Nagtungo sina Miguel at Jan sa isang tanyag na hotel sa Tagaytay. Nanlaki ang mga mata ni Jan nang makita niyang papasok sila sa nasabing hotel. "Oh my God! Hindi ba mahal dito?" sabi pa ni Jan. "Huwag mong isipin ang gastos. Ang isipin mo ay kung paano tayo mag-eenjoy dito." sabi naman ni Miguel. "Hindi mo naman kailangan gawin ito. At saka sobra-sobra naman ito. Nilibre nga lang kita sa isang palengke noon upang kumain ng bulalo tapos ikaw ililibre mo ako dito." ang nasabi naman ni Jan. "Kung gusto mo eh pwede naman tayo bumalik doon sa palengke at kumain ng bulalo." wika naman ni Miguel. Nang makarating na sila sa parking lot ay niyaya na ni Miguel si Jan na pumasok sa kanilang tutuluyan. "Tara na at para makapagpalit ka na ng damit mo." paanyaya ni Miguel. Nang makapasok na sila ay lalong nagulat si Jan sa kanyang nakita. "Grabe! Mas malaki pa ito sa bahay namin." sabi pa ni Jan. Natawa na lamang si Miguel kay Jan. "Maligo ka na para makapaglibot na tayo at makapamasyal." sabi pa ni Miguel. "Gusto mo ako na ang magpaligo sa'yo?" biro pa nito. Nag-blush bigla si Jan sa pagkapahiya. "Kaya ko nang paliguan ang sarili ko!" sabi bigla ni Jan at mabilis na nagtungo sa banyo upang maligo.
Pagkatapos maligo ay nagyaya agad si Miguel na magpunta sa Mahogany Market upang kumain ng sinasabi nilang bulalo. "Alam ko naman na magrereklamo ka na naman kung dito tayo kakain dahil mag-aalala ka na naman sa presyo." sabi ni Miguel. "Nagiging praktikal lang naman ako. Hindi porket marami kang pera eh doon ka na kakain sa mamahaling kainan eh may mura naman na masarap." wika naman ni Jan. "Tara na! Alam kong gutom ka na dahil yung peanut pa lang doon sa kotse ang kinain mo." paanyaya ni Miguel. "Buti pala at naiwan ko sa kotse mo yung binili kong mani dati!" natatawang sabi ni Jan. "Hindi ko naman kasi akalain na magyayaya kang mag-Tagaytay early in the morning." sagot ni Jan. "Matatawag bang suprise yun kung alam mo?!" sagot naman ni Miguel.
Pagdating nila ng Mahogany Market ay nagtungo agad sila sa carinderia kung saan sila kumain noon ng bulalo. Pagkababa nila ng kotse ay hinawakan agad ni Miguel ang kamay ni Jan habang patungo sa nasabing carinderia. na-conscious naman bigla si Jan sa ginawa ni Miguel. Pagdating nila ng carinderia ay umorder agad sila ng makakain nila. Lalong na-conscious si Jan dahil nararamdaman niyang pinagtitinginan sila ng mga tao doon. Hindi rin nila maiiwasan dahil maka-agaw pansin talaga ang itsura ni Miguel. Bukod na matikas ay gwapo pa. Kahit sinong babae ay nabibighani sa angking tindig ni Miguel. Ngunit nakaramdam si Jan ng hiya nang madinig niya malapit sa kanila ang komento ng makita sila ni Miguel na magkasama. "Imposibleng boyfriend niya yun noh dahil ang gwapo gwapo ng lalake!" dinig na sabi ng isang babae tungkol sa kanila. "Baka assistant niya lang yan or baka katulong. Nagmamagandang loob lang sa kanya." tugon ng isa pang babae tungkol sa kanila. Napatingin naman si Jan sa nag-uusap na babae at hindi alam kung anong mararamdaman sa mga ito. Nang mapansin ito ni Miguel ay sinabihan niya na lamang si Jan. "Huwag mo na lang silang pansinin. Huwag mong sirain ang araw mo sa kanila." sabi pa ni Miguel dito. Nang matapos na silang kumain ay kinuha na nila ang kanilang bill. "Hindi ba kayo rin yung nagpunta dito dati?" puna ng babaeng nagbigay ng kanilang bill. Napangiti lamang si Jan bilang tugon dito. "Siya ba yung kasama mo noon?" patuloy pa ng babae nang mapatingin kay Miguel. "Ang gwapo gwapo ninyo pala Sir!" papuri pa nito. "Magkamag-anak ba kayong dalawa?!" tanong pa ng babae. "Ay eh?!" sasagot pa sana si Jan nang biglang sumingit si Miguel. "Kasintahan ko siya." sabat ni Miguel. Nandilat ang mata ni Jan sa sinabi ni Miguel. "Wow! Ang swerte mo naman! Baka may kapatid ka Sir, pakilala mo sa akin." gulat na sagot ng babae. "Pasensya na, may girlfriend na rin ang kuya ko eh." sagot naman ni Miguel. "At saka ako ang magbabayad ng kinain namin dahil treat ko ito sa kanya." patuloy pa ni Miguel at kinuha ang resibo mula sa babae. "Ay, sige po Sir." wika ng babae sabay abot ng resibo. Kinuha naman ni Miguel ang wallet nito at iniabot ang bayad sa nasabing babae. "Keep the change." wika pa ni Miguel at pagkatapos ay niyaya na si Jan umalis. Kinuha ni Miguel ang mga kamay ni Jan at inakbayan habang naglalakad pabalik ng sasakyan. Siniguro ni Miguel na nakikita ng mga babae kanina ang mga ginagawa niya kay Jan upang ipakita ditong kasintahan talaga niya ito. Pagsakay nila ng kotse ay nag-usap ang dalawa. "Hindi mo naman kailangan gawin pa iyon." wika ni Jan kay Miguel. "Gawin ang?" nagtatakang tanong ng binata. "Alam kong pinamumukha mo sa kanila na kasintahan mo ako para mapahiya sila sa mga pinagsasabi nila tungkol sa akin." wika ni Jan. "Gusto ko lang malaman mo na proud ako sa relasyon natin." sagot naman ni Miguel. "Hindi mo naman na kailangan gawin yun." ani ni Jan. "Ngayon, naiintindihan ko na ang Papa mo kung kaya as much as possible ay gusto niyang ilihim ang relasyon natin." patuloy pa nito. "Sa lipunang kinapapalooban natin, mahirap tanggapin ang ganitong klaseng relasyon." dagdag pa nito. "Jan?" sabi pa ni Miguel. "Ngayon, malinaw na ang lahat sa akin. Siguro nagiging selfish lang siguro ako noon pero ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko." sabi pa ulit ni Jan. Napakunot naman ang noo ni Miguel sa pagkalito tungkol sa sinasabi ni Jan. "Sir Miguel?!" bungad ni Jan at humarap sa binata. Nakatingin naman ng derecho si Miguel kay Jan at hinihintay ang susunod na sasabihin nito. "Nitong mga nagdaang-araw, hinayaan ko ang sarili ko na ilayo mula sa inyo dahil nalilito ko sa nararamdaman ko." sabi pa ni Jan. "Aaminin ko po sa inyo na nahuhulog rin ang loob ko kay Sir Leonard." patuloy pa nito. Hindi naman nakadama ng pagkabigla si Miguel sa sinabi ni Jan dahil aware na itong hindi malayong maramdaman ito ni Jan dahil si Leonard lagi ang matatakbuhan nito sa oras ng pangangailangan at sa mga oras na sinasaktan niya ito. "Nakokonsyensya ako na feeling ko ay niloloko ko kayo kung malalaman kong may pagtingin na rin ako kay Sir Leonard." patuloy pa rin ni Jan. "Pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit..." pagpapatuloy pa sana ni Jan nang bigla siyang pigilan ni Miguel at hinawakan ang mga labi nito. "Sssshh.." awat naman ni Miguel hawak ng isa niyang daliri ang mga labi ni Jan. "Naiintidihan ko kung mararamdaman mo rin yan kay Leonard." sabi ni Miguel. Naisip ni Jan na nahulog lalo ang loob niya kay Leonard dahil napaparamdam ni Leonard na para siyang isang tunay na babae kapag kasama niya ito dahil walang restriction. Walang iniisip na ano mang bagay. Iniisip kung anong tingin sa kanila ng mga tao sa paligid nila dahil alam niyang magkaibigan lamang sila ni Leonard hindi tulad ng kapag kasama niya si Miguel, kailangan maging maingat sila sa lahat ng kinikilos nila dahil maaring ayaw nga nilang isapubliko ang kanilang relasyon. "Si Leonard lagi ang handang tumulong lagi sa'yo." patuloy pa ni Miguel. "But as long as I know that you love me. I know that you need me, hindi kita isusuko." dagdag pa nito. "And as long as you're mine, I don't care kung ano man ang nangyari sa inyo ni Leonard." pagtatapos nito at pagkatapos ay unti-unting nilalapit nito ang mukha sa mukha ni Jan. Napapikit si Jan nang maramdamang papalapit na ang mga labi ng binata. Natigil sila nang biglang may bumusina sa likod ng sasakyan nila. Pagtingin nila ay may naghihintay pala na lumabas ang kanilang sasakyan dahil paparada rin mga ito sa pwesto nila. "Istorbo naman ito!" ang nasabi ni Miguel at halata sa tono nito ang pagkainis. Napabungisngis naman si Jan dito. "Saan mo gusto pumunta ngayon?" tanong ni Miguel. Naisip nitong huwag na lang mamasyal dahil nag-aalala na naman itong may makakita sa kanila at pag-usapa na naman kaya nagyaya na lamang itong bumalik ng hotel. "Doon na lang tayo sa hotel." sagot ni Jan. "Sure ka? Kaya nga tayo nagpunta dito para mamasyal." tanong pa ulit ni Miguel. Nag-isip na lamang ng palusot si Jan. "Ayaw mo nun? Maghapon tayong magsasama sa hotel." wika ni Jan. "Eh mahiyain ka naman." pang-aasar naman ni Miguel. Naisip ni Jan ang kanyang nasabi at nag-blush ito. "Basta, doon na lang tayo!" sabi pa ni Jan at napahawak sa mukha sa hiya. Natatawa na lamang si Miguel at pagkatapos ay nagmaneho na pabalik ng hotel.
Pagbalik nila ng hotel ay nagtungo agad ang dalawa sa kanilang silid. Kinuha ni Miguel mula sa maleta bitbit nito kanina ang PlayStation 4 nito. "Dinala mo yan?!" masayang sambit ni Jan. "Oo, dahil alam kong mag-eenjoy ka kapag dinala ko ito." sagot ni Miguel. Mabilis na sumampa sa kanilang kama si Jan at kinuha ang controller ng console habang kinakabit ito ni Miguel sa TV. Bumalik at tumabi si Miguel kay Jan at kinuha ang isa pang controller. "Anong gusto mong laruin?" tanong ni Miguel. "Eh yung NBA lang naman yung multiplayer game mo diyan eh." sagot ni Jan. "Pwede mo naman laruin yung single player." puna naman ni Miguel. "Syempre, mas gusto ko kalaro ka." sagot pa ulit ni Jan. "Sure kang maglalaro ka ng NBA?" nagtatakang tanong pa ni Miguel. "Ok nga lang basta ikaw ang kalaro ko." sagot pa ulit ni Jan. "Ang sweet naman ng princess ko!" wika naman Miguel at niyakap si Jan. "Yan na naman ang tawag mo sa akin!" puna naman ni Jan at halatang nahihiya. "Pati ba naman diyan, mahiyain ka pa rin." natatawang sabi ni Miguel. "Maglaro na lang tayo!" ang nasabi na lamang ni Jan at pinisil ang mukha ng binata.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romansaa story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...