Chapter 55

7.2K 244 3
                                    

"Pasensya ka na sa Mama kanina" sabi ni Leonard kay Jan. "Wala yun! Naiintindihan ko naman dahil hindi naman niya alam ang tungkol sa amin ni Sir Miguel." sagot ni Jan. “Oo nga pala. Dito ka na matulog ah, doon na lang ulit ako sa kabilang kwarto.” sabi ni Leonard kay Jan. “Ako na lang doon, kwarto mo kaya ito kaya dapat ikaw ang matulog dito.” sabi ni Jan. “At saka ok lang naman sa akin kahit sa sofa lang ako matulog.” dagdag pa nito. “Siyempre, gusto ko doon ka sa magiging komportable ka. Kung gusto mo tabi na lang tayo dito.” wika ni Leonard. “Sige na nga, doon ka na sa kabillang kwarto!” banat naman ni Jan at halatang nahihiya. Natawa na lamang si Leonard dito. 

Nang malapit nang matapos ang ginagawa nila Leonard at Jan ay nagyaya ang binata na uminom ng beer ngunit tumanggi ang nahuli. “Madali ako malasing, alam mo na!” sambit pa ni Jan. “Kahit isang bote ka lang.”wika ni Leonard. “Basta kapag nahilo na ako, titigil ako ah!” sagot naman ni Jan. “Sige. Walang problema.” sabi ni Leonard at pagkatapos magkasundo ay bumaba ito patungo sa kusina at kumuha ng beer sa refrigerator. At nang matapos na ang kanilang ginagawa ay nagsimula na silang uminom. Hindi naman naiwasang magtanong ni Jan kay Leonard. “Bakit mo naman naisipang uminom ng beer?” tanong ni Jan dito. “Wala lang.” sagot ni Leonard. “Since wala namang pasok bukas, pwede tayong magpuyat.” dagdag pa nito. “Hindi ako naniniwala yan lang ang dahilan mo.” wika ni Jan. “Hindi ikaw ang typical na tao na nagyayaya uminom ng wala lang.” dagdag pa niya. “Wala nga lang!” pagpupumilit naman ni Leonard. “Sige na nga, wala nga lang!” sagot ni Jan.

Nang makaramdam na si Jan ng pagkahilo ay tumanggi na itong uminom pa ng beer. “Ayaw ko na, nakakaramdam na ako ng hilo.” sabi ni Jan. “Sige, ako na lamang ang iinom.” sagot ni Leonard. “Baka naman malasing ka niyan.” pag-aalalang sabi ni Jan. “Huwag kang mag-alala. Hindi ako katulad mo na madaling malasing.” sagot nito. “Ok. Sabi mo eh!” wika naman ni Jan. Nagpatuloy pa rin sila sa pag-uusap ng kung anu-anong bagay hanggang madako ang usapan nila tungkol kay Luis. “Nag-aalala ako kasi nag-uusisa na si Luis tungkol sa amin ni Miguel.” nasambit ni Jan. “May naikuwento ka ba sa kanya?” tanong ni Leonard. “Wala!” sagot ni Jan. “At laging kong tinatanggi sa kanya na meron sa amin namamagitan ni Sir Miguel.” dagdag pa nito. “Mas mabuti huwag mo na lamang pansinin.” payo ni Leonard. “Dahil maaring hinuhuli ka lamang niya tungkol sa inyo dalawa ni Miguel.” dagdag pa nito. Napapansin ni Jan na napaparami na ang naiinom ni Leonard kaya pinagsabihan na niya ito. “Mukhang marami ka nang naiinom.” puna nito. “Ok pa ako!” pagmamalaki naman ni Leonard. “Basta huminto ka na kapag naramdaman mo ng hindi mo na kaya.” wika ni Jan. “Oo. Para mapatunayan kong kaya ko pa, kukuha pa ako sa baba ng beer.” sabi naman ni Leonard at tumayo sa kanyang kinauupuan. Ngunit pagtayo nito ay nakaramdam ito ng hilo at aktong tutumba kaya mabilis na sinalo ito ni Jan. “Sir Leonard!” sigaw ni Jan at mabilis na nasalo si Leonard. “Ayan, sabi ko na nga ba at marami ka nang naiinom!” sabi pa nito. Tahimik lamang at nakatungo si Leonard dahil ramdam na nga nito ang hilo. Inalalayan naman ni Jan si Leonard patungong kama upang ihiga ito ngunit bigla siyang nasukahan nito. Napaliguan ng suka ni Leonard si Jan. Mabilis na inihiga ni Jan si Leonard sa kama. Nagtungo naman agad si Jan sa banyo at pinunasan ang mga suka sa damit. Kumuha ito ng towel sa isang cabinet at nagtungo kay Leonard upang punasan din ito. Naisip nitong palitan ang damit ni Leonard ngunit nakaramdam ito ng hiya nang maisip iyon. Ngunit nang makita niya ang dumi sa damit ni Leonard ay napagdesisyunan na rin nitong palitan ang damit nito dahil naalala nito na inalagaan rin siya nung araw na nagkasakit ito. Nagtungo muna ito sa kabilang silid upang kunin ang damit na tinutukoy ni Anita na maaring niyang gamitin upang makapagpalit at pagkatapos aty nagbalik ito sa silid ni Leonard upang kunin naman ang dami para sa binata. Pagkatapos makapagpalit ng damit ay nilapitan na nito si Leonard upang palitan ang damit nito. Naisip nito na ang pang-itaas lamang ang nadumihan ay hindi na nito papalitan ang pang-baba nito. Naisip rin nito na hindi niya kayang tanggalin ang pang-baba ni Leonard. Nang maihubad nito ang suot na t-shirt ay pinunasan nito ang mga bahagi ng katawan na nasukahan at pagkatapos ay sinuot nito ang pamalit na damit. Wala pa ring malay si Leonard dahil sa hilo. Nang tumayo na si Jan upang bumalik ng banyo upang banlawan ang pamunas nito ay bigla siyang hinawakan ni Leonard sa kamay at hinatak patungo sa kanya. “Sir Leonard!” sambit nito at napahiga sa tabi nito. “Jan, dito ka lang muna kahit saglit lang.” wika sa kanya ni Leonard at yakap-yakap siya. Hindi maunawaan ni Jan ngunit nakaramdam siya ng security ng yakapin siya ni Leonard. “Sir Leonard.” sambit ni Jan at bumibilis ang pagtibok ng puso. Hindi niya rin maunawaan pero napayakap na rin si Jan kay Leonard. Napatingin naman si Jan sa mga mukha ni Leonard at nakita nito kung gaano kaamo ang mukha nito. Lalong tumibok ang puso nito. “Sir Leonard.” sabi ulit ni Jan at mahigpit na niyakap ang binata. At hindi naglaon ay hinalikan bigla ni Leonard si Jan sa kanyang mga labi. Hinayaan na lamang ni Jan ang maglapat ang kanilang mga labi ni Leonard. At pagkatapos niyon ay nakatulog na ang dalawa na magkayakap.

Makalipas ang ilang oras ay naalimpungatan si Leonard. Pagdilat ay nakita nito na magkayakap sila ni Jan na natutulog. Nakaramdam ito ng guilt dahil yakap niya ang taong tinatangi ni Miguel. Ngunit biglang pumasok sa isip nito na wala siyang pakialam sa iba sa mga oras niyon dahil nakakaramdam siya ng lubos na kaligayahan habang yakap niya si Jan. “Ano bang nangyayari sa akin?” tanong ni Leonard sa kanyang sarili. “May pagtingin na ba ako sa’yo, Jan?’ tanong pa nito. Habang natutulog ay kumilos si Jan at lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. “Wala akong pakialam, ang importante ay ang ngayon.” sabi pa ni Leonard sa kanyang sarili na niyakap din ng mahigpit si Jan at pumikit ulit upang matulog. 

Kinabukasan ay naunang nagising si Leonard. Nakita nitong nakayakap pa rin si Jan sa kanya at mahimbing na mahimbing ang tulog. Pinagpatuloy na lamang nito ang pagyakap at pinakikiramdam ang mga susunod na mangyayari. Ilang saglit pa ay nagising na rin si Jan. Naramdaman rin nito na nakayakap pa rin sa kanya si Leonard at mukhang natutulog pa rin ito dahil nakapikit pa ito. Pasimpleng kumilos si Jan. Nang maramdaman naman ni Leonard na kumilos na si Jan at dumilat na rin ito. “Good morning!” bati ng binata kay Jan. “Good morning!” sagot ni jan habang kinukusot ang mga mata. Sabay na bumitiw sa pagkakayakap ang dalawa. Napansin ni Leonard na iba na ang suot nito kaya hindi naiwasan itanong niya ito kay Jan. “Bakit nag-iba na ang suot ko?” tanong ng binata kay Jan. “Nagsuka ka kaya kagabi kaya pinalitan ko ang damit mo.” sagot ni Jan. “So nakita mo na rin pala yung sa akin?!” biro ni Leonard. Nag-blush bigla si Jan sa hiya. “Hindi noh!” mabilis na tanggi nito. “T-shirt mo lamang ang pinalitan ko!” dagdag pa nito. “Sana tinignan mo na rin para fair na tayo dahil nakita ko na yung sa’yo!” biro naman ni Leonard kay Jan. “Hindi ako ganyang klaseng tao!” mataray na sagot naman ni Jan. “Ito naman, hindi mabiro. Alam ko naman na hindi mo gagawin yun dahil hindi ka ganon!” sagot ni Leonard. Nagtungo naman agad si Jan sa banyo upang magsipilyo. Sumunod naman sa kanya si Leonard. “Jan!” wika nito. Tumingin naman si Jan sa salamin upang tignan si Leonard. “Salamat sa pag-aalaga mo sa akin kagabi.” wika pa ni Leonard. “Kahit lasing ako eh natatandaan ko lahat ang nangyari.” dagdag pa nito. Nag-blush ulit bigla si Jan dahil naisip nitong naalala rin nito ang kanilang pagyakap at paghalik ngunit pilit nitong itinatago ang nararamdaman tungkol dito. “Ginawa ko lamang iyon dahil inalagaan mo rin ako nung time na nagkasakit din ako.” sagot ni Jan. “At saka that’s what friends are for.” dagdag pa nito. Ngumiti lamang si Leonard bilang tugon dito. Pagkatapos nilang makapag-ayos ay nagyaya na si Leonard na bumaba. “Tara na! Maaring nakahanda na ang agahan natin sa baba.” paanyaya ni Leonard. “Sige po.” sagot ni Jan.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon