Chapter 43

7.9K 255 0
                                    

Bumangon si Miguel mula kanyang pagkakahiga dahil hindi ito makatulog kakaisip sa kalagayan ni Jan. Nagtungo ito sa bathroom at nag-shower. Patuloy pa rin ito sa pag-iisip habang dumadaloy ang tubig mula sa shower patungo sa kanyang katawan. Paglabas niya ng bathroom ay kinuha nito ang towel at itinakip sa hubad niyang katawan. Napansin nitong may 'missed call' ito nang makita niya ang cellphone sa kanyang kama. Nakita nitong ilang beses siyang sinubukang tawagan ni Leonard. Kinuha nito ang cellphone at tinawagan si Leonard. "What's up, Leonard?" tanong nito nang sagutin ang tawag. "Tinawagan ako ng ospital at sinabihan akong nagkamalay na si Jan." sagot ni Leonard. "That's great! Magbibihis lang ako at dederecho na ako ng ospital!" wika ni Miguel. "Nakatulog ka na ba?" pag-aalalang tanong naman ni Leonard. "I'm good. Nakaiglip na naman ako." sagot ni Miguel. "Ok. Will see you then!" wika ni Leonard at pagkatapos ay binaba na ang tawag. Mabilis na nagbihis si Miguel at nagtungo sa ospital upang puntahan si Jan.

Nang makarating na si Miguel ay nakita nito si Leonard sa labas ng silid kung nasaan si Jan. "Kumusta na si Jan?" tanong ni Miguel nang makita si Leonard. "Miguel, may problema tayo tungkol kay Jan." malungkot na sagot ni Leonard. "Bakit? Anong nangyari sa kanya?!" gulat na tanong pa ni Miguel. "Walang naaalala si Jan. Hindi niya makilala ang mga taong malapit sa kanya, kahit ako!" malungkot na sabi pa ni Leonard. "What?! Let me see him!" wika naman ni Miguel. "Miguel!" ang nasabi na lamang ni Leonard habang si Miguel ay mabilis na pumasok ng silid. "Jan!" sigaw pa ni Miguel pagpasok nito. Napalingon naman si Jan nang makitang pumasok ang binata. "Jan, kumusta ka na? Ok ka na ba?" tanong pa ni Miguel at lumapit kay Jan. "Sir Miguel?!" wika ni Jan nang makita ang binata. Nagulat si Miguel dahil akala niya ay hindi ako nakakakilala. "Jan! Natatandaan mo ako?!' tanong pa ni Miguel. "Anong nangyari, Sir Miguel?! Wala akong maalala!" naiiyak na sabi naman ni Jan. Napayakap lamang si Miguel kay Jan. "Huwag kang mag-alala Nandito ako para sa'yo." sabi naman ni Miguel at yakap-yakap si Jan. Pagpasok ni Leonard ay namangha ito sa nakita. Nagulat ito at si Miguel lamang ang naalala ni Jan. Pumasok na rin ang doktor ni Jan at nakita ang nangyari. "At least kahit paano'y may naalala siya." sabi ng doktor kay Leonard. "Kailan babalik ang kanyang ala-ala?" tanong naman ni Leonard. "Hindi ko masasabi kung kailan. Maaring temporary lamang ang kanyang amnesia dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa kanya ngunit maari rin magtagal ito." pagtatapat ng doktor. Napabuntong-hininga na lamang si Leonard. "Maari ninyo siyang matulungan maka-recover agad kung ipapakita ninyo sa kanya yung mga madalas niyang gawin o kaya yung mga gustung-gusto niyang bagay." dagdag pa ng doktor. "Sana maka-recover agad si Jan dito." sabi na lamang ni Leonard, nakatingin pa rin sa magkayakap na sina Miguel at Jan.

Habang nagpapahinga si Jan sa kanyang silid sa ospital ay niyaya ni Miguel si Leonard na kumain muna ng hapunan sa cafeteria malapit sa ospital. Nang papunta na sila sa nasabing cafeteria ay nakatanggap ng tawag si Miguel mula kay Paloma. "It seems that your instinct was correct." ang sabi agad ni Paloma nang sagutin ni Miguel ang tawag nito. "What did you discover?" tanong naman ni Miguel dito. "I need to discuss this to you personally. Are you free now?" sagot ni Paloma. "I'm here at the hospital with Leonard. We're about to have our dinner. Meet us at the cafeteria inside the hospital." wika ni Miguel. "Noted. I'll see you in a minute then." sagot ni Paloma at pagkatapos ay binaba na ang tawag. "Ok lang ba na magpunta si Paloma dito?" tanong naman ni Miguel kay Leonard. "Sure! No problem!" sagot ni Leonard. Ikinuwento ni Miguel kay Leonard ang ipinakiusap nito kay Paloma na siyasatin ang proseso at dahilan ng paglipat ni Lumina sa opisina. "May kakaiba bang dahilan ng paglipat niya?" nagtatakang tanong ni Leonard. "That's what were about to know from Ms. Paloma." sagot ni Miguel.

Habang hinihintay si Paloma ay nag-usap muna sina Leonard at Miguel sa nasabing cafeteria. "It's a good thing na kahit paano ay naalala ka ni Jan." sabi ni Leonard. "I'm actually thinking about it." sagot ni Miguel. "What do you mean?" tanong pa ni Leonard. "Masaya ako na naalala pa rin ako ni Jan. Ang inaalala ko eh kapag naalala niya ang eksena na nakita niya ako at si Lumina." sabi pa ni Miguel. Natigilan si Leonard at hindi alam ang isasagot kay Miguel. "Masasaktan na naman si Jan kapag dumating ang araw na maalala niya na naman yun. Ang dahilan ng kanyang aksidente." sabi pa ni Miguel. Naisip ni Leonard na may point si Miguel. "Mas mabuti siguro punan mo na ng magagandang alaala at lubusin ang pagkakataon hangga't hindi pa niya iyon naaalala." ang nasabi na lamang ni Leonard dito. Ilang saglit pa ay dumating na rin si Paloma. "Kumusta na si Jan?" tanong nito sa kanila nang dumating ito. "Nagkamalay na siya ngunit may partial amnesia siya." sagot ni Miguel. "I see." ang nawika ni Paloma nang malaman ang lagay ni Jan. "Si Miguel lang ang naaalala nito." wika naman ni Leonard. Napangiti naman si Paloma na parang tinutukso si Miguel tungkol dito. "Ano yung gusto mong i-discuss?" tanong na lamang agad ni Miguel kay Paloma. "Nakausap ko si Lumina at nagtapat na ang dalaga sa akin." sagot ni Paloma. "What do you mean?" tanong ulit ni Miguel habang nakikinig lamang sa kanila si Leonard. "Iniutos ng papa mo na ilipat si Lumina sa PNYG upang maging sekretarya mo at ilayo ka kay Jan." paliwanag ni Paloma. Nagsalubong ang mga kilay ni Miguel sa nakumpirma. "What's your decision regarding Lumina?" tanong pa ni Paloma. "I want her to be kicked out of the company!" galit na sagot ni Miguel. "Maybe you should put some consideration about it. Sinunod lamang ni Lumina ang utos ng iyong papa para makatulong sa kanyang pamilya sa probinsya." sabi pa ni Paloma. Napatingin si Miguel kay Lumina na bakas sa mukha ang pagkalito. "May asawa't anak na si Lumina. Hindi niya talaga ginusto ang nangyari, nagipit lang siya." dagdag pa ni Paloma. "So what do you want me to do about her?" tanong naman ni Miguel. "Nangangamba nga siya dahil maari siyang balikan ng papa mo sa ginawa niyang pag-amin." wika pa ni Paloma. "Let me handle that concern about my father. Ikaw na ang bahala kay Lumina kung ano sa tingin mo ang makabubuti sa kanya." sagot na lamang ni Miguel. "What are you going to do with your father?" tanong pa ulit ni Paloma. "You'll see." sagot ni Miguel. Nagulat naman si Leonard sa mga nalaman. Nalungkot ito para kay Jan dahil naisip nitong maraming balakid ang dadaanan nito dahil sa pagmamahal niya kay Miguel.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon