Chapter 31

8.7K 319 0
                                    

Maagang nag-ayos si Jan para pumasok ng opisina dahil maraming pinapagawa si Miguel sa kanya para sa araw na iyon. "Lola, papasok na po ako!" paalam ni Jan sa kanyang Lola Adelina. "Ang aga mo yata ngayon?" tanong sa kanya naman nito. "Marami po kasi akong tatapusing trabaho ngayon na naiwan noong isang linggo." sagot naman niya. "Sige, Jan. Pagpalain ka Nawa." sabi naman ni Lola Adelina. Paglabas ni Jan ng kanilang ay nagulat ito nang may lumapit sa kanya na isang lalakeng naka-barong. "Kayo po ba si Mr. Jan Navre?" tanong sa kanya ng lalake. "Opo. Bakit po?" sagot ni Jan. "Pwede ka bang sumama sa akin? Gusto ka makausap ng boss ko." wika naman sa kanya. "Sino?" tanong ni Jan. "Si Sir Hector De Dios." sagot naman ng lalake. "Ang papa ni Sir Miguel? Saan?" ani ni Jan. "Nakaparada po ang sasakyan doon sa kanto. Sumama po kayo sa akin." ang sabi sa kanya ng lalake. Sumunod naman agad si Jan sa lalake. Nang makarating na sila ng sasakyan ay pinagbuksan siya nito ng pinto. "Sakay na po kayo." wika pa sa kanya ng lalake. Pagsakay ni Jan ay nagulat siya nang makita niyang nakasakay na rin sa sasakyan ang papa ni Miguel, si Hector De Dios.

Nang pumasok si Miguel ng opisina ay nagulat ito nang makita si Paloma sa desk ni Jan. "Good morning, Miguel!" bati ni Paloma sa kanya. "Good morning!" sagot naman ni Miguel. "Where's Jan?" dagdag pa niya. "He texted that he will be late today due to important things that he needs to attend to." wika ni Paloma. "Wala naman siyang ibang sinabi?" tanong ni Miguel at sa tunog ng pananalita nito ay makikitang nag-aalala ito. "Wala naman." sagot ni Paloma ngunit nakaramdam ito ng kakaiba mula kay Miguel. "Bakit? May nangyari ba?" tanong pa ni Paloma. "Wala naman." paiwas na sagot ni Miguel. "Kilala kita, Miguel. Anong nangyari?" usisa pa ni Paloma at hindi naniniwalang wala lang ito. Nag-aalinlangan naman magsabi si Miguel. Nag-aalala si Miguel kay Jan sa nangyari sa kanyang condo unit nang dumating ang papa nito. "Miguel, I have the right to know things especially for Jan dahil he's a good employee. Ayaw kong mawala siya sa kumpanya dahil masasabi kong isa siyang asset sa atin." sabi pa ni Paloma. "I think, we should talk inside my office." sabi ni Miguel. Pagkatapos niyon ay pumasok ang dalawa sa opisina ni Miguel at kinuwento ang lahat ng nangyari sa pagitan niya, ng kanyang papa at ni Jan lalo na ang kagustuhan ng kanyang papa alisin si Jan sa kumpanya. "Maybe I can talk to your father to convince him about Jan." wika ni Paloma. "Let me do this instead, Ms. Paloma." sabi naman ni Miguel. "And besides, Jan is my responsibility since he's my secretary and my close friend." dagdag pa niya. "Well I hope that you will be able to convince your father since I don't want Jan to leave this company." ani ni Paloma. "I will do my best." sagot ni Miguel.

Pagsakay ni Jan ay umandar agad ang sasakyan na gamit ni Hector. Nag-usap ang dalawa sa loob ng sasakyan. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Mr. Navre." bungad ni Hector. "Nandito ako para kausapin ka." dagdag pa niya. "I hope you understand that I do care alot about our family, our company and most especially for Miguel." Si Jan ay nakatingin lamang ng derecho kay Hector habang nagsasalita ito. "In business, image is very important dahil dito nakikita ang kredibilidad mo. I'm sure you are aware what I'm talking about." sabi pa ni Hector. Kumunot naman ang noo ni Jan sa pagkalito. "I'm sorry, Sir. Hindi ko po maintindihan." sagot ni Jan. "I honestly don't care what happened to Miguel and Helena. I really don't care what happened to you and Miguel. Kung totoo man o hindi na nagsasama kayo. Kung may 'special relationship' kayo ni Miguel, it doesn't matter to me at all." sabi naman ni Hector. "Pero dahil CEO si Miguel at alam ko naman na aware ka na nagsisimula pa lang ang PNYG. So for the company to grow, it needs a good foundation. So Miguel's image is very important." dagdag pa nito. Nakatingin pa rin ng derecho si Jan kay Hector. "Siguro naman aware ka na kapag nalaman ng publiko na si Miguel ay close sa isang homosexual na tulad mo, maraming haka-haka ang lalabas. Kahit wala kayong relasyon, maaring palabasin ng mga detractors ni Miguel na meron." sabi pa ni Hector. "And I think you know what will happen kapag kumalat ang ganong klaseng balita tungkol kay Migue." dagdag pa nito. Nagulat naman si Jan sa mga nadidinig nito mula kay Hector. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya dito. Panandaliang katahimikan. "Ganito na lang, Mr. Navre. Hindi papayag si Miguel na mapatanggal ka sa kumpanya. Kaya nandito ako ngayon para kausapin ka na kung maari ay magpasa ka na lamang ng resignation mo. Papalitan ko ng kahit magkano ang pagpapasa mo ng resignation letter." sabi ni Hector. "Nakita ko naman sa inyo na pinapahalagahan mo si Miguel. Kaya kung totoong pinapahalagahan mo siya, alam mo kung ano ang mabuti para sa kanya." wika pa ulit nito. "Name your price, Mr. Navre, I'll give it to you." dagdag pa niya. Napayuko na lamang si Jan sa nangyari at nag-isip. "Anong makakabuti para kay Sir Miguel?" wika ni Jan sa kanyang sarili. Ilang saglit pa ay hindi na nito napigilan tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Tumingala ito at nagsimulang kausapin si Hector. "Naiintindihan ko po ang pagpapahalaga ninyo sa inyong anak at naiintindihan ko na ang kabutihan lamang ang isinasaisip ninyo para sa kanya." sabi ni Jan. "Huwag po kayong mag-alala, unang-una ay wala po kaming ginagawang masama ni Miguel. Pangalawa, para sa kabutihan ng kumpanya, ginagawa ko po ng mabuti ang trabaho ko. Pangatlo, oo, laging kong iniisip lagi ang makakabuti para sa inyong pong anak. Para na rin sa magiging katahimikan ng inyong isip, tatanggapin ko po ang request ninyong umalis ako ng kumpanya. Pero hindi ko po matatanggap yang pera ibibigay ninyo. Sana po, maisip ninyo na hindi lahat ng bagay dito sa mundo ay may katapat na pera." patuloy na sabi ni Jan. Tumutulo na ang mga luha nito. "Sa tingin ko po ay wala na po tayong pag-uusapan pa kaya kung inyo po sana mamarapatin ay ibaba na ninyo po ako dito sa sasakyan." sarkastikong sabi pa ni Jan. PInahinto naman agad ni Hector ang sasakyan upang makababa si Jan. Mabilis na bumaba naman si Jan sa sasakyan. "Salamat po." wika pa ni Jan. Ilang saglit pa ay umalis na rin ang sasakyan. Kinuha ni Jan ang kanyang cellphone at tinawagan si Paloma. "Yes Jan?" tanong ni Paloma nang sagutin nito ang tawag. "Pasesnya na po, Ms. Paloma. Hindi na po ako makakapasok ngayong araw na ito." wika pa ni Jan. "Pero maari po bang makipagkita sa inyo sa inyong lunch break?" tanong pa niya. "Why? What happened?" tanong ni Paloma. "Mamaya ko na lang po sasabihin sa inyo ang lahat. At saka kung maaari ay hindi malaman ni Sir Miguel ang pagkikita natin." sabi naman ni Jan. "Sige. Saan tayo magkikita?" tanong pa ni Paloma. "Doon na lang po sa coffee shop malapit sa office building." sagot ni Jan. "Ok. See you later." wika naman ni Paloma.

Nung tanghali rin na iyon ay mabilis na nagtungo si Paloma sa sinabing coffee shop ni Jan. Nang dumating siya doon ay nakita nito si Jan na naghihintay sa isang table. Pag-upo nito ay nagtanong agad siya. "What happened?". Iniabot naman ni Jan ang isang brown envelope kay Paloma. Tinignan agad ni Paloma ang laman ng brown envelope at nakita ang isang liham. "Resignation letter? Bakit?" tanong pa ni Paloma. "Ok lang po ba na na immediate resignation at kung maari ay huwag muna pong malaman ni Sir Miguel ito hangga't hindi ako nakakaalis ng kumpanya." sabi ni Jan. "Does it have something to do with Mr. Hector De Dios?" tanong naman ni Paloma. Natigilan bigla si Jan. "I know what happed with you and Miguel's father." dagdag pa ni Paloma. "Jan, hijo. Honestly, I really don't like you to leave the company. I really like you for Miguel, I mean, I like what you did for him. Naging mas focused na siya sa trabaho salamat sa tulong mo." sabi ni Paloma. "Pero ito po ang mas nakakabuti para kay Sir Miguel." wika naman ni Jan. "Can you tell me what happened?" sabi ni Paloma. Napayuko lamang si Jan. "Please tell me Jan, baka may magawa ako for you." wika pa ulit ni Paloma. Noong una ay ayaw pa sabihin ni Jan ang totoo pero napagdesisyunan niya ring sabihin lahat kay Paloma. "Huwag ninyo na pong sabihin kay Sir Miguel ang nangyari." pakiusap ni Jan at pagkatapos ay sinabi na ang nangyari sa condo unit ni Miguel at ang nangyari nitong umaga, ang pakikipag-usap ni Hector De Dios sa kanya at ang pakiusap na umalis ng kumpanya. "Are you sure now with your decision?" tanong ni Paloma. "I will do my best to convince Mr. De Dios about this." dagdag pa ni Paloma. "Huwag na po. Mabuti na rin po ito. Mas mabuti na ito para kay Sir Miguel.." sabi pa ni Jan. "Para sa akin." dagdag pa nito. "What do you mean?" ani ni Paloma. Natigilan si Jan. "Mas mabuti na rin na lumayo na ako sa kanya para na rin sa kapakanan ko, sa damdamin ko." sagot ni Jan. "Don't tell me that you have fallen in love with Miguel?" wika ni Paloma. Yumuko lamang si Jan bilang tugon dito. "My God!" nasambit ni Paloma. Hinawakan bigla ni Jan ang mga kamay ni Paloma. "So please, Ms. Paloma. As much as much, please don't tell Sir Miguel everything. Huwag ninyo na rin po muna sabihin ang tungkol sa resignation ko hangga't hindi pa ako umaalis at nakakahanap ng kapalit ko." pakiusap ni Jan. "Malulungkot si Miguel sa gagawin mong ito." wika ni Paloma. "Mas mabuti na po ito kesa masaktan lang kami ng sobra pareho." sagot ni Jan. "Well, if you already made up your mind." sabi naman ni Paloma. "But I will surely miss you, Jan." dagdag pa niya. "Maraming pong salamat sa lahat, Ms. Paloma." sagot ni Jan.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon