Araw ng Biyernes. Maagang pumasok si Jan upang maaga niya matapos lahat ng kanyang mga nakatakdang gawain para sa araw na iyon. "Ang aga mo ngayon ah?" tanong dito ni Leonard nang lapitan siya nito. "Para maaga ko pong matapos lahat ng gagawin ko ngayon. Gusto ko lang kasi umuwi ng maaga ngayon." sagot naman ni Jan dito. "Bakit? May pupuntahan ka ba mamaya?" tanong naman ni Leonard dito. "Wala naman. Gusto ko lang mag-mall siguro. Mag-unwind ba!" sagot ni Jan. "Sobrang stressed ka na ba?" natatawang tanong ni Leonard. "Hindi naman!" nakagiting sagot ni Jan. Ilang saglit ay biglang dumating din si Miguel. "Good morning, Sir Miguel!" bati ni Jan. "Good morning, Miguel!" bati rin ni Leonard. "Good morning!" sagot naman ni Miguel sa kanila. "Ang aga ninyo po today!" sabi naman ni Jan sa kanyang boss. "Gusto ninyo po ng coffee?" tanong pa ni Jan. "It's ok." nakangiting sagot ni Miguel at mabilis na pumasok ng kanyang opisina. "Pumunta ka na kaya sa office mo, Sir Leonard." sabi naman ni Jan kay Leonard. "Nandito na ang boss ko!" dagdag pa nito. "Wala pa namang office hour kaya pwede pa akong mag-stay dito." sagot naman ni Leonard. "Kayong bahala! Boss rin naman kayo dito!" sabi naman ni Jan.
Si Miguel naman ay parang affected nang makita niya ulit sina Leonard at Jan na magkasama. "Ang aga aga, magkasama agad ang dalawa!" sabi ni Miguel sa sarili. Kinuha nito ang telepono at tinawagan si Jan. "Jan, can you please get some coffee for me? Gusto ko ikaw mismo ang kumuha from the coffee shop." pakiusap nito sa kanya. "Noted, Sir!" sagot ni Jan. Pagkatapos niyon at binaba na nito ang telepono at pasimpleng sinilip ito sa labas. "Sige na! Inutusan na ako ni Sir Miguel!" nakitang nitong sinabi ni Jan kay Leonard. "Sige! See you after office. Magiging abala rin ako buong araw!" sagot naman ni Leonard at pagkatapos ay umalis na rin. Ngumiti si Miguel nang makitang umalis na si Leonard. Nakita naman nitong nag-aayos si Jan at pagkatapos ay umalis na rin upang kumuha ng kapeng iniutos nito. "Mukhang may plano ang dalawa after office." sabi ni MIguel sa kanyang sarili. Biglang nag-isip ito at napangiti. May binabalak gawin si Miguel para hindi matuloy ang pagsasama mamaya ng dalawa.
Si Jan naman ay mabilis na nagtungo sa coffee shop upang umorder ng kapeng iniutos ni Miguel. "Kailangan talaga ako pa mismo ang kumuha. Pwede ko naman ipakiusap sa utility yung kape niya. Kaya nga ako maagang pumasok para matapos ko agad ang trabaho ko." pagmamaktol ni Jan sa kanyang sarili. Ngunit biglang may naisip na paraan si Jan tungkol sa kape ng kanyang boss. Habang hinihintay nitong matimpla ng barista ng coffee shop, kumuha ito ng post-it mula sa kanyang bag at sumulat ng isang note na kanyang ididikit sa kape ni Miguel. "Coffee for Miguel!" sabi ng barista ng matapos nitong gawin ang kape. Tumayo si Jan at kinuha ang kape at pagkatapos ay idinikit nito ang note sa cup. Mabilis na bumalik si Jan sa opisina upang dalhin ang kape ni Miguel. "Sir Miguel?" sabi ni Jan habang kumakatok sa pintuan nito. "Come in!" sagot ni Miguel. "Ito na po yung kape ninyo!" sabi naman ni Jan at iniabot ang kape dito. "Thank you! Patong mo na lang diyan sa desk ko!" sagot at utos naman dito ni Miguel. Pinatong ni Jan ang kape. "Do you need anything else?" tanong ni Jan. "None, so far." mabilis na sagot ni Miguel. Nagbalik agad si Jan sa kanyang desk upang ituloy ang naantalang trabaho. Si Miguel naman ay kinuha agad ang kape upang inumin nang mapansing may nakadikit na note dito. "Have a great day, Sir Miguel!" mensahe na nakasulat sa post-it. Biglang napangiti si Miguel sa nakita. Kinuha nito ang post-it, tinupi at inilagay sa kanyang bulsa. "Thank you, Jan!" wika ni Miguel sa kanyang sarili.
Malapit na ang oras ng uwian. Napansin ni Miguel na nasa area na naman ni Jan si Leonard. Lumapit ito sa may pintuan at pasimpleng sinilip ang dalawa. Nakinig ito sa kanilang usapan. "Sasabay ka na ba sa akin? Pwede kitang ihatid sa mall na gusto mong puntahan." paanyaya ni Leonard. "Hindi ba ako nakakaabala sa'yo?" tanong naman ni Jan. "Hindi naman!" sagot ni Leonard. Mabilis na nagtungo si Miguel sa kanyang desk at kinuha ang telepono upang tawagan si Jan. "Yes, Sir Miguel?" tanong ni Jan nang sagutin ang tawag nito. "Are you busy tonight?" tanong ni Miguel. "Uhm, pupunta po akong mall siguro mamaya." sagot naman ni Jan. "Bakit po?" dagdag pa niya. "Nangako ka sa akin hindi ba na maglalaro ka ng 'Dark Soul' sa condo ko this weekend? I'm thinking if we could schedule that tonight instead." sabi ni Miguel. "Kayo pong bahala." sagot ni Jan. "So I will see you then after office. Sabay na tayong umuwi para isabay na kita sa sasakyan ko." sabi naman ni Miguel. "Ok po Sir!" sagot ni Jan. Binaba ni Miguel ang telepono at mabilis na nagtungo malapit sa pintuan upang silipin ulit ang dalawa sa labas. "Sir Leonard, hindi na po ako matutuloy magpunta ng mall mamaya." wika ni Jan dito. "Bakit?" tanong naman nito kay Jan. "Nakapangako kasi akong sasamahan si Sir Miguel mamaya. Kahit hindi ninyo na po akong hintayin mamaya pag-uwi." sabi naman ni Jan. "So, may date pala kayo ni Miguel tonight!" natatawang biro naman ni Leonard. "Ssshhh! Huwag nga kayong maingay. Madinig kayo ni Sir Miguel, nakakahiya! Baka sabihin niyang nag-iilusyon ako para isiping date yun, noh!" sagot ni Jan. "Biro lang!" sagot ni Leonard. "Sige na, babalik na ako sa office ko para maghanda umuwi." dagdag pa ni Leonard. "Ok po! Ingat sa pag-uwi!" wika naman ni Jan. "Salamat! Ingat din!" sagot ni Leonard. Napangiti si Miguel nang malamang successful ang plano niyang gambalain ang pag-alis nina Leonard at Jan.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...