Nagulat si Miguel nang pumasok siya ng opisina ay si Paloma ang nakita niya sa desk ni Jan. "Where's Jan?" tanong nito kay Paloma. "Sinabihan niya ako kagabi na hindi siya makakapasok dahil may sakit siya. Sinubukan ka daw niyang tawagan ngunit hindi mo sinasagot ang tawag niya." paliwanag ni Paloma. Kahit alam niya ang maaring dahilan ng hindi pagpasok ni Jan ay kunwaring tinanggap na lamang ni Miguel ang paliwanag ni Paloma. "So I'll be your secretary for the meantime." dagdag pa ni Paloma. "Ok." maikling sagot ni Miguel at pagkatapos ay dere-derechong pumasok ito ng kanyang opisina. Ilang saglit pa ay dumating si Leonard. "Leonard, what are you doing here?" tanong ni Paloma dito. "I want to know if I can talk to Miguel right now?" sabi naman ni Leonard. "He just arrived. You can go ahead and proceed to his office." sagot naman ni Paloma at hinayaan na pumasok si Leonard. "Can I talk to you, Miguel?" tanong ni Leonard nang kumatok ito sa pintuan ng kanyang opisina. "Sure! Come in!" sagot ni Miguel. "Mukhang wala si Jan ngayon ah?" sabi pa ni Leonard. "Did something happened?" tanong pa niya kay Miguel. Natahimik lamang si Miguel. I actually wanted to talk to you about him. Napatingin lamang si Miguel sa kanya. "Nadatnan ko siya kagabi sa waiting shed malapit sa condo mo." sabi pa ni Leonard. "And I actually came here to tell you that what he said to you is the truth." dagdag pa ni Leonard. "Pati ba naman ikaw, Leonard?" naiinis na sabi ni Miguel. "Let me just show you something." sabi ni Leonard at kinuha ang kanyang cellphone.
[FLASHBACK]
"Joshua, thanks for accommodating my request." sabi ni Leonard nang magkita sila nito sa Greenbelt. "Ano yung pag-uusapan natin?" tanong ni Joshua. "I would just like to ask your permission to let met tell Miguel of what you and Naomi discovered about Helena." sabi ni Leonard. "Bakit mo naman gusto nang malaman ni Miguel ang katotohanan?" tanong naman ni Joshua. "Kasi involved ako dito." sagot ni Leonard. Kinuwento lahat ni Leonard ang nakaraan niya kay Helena. "I understand." ang nasabi ni Joshua nang madinig ang kwento ni Leonard. "Why don't you show him this?" dagdag pa ni Joshua at kinuha ang cellphone. "Ano yan?" tanong ni Leonard. "Nang madinig kasi ni Naomi na pinag-uusapan ni Helena at ng mga kaibigan nito si Miguel, naisipan nitong palihim na i-record ang pag-uusap nila. Although Naomi was not able to record the whole conversation, nai-record niya yung part na sinabi niya na ginagamit niya lang si Miguel sa kanyang ambisyon." sabi pa ni Joshua. "Matagal ko nang gusto ipadinig kay Miguel yan ngunit alam kong maaring gumuho ang mundo niya kapag nalaman niya ito dahil first love niya si Helena." dagdag pa ni Joshua. "Mas mabuti na rin siguro na malaman niya ang totoo." sabi naman ni Leonard. "I guess you're right." sagot ni Joshua. "And this recording will surely help us convince Miguel about this issue." sabi pa ni Leonard.
Pinadinig ni Leonard kay Miguel ang nakuhang recording mula kay Joshua. Hindi makapaniwala si Miguel sa nadinig. "Let me tell you something also about me and Helena." sabi pa ni Leonard at kinuwento niya na rin ang nakaraan niya kay Helena. "I can't believe this!" nasabi na lamang ni Miguel. "By the way, Miguel, I heard that you spank Jan last night?" sabi pa ni Leonard. Natigilan si Miguel. Naalala niya na sinabi sa kanya ni Jan ang totoo ngunit hindi niya ito pinaniwalaan at nasaktan niya pa ito. "I believe that Jan doesn't deserve to be treated that way. Nagmamalasakit lang sa'yo yung tao." patuloy na sabi ni Leonard. Nalungkot bigla si Miguel sa nagawa kay Jan. "And it seems that you've been hurting Jan many times already. Like what I've said earlier, dalawang beses ko nang naabutan si Jan sa waiting shed malapit sa condo unit mo na umiiyak." wika pa ni Leonard. "And I hope last night would be the last and I will not let that happen again to Jan." pagtatapos ni Leonard at pagkatapos ay lumabas na ito ng opisina upang bigyan ng oras si Miguel makapag-isip.
Paulit-ulit na pinakikinggan ni Miguel ang recording na kinopya ni Leonard para sa kanya. Hirap pa rin itong tanggapin na ang babaeng matagal niyang hinintay ay niloloko lamang pala siya. "Why Helena?" tanong ni Miguel. "You should never have returned." dagdag pa nito. At hindi rin ito makapaniwala na si Leonard pala ang gustung-gusto nito. "Kaya pala affected ka rin sa closeness ni Leonard at Jan." sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili. Ngunit napaisip ito kung bakit niya nasabi ang salitang "rin". At naalala bigla nito si Jan. Naalala nito ang mga sinabi sa kanya kagabi. . "Sabihin ninyo na sa akin ang lahat ng masasakit na salita. Pero wala kayong karapatan na kwestyunin ang kredibilidad ko dahil simula nang maging sekretarya ninyo ako, naging matapat na ako sa inyo!" ang mahabang sinabi ni Jan at tandang-tanda niya pa lahat iyon. Si Jan na nagmalasakit sa kanya. Si Jan na inisip ang kapakanan niya. Si Jan na sinaktan niya. Naalala pa nito ang sinabi ni Leonard na nadatnan niya ng dalawang beses si Jan na umiiyak sa waiting shed malapit sa condominium niya. Naisip niya marahil na ang unang pagkakataon ay noong dinala ni Jan ang kanyang PlayStation at madatnan niya siya at si Helena na magkasama. Napaisip siya na nagseselos ba si Jan nang makita niya siya at si Helena na magkasama? Aware naman si Miguel na may "paghangang" nararamdaman si Jan sa kanya nang madinig niya ito noong kaarawan ng lola niya ngunit ang nasa isip niya ay "infatuation" lamang iyon. Hindi niya maisip na mas malalim pa doon ang nararamdam para sa kanya ni Jan. Ngunit napaisip din bigla siya kung ano ba ang nararamdaman niya para kay Jan. Bakit siya naiinis kapag nakikita niyang magkasama sina Leonard at Jan? Nalungkot din ito bigla nang mapagtanto nitong si Leonard ang nakakasama ni Jan tuwing umiiyak ito dahil sa kanya. Ilang saglit pa ay biglang dumating si Helena. "Hi babe! I'm sorry about yesterday." bungad nito sa kanya. Tinitigan lamang ni Miguel si Helena. "What's wrong?" tanong ni Helena sa kanya ngunit hindi ito sumasagot. "Are you still mad because of what happened yesterday?" tanong pa ulit ni Helena ngunit hindi pa rin sumasagot si Miguel. "My God! Tell me what's wrong Miguel!" sigaw na ni Helena. Inilabas ni Miguel ang kanyang cellphone at pinadinig kay Helena ang recording na nakuha nito kay Leonard. Namutla bigla si Helena sa nadinig. "Is that you?" tanong ni Miguel. "Where did you get that?" tanong naman ni Helena. "I'm asking if that is you!" galit na sabi ni Miguel. Natigilan lamang si Helena at nag-iisip nang pwedeng isagot kay Miguel. "So it's true that you've been fooling me all this time?!" sabi pa ni Miguel. "That's not me!" palusot ni Helena. "Liar!" sigaw ni Miguel. "No one can prove that that's my voice!" sabi pa ni Helena. "But can you tell me what's with you and Leonard?" tanong pa ni Miguel. Nagulat na naman si Helena sa tanong ni Miguel. "Who's the one badmouthing me to you?!" tanong ni Helena. "I just want you to answer my question!" sigaw pa ni Miguel. "But that's a long time ago!" sabi ni Helena. "And when are you planning to tell me those things?" tanong pa ni Miguel. "I'm just getting a right timing to tell you." sabi pa ni Helena. "I don't want to hurt you, Helena, so please get out!" sabi naman ni Miguel. "Miguel?!" pagmamakaawa ni Helena. "Get out!" sigaw ni Miguel. "Miguel, please?!" patuloy na nagmamakaawa si Helena. "Get out or else I'll call the security!" sigaw pa ni Miguel. Walang choise naman si Helena kundi lumabas ng opisina ni Miguel. Nang makita ni Paloma si Helena palabas ng opisina ni Miguel ay napangiti na lamang ito. "It serves you right!" sabi pa ni Paloma sa kanyang sarili.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romantizma story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...