Pagkatapos ng mahigit dalawang oras, natapos rin ang meeting ng Creative team. Kasama sa pagpupulong sina Miguel at Leonard. Si Paloma muna ang humalili sa pwesto ni Jan dahil may sakit ito. Lumapit si Paloma kay Leonard. "I hope Jan is alright." wika ni Paloma kay Leonard. "He's fine. He just need to rest." sabi pa ni Leonard. "Good to hear!" sagot naman ni Paloma at pagkatapos ay lumabas na ng conference room. Pagkatapos ay si Miguel naman ang lumapit kay Leonard. "What happened to Jan?" tanong ni Miguel. "Nakita ko siya sa waiting shed malapit sa condominium mo na basang-basa ng ulan." sagot ni Leonard. "Tinatawagan ko siya kaninang umaga sa cellphone niya upang kumustahin kaso 'cannot be reached' ito." sabi pa ni Miguel. "Nasira ang cellphone niya nang mahulog ito habang dinadala niya ang PlayStation mo." sagot pa ni Leonard. "Sana tinawagan niya na lamang ako at hindi na kinuha yung PlayStation kung magiging hassle sa kanya yun." sabi naman ni Miguel. Medyo nainis si Leonard sa sinabi ni Miguel pero nagtimpi pa rin siya. Alam ni Leonard na ginawa yun ni Jan dahil gusto niya si Miguel ngunit hindi niya ito pwede sabihin sa kanya. " Grabe ang pinagdaanan niyan kagabi para makuha lang ang PlayStation mo. Hindi pa pala nakakain yun kaya nilagnat nang mabasa ng ulan. Pero huwag kang mag-alala, mas mabuti na siya ngayon at nagpapahinga siya sa bahay." sarkastikong sabi ni Leonard. Nagulat si Miguel nang malaman na nasa bahay nina Leonard si Jan. "Bakit sa bahay ninyo siya tumuloy?" tanong ni Miguel. "Para may mag-alaga sa kanya." sagot pa ni Leonard. "I'll be going back to my office." sabi pa ni Leonard kay Miguel. "Huwag kang mag-alala, papasok na si Jan bukas." dagdag pa ni Leonard at pagkatapos ay nagtungo na sa kanyang opisina.
Nagbalik si Miguel sa kanyang opisina ngunit hindi nito mapigilang isipin si Jan. Naalala nito nang makita silang dalawa ni Helena at iniabot ang PlayStation, napansin nito ang mga luhang tumulo mula sa mga mata nito. "Nasaktan ba siya na makita kami ni Helena?" tanong ni Miguel sa kanyang sarili. "Bakit ba ako nababagabag? Hindi ko naman kaano-ano si Jan?" sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili.
Pag-uwi ni Jan mula kina Leonard ay nakasalubong nito ang Tita Glory niya. "Anong nangyari sa'yo? Tumawag ang Sir Leonard mo dito kagabi dahil nilalagnat ka daw kagabi?" tanong sa kanya nito. "Oo nga po eh." sagot naman ni Jan. "Inabutan kasi ako ng ulan kagabi habang ginagawa yung pina-uutos ni Sir Miguel." dagdag pa ni Jan. "Aba! Alagaan mo naman ang sarili mo. Sobra-sobra ka naman yata kasi sa pagtatrabaho." wika naman sa kanya ng kanyang tita. "Pero napapansin ko ring kung hindi kina Sir Miguel mo ikaw natutulog ay kina Sir Leonard mo naman!" dagdag pa nito. "Jan, natutuwa ako na mabait sa'yo yung dalawang lalakeng yun. Pero kilala kita! Madali mahulog ang loob mo. Tandaan mo, bakla ka at straight yung mga yun. Huwag kang masyadong mag-expect sa kanila." paalala pa sa kanya. "Opo. Alam ko po." sagot ni Jan. "Kumain ka na ba?" tanong sa kanya. "Opo. Inasikaso po ako ng mama ni Sir Leonard sa kanila." sagot ni Jan. "Mukhang mabait talaga ang pamilya ng Sir Leonard mo. Pagluluto ko nga yang mama niya ng masarap na pagkain." wika pa ni Tita Glory. "Oh siya! Magpakita ka na sa lola mo. Hindi ko na sinabing nilalagnat ka kagabi dahil ayaw kong mag-alala siya. Sinabi ko na ginabi ka sa pagtatrabaho kaya doon ka na natulog." dagdag pa nito. "Thanks tita!" sagot ni Jan.
Kinabukasan, maagang pumasok si Jan sa opisina. Pinuntahan agad siya ni Leonard sa area niya. "Kumusta ka na?" tanong sa kanya nito. "Mas mabuti na po, salamat sa'yo." sagot ni Jan. "Mabuti naman!" wika naman ni Leonard. Ilang saglit pa ay dumating na rin si Miguel. "Good morning po!" malamig na bati ni Jan. Ngumiti lamang si Miguel at dere-derechong pumasok ng kanyang opisina. "Ang aga-aga, nandito agad sa area ni Jan." sabi ni Miguel sa kanyang sarili at tinutukoy si Leonard. Pasimple ulit itong lumapit sa pintuan at sinilip ang dalawa sa labas. "Dahil ok ka na, pwede na tayong pumunta doon sa sinasabi kong ramen house na bagong bukas." sabi ni Leonard kay Jan. "Sige po! Gusto ko na ngang matikman yung sikat nilang ramen!" sagot naman ni Jan. Mabilis na nagpunta naman si Miguel sa kanyang desk at kinuha ang telepono nito at tinawagan si Jan. "Yes po?" tanong ni Jan sa kabilang linya. "Jan, gusto mo masubukan yung bago kong PlayStation 4?" tanong naman ni Miguel dito. "Available ako tonigh!" dagdag pa ni Miguel. "Pasensya na po Sir Miguel, aalis po kami ni Sir Leonard mamayang gabi." sagot naman ni Jan. "Pero hindi ba gusto mong malaman ang mga features ng PS4?" tanong pa ni Miguel. "Kahit hindi na po! Salamat na lang po sa offer." malamig na sagot ni Jan. "May kailangan pa po ba sila?" tanong ni Jan. "Wala na. Salamat." sagot ni Miguel at pagkatapos ay binaba na ang telepono. Lumapit ulit si Miguel sa may pintuan upang silipin ang dalawa sa labas. "May inuutos ulit sa'yo si Miguel?" tanong ni Leonard. "Tinatanong ako kung gusto ko daw subukan yung bago niyang PS4." sagot ni Jan. "Anong sabi mo?" tanong ulit ni Leonard. "Sabi ko, aalis tayo tonight kaya hindi ako available. At saka yang PlayStation 4 na yan ang dahilan ng mga kamalasan ko noong isang araw!" dagdag pa ni Jan. "Speaking of that. Para sa'yo pala ito!" sabi naman ni Leonard at pagkatapos ay may iniabot na paper bag. "Ano po ito?" nagtatakang tanong ni Jan. "Tignan mo." sagot naman ni Leonard. Nagulat siya ng makitang bagong cellphone ang laman nito. "Cellphone?" wika pa ni Jan. "Nasira kasi yung cellphone mo noong isang araw kaya bibigyan na lang kita kapalit noong nasira mo!" sabi naman ni Leonard. "Pero mamahalin itong model na ito ah? Hindi ko ito matatanggap!" wika naman ni Jan. "Actually kay mama yang cellphone na yan. Nakuha niya as loyalty award sa network niya. Eh mas gusto niya yung iPhone niya kaya hiningi ko na lang. Sinabi kong nasira ang cellphone mo kaya kung pwede ay ibigay ko lang sa'yo. Pumayag naman agad siya nang malamang sa'yo mapupunta yan." sabi ni Leonard. "Nakakahiya naman!" nag-aalinlangan na sagot pa rin ni Jan. "Mas nakakahiya kay mama kung ibabalik ko pa yan sa kanya." wika pa ni Leonard. "Pakisabi kay tita, maraming salamat dito!" sabi ni Jan. "Sige, sasabihin ko sa kanya!" sagot naman ni Leonard. Napatingin si Leonard sa may pintuan ng opisina ni Miguel. "Nahahalata ko na kapag may lakad kami ni Jan, biglang may iniuutos itong si Miguel?" sabi ni Leonard sa kanyang sarili. Si Miguel naman ay mabilis na nagbalik sa kanyang desk nang makitang palingon si Leonard sa direksyon kung saan siya nasilip. Nakaramdam ng pagkainis si Miguel kapag naiisip nitong magkasama mamayang gabi sina Leonard at Jan. "Sir Leonard, bilis, pipiktyuran kita!" sabi ni Jan. "Para saan?" tanong ni Leonard. "Para kapag tumatawag ka sa akin, may picture mo!" sagot naman ni Jan. Nag-pose naman si Leonard para dito. "Ayan, gwapo na ba?" wika ni Leonard. Kinunan naman ni Jan ng picture ito at sinave sa kanyang phonebook. "Lagi ka namang gwapo eh!" sagot naman ni Jan. "Yan ang gusto ko sa'yo, Jan eh!" wika naman ni Leonard. "Nagsasabi lang ako ng totoo!" sabi pa ni Jan. Pagkatapos ay nagtawanan na ang dalawa. Dinig na dinig ni Miguel at tawanan ng dalawa sa labas kaya lalo itong nakadama ng pagkainis. Biglang naalala nito ang tagpo sa kanyang condo unit nang iabot sa kanya ni Jan ang kanyang PlayStation 4 at nakita nito ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. "Pinaiiyak lang kita, Jan." sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
عاطفيةa story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...