Chapter 41

7.9K 256 2
                                    

Nang makarating si Leonard sa nasabing ospital ay mabilis itong nagtungo sa reception. "Dito ba dinala ang pasyente na si Jan Navre?" tanong nito sa nurse sa reception. "Kaano-ano po nila ang pasyente?" tanong naman ng nurse sa kanya. "I'm his distant relative." sagot ni Leonard. Napataas naman ang kilay ng nurse sa kanya, halata ang pagdududa. Napansin naman ito ni Leonard. "Tinawagan ninyo ang tita niya ngunit hindi ito makakapunta kaya ako ang pinapunta niya dito." sabi pa ni Leonard. Nang makumpirma naman ng nurse na nagsasabi ng totoo si Leonard ay sinabi na nito kung nasaan si Jan. "Nailipat na po ang pasyente sa operating room mula sa emergency room." sabi ng nurse sa kanya. "Kumusta ang lagay niya?" tanong pa ulit niya sa nurse. "Wala po siyang malay nang dalhin dito. Hindi pa po namin masasabi ngayon kung ano na ang kalagayan niya hangga't wala kaming nakukuhang kumpirmasyon mula sa doktor." paliwanag ng nurse. "Ok. I understand." sagot ni Leonard. Pagkatapos ng pag-uusap ay kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan si Miguel. "May balita ka na kung nasaan si Jan?" tanong agad ni Miguel nang sagutin nito ang tawag. "Huwag ka sanang mabibigla pero nandito ako ngayon sa ospital." sagot niya dito. "Bakit? Anong nangyari?" pag-aalalang tanong ni Miguel. "Nabundol si Jan at nasa operating room siya ngayon at walang malay." sagot ni Leonard. "What?! Saang ospital yan?!" pag-aalalang tanong ni Miguel. "Be calm, Miguel." payo ni Leonard nang mapansin naghi-histeria na si Miguel. "Kasalanan ko ito eh!" pagsisisi pa ni Miguel. "Mas mabuting magpunta ka na rin dito upang mabantayan mo ang lagay ni Jan." sabi naman niya kay Miguel. "Ok! I'll be there right away!" sagot pa ni Miguel at binaba na ang tawag. Pagkatapos ibaba ang tawag, may lumapit na pulis kay Leonard. "Ikaw ba ang kamag-anak ng nabangga?" tanong nito sa kanya. "Oo. Bakit?" sagot naman niya sa pulis. "Sumama ka sa akin para makilala mo ang nakabangga sa biktima." sabi ng pulis sa kanya. Sumunod naman si Leonard sa pulis upang makita at makausap ang nakabangga kay Jan.

Pagdating ni Leonard sa silid kung saan siya dinala ng pulis ay nakita nito ang isang binata na nakaupo sa isang upuan. Tumayo ito nang makita silang dalawa ng pulis. "Siya yung nakabangga sa biktima." sabi ng pulis sa kanya. "Hindi ko sinasadya ang nangyari." malumanay na sabi sa kanya ng binata. Tinignan lamang ni Leonard ang binata. "Handa akong sagutin lahat ng expenses ng ospital." sabi pa sa kanya ng binata. "Ano bang nangyari?" tanong naman niya sa binata. "Hindi ka naman siguro lasing?" dagdag pa ni Leonard. "Hindi po!" pagtanggi ng binata. "Maari sigurong lutang ako dahil sa pag-iisip. Nagulat na lamang ako na makita ko siya na naglalakad na parang nakatingin sa kawalan. Inapakan ko agad ang preno ngunit huli na ang lahat." sabi pa nito. Nagpalitan ng numero ang dalawa para may contact ang dalawa. "Sige, pwede ka nang umuwi." sabi naman ni Leonard sa binata. "Sigurado kayo?" tanong naman sa kanya ng binata. "May contact details na binigay naman sa akin yung pulis. Mukhang pagod ka na rin kaya magpahinga ka na." sabi niya sa binata. "Sige, salamat. Tawagan mo na lamang ako kung anong lagay niya." sagot sa kanya at tinutukoy ang magiging lagay ni Jan. Pagkatapos makapag-usap ay nagbalik si Leonard sa lugar kung nasaan ang operating room upang tignan ang lagay ni Jan. Pagdating niya doon ay nadatnan na nito si Miguel na naghihintay. "Miguel, nandito ka na pala." sabi niya dito. "Anong balita sa kanya?" tanong naman sa kanya. "Hinihintay ko ang resulta. Katatapos ko lang makipag-usap sa taong nakabangga kay Jan." sagot niya dito. "Nasaan siya nang maturuan ng leksyon!" galit na sabi naman ni Miguel. "Kumalma ka lang, Miguel. Hindi rin naman sinasadya ng binata ang nangyari. At sigurado akong hindi rin sisisihin ni Jan ang taong yun dahil sa nangyari." sabi naman ni Leonard kay Miguel. Biglang nabagabag naman si Miguel. "Ako ang may kasalanan nito. Kung hindi nangyari ang mga bagay na nangyari sa amin ni Lumina, hindi ito mangyayari kay Jan." sabi pa ni Miguel. Napaupo ito sa upuan na nakalagay sa hallway at hawak ang ulo na parang tuliro. "Huwag kang mag-alala, Miguel. Sigurado naman akong makakaligtas si Jan." paniguradong sabi naman ni Leonard. Natahimik si Miguel at nag-isip. "Pakiramdam ko tuloy ako na ang pinaka-walang kwentang lalake sa mundo!" sabi pa ni Miguel. "Marami na akong nakarelasyong babae pero sa isang tulad ni Jan lang ako nakaramdam ng tunay na ligaya." dagdag pa nito. "Sobrang maaalahanin at mapagmahal si Jan ngunit binalewala ko lang ito." patuloy na pagsasalita nito. "Naging marupok din ako. Sinisi ko pa noong una si Jan sa mga hindi kayang ibigay nito ngunit na-realize kong sapat na pala para sa akin yung mga binibigay niya sa akin." wika pa ni Miguel. Naintindihan naman ni Leonard ang ibig sabihin ni Miguel na hindi kayang ibigay ni Jan sa kanya. "Companionship kasi ang hanap ni Jan at hindi kung ano pa man." sabi ni Leonard kay Jan. "I know!" sagot ni Miguel. "Naiisip ko tuloy na dapat siguro ikaw ang nararapat kay Jan!" pagtatapat ni Miguel. Nagulat si Leonard sa tinunan ni Miguel. "Hindi mo man aminin, alam kong may pagtingin ka rin kay Jan." dagdag pa nito. "Pero ikaw ang gusto at mahal niya." sagot naman ni Leonard. "Pero hindi na ako karapat-dapat para sa kanya dahil lagi ko na lamang siyang sinasaktan." sabi pa ni Miguel. "Hindi tulad mo. Lagi mo siyang napapasaya. Lagi kang nasa tabi tuwing kailangan ka niya." dagdag pa nito. "Sapat na para sa akin kung anong meron sa amin ni Jan." sagot ni Leonard. "Mapapatawad pa kaya ako ni Jan?" tunan naman ni Miguel. "Patunayan mo na lamang sa kanya na karapat-dapat ka sa kanya." sagot ni Leonard. "Dahil hindi nararapat kay Jan ang masaktan dahil napakabuting tao niya." dagdag pa nito. Magsasalita pa sana si Miguel nang biglang bumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang doktor. Nagtayuan ang dalawang binata at lumapit sa doktor. "Kumusta na po si Jan?!" tanong ni Miguel. "Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong sa kanila ng doktor. Umoo na lamang ang dalawa sa tanong ng doktor. "Maswerte siya dahil walang major organ ang naapektuhan although may mga nabaling buto sa katawan niya. At kailangan na lamang natin hintayin ay ang magka-malay siya." sabi pa ng doktor. "Magiging ok na po siya?" tanong naman ni Leonard. "Hindi ko pa masasabi hangga't hindi pa siya nagkakamalay. Titignan pa rin natin kung naapektuhan ang utak niya sa lakas ng impact ng pagkakabangga." sagot ng doktor. "Nasaan na po siya?" tanong naman ni Miguel. "Ililipat na namin siya ng ward." sagot naman ng doktor. "Ilagay ninyo na po siya sa isang private room." sabi naman ni Leonard. "Magpunta na lamang kayo sa nurse's station at sabihin ninyo ang request ninyo." sagot sa kanila ng doktor. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagtungo ang dalawa sa nurse's station upang mailipat si Jan sa isang private room. Nang mailipat na si Jan ay nagpunta na rin ang dalawang binata. "Ikaw na muna ang magbabantay sa kanya?" tanong ni Leonard kay Miguel. "Kailangan kong pumunta sa bahay nila Jan upang balitaan ang pamilya niya sa sitwasyon ni Jan." dagdag pa ni Leonard. "Sige. Ako na munang bahala kay Jan dito." sagot ni Miguel. "Gusto mo bang tawagan ko rin si Ms. Paloma tungkol dito?" tanong ni Leonard sa kanya at iniisip ang trabaho nito. "Ako nang bahala. Tatawagan ko na lamang siya mamaya upang i-endorse ang mga trabahong kailangan kong tapusin." sagot ni Miguel. "Sige, maiwan na muna kita." wika ni Leonard at umalis na rin. Umupo si Miguel sa tabi ng higaan ni Jan at hinawakan ang kamay nito. "Please gumising ka na, Jan!" sabi ni Miguel habang hawak ang kamay nito.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon