Chapter 47

7.6K 254 7
                                        

Nahiga si Jan sa kanyang kama at nag-isip. Naisip nito ang kasalukuyang sitwasyon nila ni Miguel. Iniisip rin nito kung pagpaaptuloy niya pa ba ang kanilang relasyon ni Miguel kung hindi naman niya kayang ibigay lahat ng pangangailangan nito lalo na ang 'sexual needs' nito. "Bakit kasi hindi pa ako naging isang tunay na babae." ang nasabi pa nito sa kanyang sarili. Habang patuloy sa pag-isip ay nakadama ito ng antok ay napapapikit na ito. Ilang saglit pa ay biglang kumatok sa kanyang pintuan. Kahit inaantok ay bumangon ito sa kanyang pintuan upang tignan kung sino ang kumakatok sa kanyang pintuan. Nagulat ito nang makita si Miguel sa labas ng kanyang pintuan. "Ano pong ginagawa ninyo dito, Sir Miguel?' tanong nito sa kanya. "Nabasa ko ang note mo kaya nagpunta ako dito. Pumasok na ako kasi kanina pa ako kumakatok sa labas ninyo, wala namang sumasagot. Nakita kong bukas naman ang pinto ninyo kaya dumerecho na ako dito sa silid mo." sagot naman sa kanya ng binata. Kahit walang paanyaya ay pumasok si Miguel sa loob ng silid ni Jan at isinara ang pinto upang makapag-usap ng masinsinan. "Maari ba tayong mag-usap, Jan?" tanong sa kanya ng binata. "Ano pong gusto ninyong pag-usapan?' tanong naman niya dito. "Alam kong bumalik na ang alaala mo." sabi naman ni Miguel at hinawakan sa mukha si Jan. "At marahil naalala mo na ang dahilan kung bakit ka nagka-amnesia." dagdag pa nito. "At nagpunta ako dito upang ipaliwanag sa'yo ang side ko." wika pa nito. Tumango lamang si Jan. "Hindi ninyo na po kailangang magpaliwanag dahil naiintindihan ko naman kung bakit ninyo maaring gawin yun." ang sabi naman ni Jan. "Alam ko po sa sarili ko na may bagay talaga na ang isang tunay na babae lamang ang makakapagbigay sa inyo." dagdag pa nito. "Hindi ko naman kailangan hingin sa'yo ang bagay na iyon dahil naiintindihan ko rin ang limitasyon mo." sagot naman ni Miguel. "Inaamin ko noong una ay nadala lang ako. Pero gusto kong malaman mo na sapat na kung ano mang meron ka." dagdag pa ulit nito. "Siguro mas mabuti na babae na lamang ang piliin ninyo. Mas magiging maligaya kayo sa piling ng isang babae." sabi naman ni Jan. "Pero sigurado akong mas liligaya ako sa piling mo." sagot naman ni Miguel. "Sir Miguel." ang nasabi na lamang ni Jan at napatango. "Ssshh!" sabi naman ni Miguel at hinawakan ang mukha ni Jan. Napatingin naman si Jan sa mga mata ni Miguel. Unti-unting nilalapit ni Miguel ang kanyang mukha sa mukha ni Jan. Napapikit na lamang si Jan nang makitang papalapit ang mga labi ni Miguel sa kanyang mga labi. Nang maglalapat na ang kanilang labi ay biglang may kumatok sa pintuan. "Jan, nakita ko sa labas ang kotse ni Sir Miguel. Baka hinahanap ka niya sa labas." sigaw ng Tita Glory ni Jan habang kumakatok. Natigilan ang dalawa. Bumitaw sa pagkakahawak ni Miguel si Jan at nagtungo sa pintuan upang pagbuksan ang kanyang Tita Glory. "Nandito na po si Sir Miguel." sabi ni Jan sa kanyang tita nang buksan nito ang pinto. "Ay! Nandiyan na po pala kayo!" ang nasabi ni Glory. "Opo. Pumasok na po ako kasi wala po kasing sumasagot nang kumatok ako kanina, eh nakabukas naman po yung pinto kaya dumerecho na po ako dito." sagot ni Miguel. "Pasensya na. Marahil hindi ko nadinig ang katok mo dahil abala ako sa paglalaba sa banyo." ang sabi naman ni Glory. "Sige, maiwan ko na muna kayo diyan. Kung gusto ninyo kumain, naghanda ako ng tanghalian sa kusina." ang sabi naman sa kanila ni Tita Glory. "Sige po!" sagot na lamang ni Miguel. Nagbalik si Glory sa banyo upang ipagpatuloy ang ginagawa nito. Isinara bigla ni Miguel at kinausap ulit si Jan. "Nasaan na ba tayo ulit?' sabi ni Miguel. Nag-blush si Jan. "Kumain na lamang po tayo. Alam ko pong hindi pa kayo kumakain bago pumunta dito." sagot ni Jan at binuksan ang pinto. Hinawakan nito si Miguel sa kanyang kamay at dinala papuntang kusina upang kumain. "KJ ka talaga, Jan." ang sabi na lamang ni Miguel sa kanyang sarili habang nakangiti.

Hinatid ni Jan si Miguel sa kanyang sasakyan na nakaparada sa harap ng kanilang bahay. "Kailangan ninyong pumasok sa opisina dahil alam kong marami kayong dapat asikasuhin." sabi ni Jan kay Miguel. Sumakay na ng sasakyan si Miguel. "Tawagan kita mamaya kung makakapunta ako dito tonight." sagot naman ni Miguel. "Huwag ninyo po akong masyadong isipin. May deadline kayong tinatapos kaya mas unahin mo yun." sabi ni Jan. "Alam mo naman na mas importante ka." sagot naman ni Miguel. "Napag-usapan na po natin itong bagay na ito. Dapat hindi ninyo pinapabayaan ang kumpanya dahil malapit rin ito sa puso ko." sabi ni Jan. "Sige na, my princess." sagot ni Miguel. "Huwag nga kayong ganyan, baka may makadinig. Nakakahiya." sabi ni Jan at nag-blush. "Eh ano naman kung may makadinig." sagot ulit ni Miguel. "Sige na po. Pumasok na kayo." pagpilit ni Jan na umalis na si Miguel. Bumulong si Miguel. "I love you!" sabi nito. Nahihiya man ay sumagot na rin si Jan nang pabulong. "I love you too!". Ilang saglit pa ay umalis na rin si Miguel. Pagbalik ni Jan sa bahay ay nakita nitong may tumatawag sa kanyang cellphone. "Sir Leonard?" tanong nito nang sagutin ang tawag. "Ok ka lang ba? Nalaman ko kay Miguel na umuwi ka daw sa inyo." sagot ni Leonard sa kabilang linya. "Opo. I'm good." sagot naman ni Jan. "Nakakaalala ka na talaga, tama ba?" wika ni Leonard. "Opo." maiksing sagot ni Jan. "Sigurado ka bang ok ka lang?' tanong pa ulit ni Leonard. "Actually, kagagaling lang po ni Sir Miguel ditol Pinapasok ko na po siya." sagot ni Jan. "Nagkasundo na kayo?" tanong pa ulit ni Leonard. "Opo." sagot ulit ni Jan. "Good to hear!" masayang sabi ni Leonard. "Dadaanan kita diyan after office. Kailangan nating i-celebrate ang pagbalik ng iyong alaala." dagdag pa nito. "Ito naman! Kailangan talaga i-celebrate?!" natatawang sagot naman ni Jan. "Basta, masaya ako na ok ka na!" sabi ni Leonard. "Ikaw bahala!" sagot ni Jan. "Ok. I'll see you then tonight!" wika naman ni Leonard. "Ok! See you. Take care!" sagot ni Jan.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon