Chapter 44

7.9K 245 1
                                    

Dumating ang araw na ilalabas na ng ospital si Jan. "Sigurado kang ok lang sa'yo na mamalagi muna si Jan sa unit mo?" tanong ni Leonard kay Miguel. "Oo naman." sagot ni Miguel. "Dahil hindi rin maalala ni Jan ang lola at tita niya, sinabi ng doktor na mamalagi muna si Jan sa'yo dahil ikaw lang ang naaalala niya." wika pa ni Leonard. "Idadaan ko si Jan sa kanila once in a while para unti-unti niyang maalala ang mga ito." ang sabi naman ni Miguel. Dumating naman ang Tita Glory ni Jan upang masamahan ang paglabas nito sa ospital. "Talaga po bang ok lang sa inyo na mamalagi si Jan sa inyo?" nag-aalalang tanong ni Tita Glory kay Miguel. "Nakakaabala na po kami sa inyo." dagdag pa nito. "Huwag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po si Jan para sa inyo." sagot naman ni Miguel. "Pasensya na po talaga sa abala. Sinabi ko na po sa lola niya ang lagay niya ngayon." wika naman ni Tita Glory. "Kumusta na po pala siya?" tanong ni Miguel at tinutukoy ang lola ni Jan. "Malungkot ang lola niya sa nangyari. Pinaliwanag ko na lamang na kailangan niyang mamalagi sa inyo para sa kanyang therapy. Naintindihan naman niya. Sinabi ko na magpupunta naman si Jan sa bahay kahit paano." sabi ni Tita Glory. "Huwag rin po kayong mag-alala. Lagi ko pong dadalhin si Jan sa inyo." sagot ni Miguel. "Maraming marami po talagang salamat!" masayang wika ni Tita Glory.

Hinatid ni Leonard sina Miguel at Jan sa condo unit nito. "Ikaw na ang bahala kay Jan. Babalik na ako ng office." sabi ni Leonard kay Miguel. "Sige, salamat!" sagot naman ni Miguel. Derecho nang umakyat sa condo unit sina Miguel at Jan. Pagpasok ni Jan ay naalala nito ang lugar. Naalala nito ang paglalaro nila ni Miguel ng PlayStation 4 sa condo unit nito. "Gusto ko maglaro?" tanong ni Miguel sa kanya. "Sige!" masayang sagot naman ni Jan. Sinet-up ni Miguel ang nasabing game console habang pinanonood siya ni Jan na nakaupo sa sofa. "Oh ito!" sabi ni Miguel habang iniaabot ang isang controller kay Jan. Isinalang ni Miguel ay fighting game at naglaro silang dalawa ni Jan. Nakikita ni Miguel na masayang-masaya si Jan sa paglalaro kasama siya. "Natalo kita! Bleh!" pang-aasar ni Jan kay Miguel na parang bata. "Ang galing mo talaga!" sagot naman ni Miguel. Inakbayan niya ito at tinitigan. Napatingin naman sa kanya si Jan. Unti-unting nilalapit ni Miguel ang kanyang mukha sa mukha ni Jan. Ngunit humikab si Jan. "Inaantok na po ako, Sir Miguel." biglang sabi ni Jan. Napaatras naman si Miguel. "Sige, matulog ka na. Doon ka na lang sa kwarto ko." sagot ni Miguel. "Dito na lang po ako. Sanay naman po akong matulog dito." sabi naman ni Jan at humiga agad sa sofa. Pumikit agad si Jan at derechong natulog. Hindi na pinigilan ni Miguel ito dahil nakita agad nito ang mahimbing na pagtulog. Nagtungo muna si Miguel sa kusina at kumain dahil naalala nitong hindi pa pala siya kumakain. Naalala niya ang panahon na nagluluto si Jan sa kanyang kusina. Napangiti ito nang maalala ito. Pagkatapos kumain ay nagpunta ulit ito sa living room upang tignan si Jan. Nakita nitong mahimbing na mahimbing ang tulog nito. Binuhat niya ito at dinala sa kanyang silid. Tinabihan niya na rin si Jan sa pagtulog. "Good night!" sabi ni Miguel sa natutulog ni Jan at pagkatapos ay natulog na rin ito.

Naunang nagising si Jan kaya nagulat ito nang makita niyang katabi niya si Miguel. "Ahhh!" sigaw ni Jan. Nagising bigla si Miguel sa sigaw ni Jan. "What happened?" tanong bigla ni Miguel. "Anong ginagawa ko po dito?!" tanong naman ni Jan. "Binuhat kita kagabi papunta dito para dito ka na matulog." sagot ni Miguel. Napahawak si Jan sa kanyang mukha at nag-blush. "Nakakahiya naman po sa inyo, Sir Miguel." wika ni Jan at hawak pa rin ang mukha sa hiya. "Ok lang naman yun dahil tayo na, 'di ba?!" sabi naman ni Miguel. Nandilat ang mga mata ni Jan sa sinabi ni Miguel. "Tayo na?!" tanong pa ni Jan. "Oo. Bakit? Hindi mo ba naaalala?" tanong naman ni Miguel. "Nalilito po ako!" sagot ni Jan at napahawak sa ulo dahil nakaramdam ng sakit, pilit na binabalikan ang ala-ala. "Huwag mo pilitin ang sarili mong alalahanin kung sumasakit ang ulo mo." sabi naman ni Miguel nang makitang sumasakit ang ulo nito. Lumapit si Miguel kay Jan at hinawakan ang mga kamay nito. "At least, alam mo na tayo na kaya huwag ka nang mahiya sa akin, ok?" sabi ni Miguel. Napansin naman ni Jan na walang suot pang-taas si Miguel kaya napapikit ito. Napansin ito ni Miguel kaya natawa ito. "Naiilang ka ba?" tanong ni Miguel. "Magsuot naman po kayo ng damit." sagot ni Jan at nakahawak sa mga mata. "Sanay kasi akong matulog ng walang damit. Buti nga may pambaba pa ako." wika naman ni Miguel at natatawa pa rin. "Basta magdamit ka kapag matutulog. Kung hindi, doon na lang ako sa labas matutulog." ang sabi naman ni Jan. Natatawa pa rin si Miguel tungkol dito. "Sige po, prinsesa ko. Magdadamit na po." sabi naman ni Miguel at bumangon ito upang magsuot ng damit. "Anong gusto mong breakfast?" tanong ni Miguel kay Jan. "Magluluto ka?" tanong ni Jan. "Hindi, magpapadeliver lang ako." sagot naman ni Miguel. "Pinagluluto mo nga ako dati eh." dagdag pa nito. Nag-isip si Jan at sinubukan alalahanin ang sinabi ni Miguel. "Hindi ko po maalala." sagot naman ni Jan. "Ok lang. Huwag mong pilitin. Maalala mo rin yan balang araw." ang sabi naman ni Miguel. "So for the meantime, magpadeliver na lang muna tayo." dagdag pa niya. "Doon na lang muna po ako sa labas." ang sabi naman ni Jan. "Sige, maliligo na ako para pumasok." ang sabi naman ni Miguel.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon