Chapter 32

8.5K 313 4
                                    

Nagtrabaho si Jan nang parang normal upang hindi makahalata si Miguel sa balak nitong paglisan sa kumpanya. Si Paloma naman ay patagong naghahanap ng ipapalit kay Jan sa pakiusap na rin nito. Hindi pa rin sinasabi ni Jan sa kanyang mga kaibigan na sina Charm at Joy ang planong pag-alis nito sa kumpanya, lalo na kay Leonard. Sinabi rin nito sa sarili na sasabihin na lamang kay Leonard kapag nakaalis na ito ng kumpanya. "Bakit parang matamlay ka nitong mga nagdaang-araw?" tanong ni Leonard kay Jan nang magpunta ito sa kanyang desk. "Hindi naman ah?!" palusot naman niya. "Huwag mo na akong lokohin dahil kilala kita kapag ok ka talaga." sabi ni Leonard sa kanya. "Ok nga lang po ako, don't worry." sagot pa niya. "Sige. Baka hindi ka pa handang sabihin sa akin. Basta nandito lang ako." wika naman sa kanya ni Leonard. "Salamat po, Sir Leonard." sagot ni Jan. 

Dumating din ang araw ng pag-alis ni Jan sa kumpanya. Nagpunta si Jan sa area nina Charm at Joy at nagpaalam. "Ano? Hindi ka man lang nagsabi sa amin!" paghihimutok ni Joy. "Pasensya na kayo. Kailangan ko kasing ilihim muna ito kay Sir Miguel." sabi naman ni Jan. "Bakit? Dahil ba sa kanya kaya ka aalis?" tanong naman ni Charm. "Sasabihin ko na lamang sa inyo kapag handa na ako. I hope you guys will understand." wika ni Jan. "We will always understand. Basta nandito lang kami lagi para sa'yo." sabi ni Joy. "Mamimiss ka namin, Jan!" wika ni Charm. "Hindi naman ako mawawala ng tuluyan. Lagi pa rin tayong magiging magkakaibigan." sagot ni Jan. Pagkatapos niyon ay nagtungo naman si Jan sa opisina ni Leonard. "What are you doing here, Jan?" tanong sa kanya ni Leonard nang nagpunta ito sa kanyang opisina. "Magpapaalam na po ako, last day ko today." sagot ni Jan. "What? What happened?" gulat na tanong ni Leonard. "I'm sorry I didn't inform before dahil itinatago ko ito mula kay Sir Miguel." sagot niya. "Dahil ba sa kanya ang pag-alis mo?" tanong naman ni Leonard. "Mas mabuti po na sasabihin ko na lamang sa inyo ang lahat sa ibang lugar." sagot naman niya ulit. "Sige. Bukas ang bahay namin anytime for you." wika naman ni Leonard. "Salamat po!" wika niya dito.

Hangga't maari ay hindi nagpapahalata si Jan na unti-unti na nitong na-turn over lahat ng mga gawain sa papalit sa kanya. Kaya nang isang araw na pumasok ito ay nagulat siya nang makita si Paloma at ang bago nitong sekretarya na si Trish. "Miguel, I would like you to meet your new secretary, Trish." sabi sa kanya ni Paloma. "What happened to Jan?" gulat at nagtatakang tanong niya. "Jan already left the company." sagot ni Paloma. "What?! How come I didn't know about it?!" naiinis na tanong pa ni Miguel. "Nakiusap si Jan na ilihim ito sa'yo." pagtatapat ni Paloma. Nagalit bigla si Miguel sa nangyari. Hindi nito maintindihan ang gustong maramdaman sa nangyari. Sa tingin niya ay para siyang na-traydor sa nangyari. "Does it have something to do with my father?" tanong pa nito. "I'd rather not to comment on that." sagot ni Paloma. "Please Ms. Paloma. Where's Jan?  Where is he? Tell me what happened!" naguguluhan na sabi ni Miguel. "Miguel, calm down. Ginawa ni Jan ito para sa'yo." sagot pa ni Paloma. "Pero bakit hindi niya sinabi sa akin ang plano niya?" tanong pa ni Miguel. "Dahil alam niyang hindi ka papayag sa gusto niya." wika pa ni Paloma. Hindi na tumuloy sa opisina niya si Miguel at umalis na lamang ito. "Miguel, where are you going?" tanong ni Paloma. "I will talk to Jan!" sagot ni Miguel at mabilis na umalis. 

Nagmaneho papuntang bahay nina Jan si Miguel. Sinubukan nitong tawagan ang numbero nito ngunit 'number unavailable' na ito. Nang makarating na siya ay kumatok ito sa pintuan. "Sir Miguel?!" gulat na sambit ni Tita Glory nang buksan ang pinto. "Pwede ko po bang makausap si Jan?" wika ni Miguel. "Pasensya na po, Sir Miguel. Umalis si Jan kahapon, hindi nagpasabi kung saan pupunta. Hindi muna daw siya uuwi pansamantala." sagot sa kanya ni Glory. "May bagong number po ba kayo ni Jan?" tanong pa ni Miguel. "Ay! Wala po. Hindi niya pa binibigay sa amin ang bago niyang number. Ang sabi niya, tatawag na lang daw siya sa amin." pagsisinungaling ni Glory dahil nagbilin ito sa kanila na huwag ibigay kahit kanino ang bagong numero. "Ok lang po ba na tawagan ninyo po ako kapag tumawag na sa inyo si Jan. Kailangan ko po kasi siya makausap." sabi ni Miguel. "Sige po." sagot ni Glory. 

"Ok lang po ba talaga na dito muna ako mag-stay sa inyo?" tanong ni Jan kay Leonard. "Huwag kang mag-alala. Mamalagi ka dito hangga't kailan mo gusto." sagot ni Leonard. Ilang saglit pa ay nag-ring ang cellphone ni Leonard. "Si Miguel ang tumatawag." sabi ni Leonard kay Jan. "Please, huwag ninyo pong sabihin na nandito ako!" pakiusap ni Jan. "Yes Miguel?" tanong ni Leonard nang sagutin nito ang tawag. "May idea ka ba kung nasaan si Jan?" tanong ni Miguel sa kabilang linya. "Pasesnya na pero hindi siya nagpasabi kung saan siya pupunta." pagsisinungaling din ni Leonard. "Nakausap mo na ba siya?" tanong pa ulit ni Miguel. "No, Miguel." wika pa ulit ni Leonard. "Sige, salamat, Leonard. Balitaan mo na lang ako kapag tumawag na sa'yo si Jan." sagot naman ni Miguel at binaba na ang tawag. "Alalang alala na sa'yo si Miguel." wika naman ni Leonard kay Jan. "Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Alam kong magagalit nang sobra si Sir Miguel sa ginawa ko." sagot naman ni Jan. "Bakit kailangan mo pang gawin ito kay Miguel?" tanong pa ni Leonard. "Dahil kung hindi ko ito gagawin, magiging komplikado lang ang lahat." sagot pa ni Jan. Inilahad nito ang nangyari sa condo unit ni Miguel at ang pag-uusap nila ni Hector De Dios. "I can understand his reaction dahil nakita ko ang reaksyon ng papa rin noon nang magtapat si Laurence. Pero hindi ko akalain na aabot sa ganito ang sitwasyon." nasabi ni Leonard. Napayuko na lamang si Jan sa pag-iisip. "Anong plano mo? Hindi titigil yan si Miguel sa kakahanap sa'yo." sabi pa ni Leonard. "Bakit kasi kailangan niya pa akong intindihin? I'm just a nobody!" wika pa ni Jan. Hindi rin alam ni Leonard ang isasagot dito. Ayaw naman rin niyang bigyan ng false hope si Jan. "Patawad Sir Miguel sa ginawa ko pero para sa ikabubuti ninyo ito. Nasasaktan akong malaman na hindi na tayo ulit magkakasama tulad ng dati pero kailangan kong tiisin ito para sa inyo. Maraming salamat sa lahat ng masasayang alaala." sabi ni Jan sa kanyang sarili.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon