ang boss ko. At saka ikaw lang ang nag-iisang prinsipe ng buhay ko." sagot ni Jan sa kanya. Napangiti ulit si Miguel sa mensahe ni Jan. "Text me tonight kung gusto mong sunduin kita diyan sa workplace mo. I love you!" sagot pa ulit ni Miguel. "Ok. See you tonight! I love you too!" sagot ni Jan sa mensahe ni Miguel.
Kababalik lang ni Miguel mula sa paborito nilang restaurant ni Joshua ay nakita nito si Paloma na hinihintay siya sa kanyang opisina. "Miguel! It's good that you're back!" sambit ni Paloma nang makita siya nito. Napansin nitong may kasama itong magandang babae. "What's up?" tanong nito sa matandang dalaga. "I would like you to meet your new secretary, Lumina." wika ni Paloma at pinakilala ang kasamang babae. "Oh?" ang nasambit lamang ni Miguel. "I was informed that she was endorsed by the head office." sabi naman ni Paloma. "Ngayon ba siya magsisimula?" tanong naman niya dito. "I'm just endorsing to her some things but she can start tomorrow." sagot ni Paloma. "Good!" wika naman ni Miguel at pagkatapos ay derechong pumasok ng kanyang opisina. Napansin ni Miguel ang tingin sa kanya ng magiging bago niyang sekretarya. Naalala nito ang malagkit na tingin ni Lumina sa kanya. Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, nakita niyang may pumasok ditong text message. "How's your lunch, my handsome prince?" mensahe galing kay Jan. Nalimutan nito pansamantala si Lumina. "I ate with Joshua. How about my princess?" ang sagot ni Miguel sa mensahe ni Jan. "Mag-isa lang akong nag-lunch dahil wala pa akong masyadong kakilala dito." sagot ni Jan sa kanyang mensahe. "My poor princess. Don't worry, sabay naman tayo mag-dinner tonight." ang sagot ni Miguel. "Pwede akong mag-out ng maaga today, pinayagan ako ng aking boss. I'll see you tonight!" ang sagot naman ni Jan sa kanya. "See you tonight. I love you!" ang sinagot ni Miguel kay Jan. "I love you too!" ang sagot naman sa kanya.
Pagkatapos ng conference call ni Miguel ay tumingin ito sa wall clock sa kanyang opisina. "Past 5PM na pala!" sabi ni Miguel sa kanyang sarili. Kinuha nito ang kanyang cellphone ngunit nakita nitong walang text message sa kanya si Jan. Binuksan nito ang kanyang PC upang tignan ang mga nakatakdang gawin para sa araw na iyon. "I guess I'm done for today." sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili. Pagkatapos ay mabilis na inayos ni Miguel ang kanyang gamit upang maghanda nang umalis at sunduin si Jan. Kinuha ni Miguel ang kanyang telepono at tinawagan si Paloma. "Yes Miguel?" tanong ni Paloma nang sagutin nito ang tawag niya. "May for signature pa ba ako? I need to go out early today." sagot niya. "Wala naman. Ibibigay na lang ni Lumina yung mga pending documents bukas dahil yung iba ay hindi ko pa tapos gawin." wika naman ni Paloma sa kanya. "Ok. Bukas na lang ulit." sagot ni Miguel at pagkatapos ay binaba na ang tawag. Mabilis nitong kinuha ang bag at dali-daling nagtungo palabas ng kanyang opisina. Ngunit paglabas niya ng kanyang opsina ay nagulat ito nang hindi sinasadyang mabangga niya si Lumina na nasa labas lamang ng kanyang pintuan. "I'm sorry po!" ang nasabi na lamang ni Lumina nang mapaupo sa sahig na siya'y mabangga. "I'm sorry!" ang sabi rin ni Miguel nang makita niya si Lumina. Lumuhod si Miguel upang akayin ang natumbang si Lumina. "Salamat po, sir!" ang sabi ni Lumina ang humawak sa mga kamay ng binata. Parang nakaramdam ng kuryente sa kanyang katawan si Miguel nang maramdaman niya ang pisil sa pagkakahawak ni Lumina sa kanya. Napatingin siya sa mukha ni Lumina at nakita nitong nakatitig sa kanya ang dalaga at kagat ang mga labi nito na para bang nang-aakit. "Are you ok?" tanong pa ni Miguel sa kanya. Nagulat na lamang ang dalawa nang biglang dumating sina Leonard at Jan. "Anong nangyari?" tanong ni Jan nang makita nito sina Miguel at Lumina. Bumitiw bigla si Lumina sa pagkakahawak kay Miguel at tumayo. "Nabangga ko kasi siya nang palabas ako ng pinto." sagot ni Miguel. "Ok ka lang ba miss?" tanong naman ni Jan kay Lumina. "Ok lang po. Salamat." sagot ni Lumina. "Ikaw ba yung bagong sekretarya ni Miguel?" tanong naman ni Leonard dito. "Yes po." sagot ulit ni Lumina. "Ano pala ang ginagawa mo dito? Akala ko ba bukas ka pa magsisimula?" tanong naman ni Miguel kay Lumina. "May tinapos lang po ako na pinagawa ni Ma'm Paloma." sagot ni Lumina. "Natapos ko na naman po kaya mauna na po ako. Bukas na lang po ulit." dagdag pa ni Lumina at pagkatapos ay mabilis na nagtungo sa kanyang desk, kinuha ang bag at naglakad palabas ng opisina. Napatingin lamang ang tatlo kay Lumina habang palabas ng opisina. "Bakit nandito ka na?" tanong naman agad ni Miguel kay Jan. "Hindi ba sabi ko sa'yo pinayagan akong mag-out ng maaga kaya nagpunta na agad ako dito. Dinaanan ko na rin si Sir Leonard bago kita puntahan dito upang supresahin ka." sagot ni Jan. "Mukhang si Jan ang nasopresa." hirit naman ni Leonard. Napatingin naman ng masama si Miguel kay Leonard. Tumingin din si Jan kay Leonard na para bang pinagagalitan ito sa kanyang tingin sa sinabi nito. "Nagbibiro lang yan si Sir Leonard." hirit naman ni Jan nang maramdaman ang tensyon sa pagitan nina Miguel at Leonard. "Mauna na kami ni Sir Miguel, Sir Leonard." dagdag pa ni Jan at pagkatapos ay mabilis na hinawakan ang kamay ni Miguel at hinatak papunta sa elevator lobby upang bumaba na sa parking lot. "Sige, enjoy your night, Jan!" sagot na lamang ni Leonard habang pinagmamasdan ang dalawa paalis.
Pagsakay ng sasakyan nina Miguel at Jan ay nag-usap sila. "Bakit kasama mo si Leonard?" tanong ni Miguel. "Dinaanan at kinumusta ko lang siya dahil matagal na rin kaming hindi nagkita." sagot ni Jan. "At saka kinumusta ko rin sina Tito George at Tita Anita." dagdag pa nito. "Kung pwede nga huwag ka muna masyado magsasama kay Leonard." sabi naman ni Miguel. "Bakit naman? Isa sa mga malalapit kong kaibigan si Sir Leonard." sagot ni Jan. "Baka agawin ka ni Leonard sa akin." sabi ni Miguel. "Ano ka ba? Bakit mo pinag-iisipan ng ganyan si Sir Leonard?!" wika ni Jan. "Malakas ang pakiramdam kong may gusto rin sa'yo yang si Leonard!" sabi pa ulit ni Miguel. "Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan!" naiinis na sabi ni Jan. "Totoo naman eh!" wika pa ni Miguel. "Ako nga dapat ang maghimutok ngayon dahil sa nakita ko kanina!" hirit na ni Jan at halatang naiinis na rin. "Anong kanina?!" tanong pa ni Miguel. "Aba! Kitang-kita ko kanina kung paano ka hawakan ng bago mong sekretarya. Nakakagat labi pa ang tingin sa'yo!" sabi pa ni Jan. "Sekretarya ko lang yun!" sagot pa ni Miguel. "Sekretarya mo lang rin ako noon!" sabat ni Jan. "Huwag mo iparamdam ang insecurity sa akin. Babae yang bago mong sekretarya! Wala akong laban sa kanya!" dagdag pa ni Jan. "Hindi mo naman kailangan ma-insecure dahil wala naman nangyayari sa aming dalawa!" sagot pa ni Miguel. "Ako nga dapat ang ma-insecure dahil alam kong malapit na malapit kayo ni Leonard. Baka isang araw, malalaman ko na lang na naagaw ka na niya sa akin!" dagdag pa ni Miguel. "Kung intensyon talaga ni Sir Leonard na agawin ako mula sa'yo eh dapat sana nangyari na yun noon pa dahil kung tutuusin eh siya lagi ang karamay ko tuwing nasasaktan ako dahil sa'yo!" sagot ni Jan. "Pero ikaw pa rin ang pinili ko!" dagdag pa ni Jan. Natahimik bigla ang dalawa at nag-isip. "Mas mabuti siguro huwag na lang muna tayo magsama tonight dahil baka hindi maging maganda ang resulta." sabi pa ni Jan at pagkatapos ay aakmang bababa ng sasakyan. "Saan ka pupunta?" tanong ni Miguel. "Magpalamig na lang muna po tayo." sagot ni Jan at mabilis na bumaba ng sasakyan at naglakad palabas ng parking lot. Hinampas naman ni Miguel ang manibela ng sasakyan sa inis. Ngunit hindi alam ng dalawa ng kanina pa sila inoobserbahan ng isang tao 'di kalayuan sa sasakyan. "Mukhang successful ang plano ko ah!" sabi pa nito sa kanyang sarili habang nakangiti.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...