Maagang pumasok si Jan dahil nakatakda itong tapusin lahat ng kanyang report sa araw na iyon. Napadaan naman si Luis sa lugar ni Jan at napansin niyang wala ito sa mood. “Ang aga aga, nakasimangot ka na diyan agad.” bati nito. “Antok lang siguro ako.” sagot ni Jan. “Ano bang meron sa inyo ni Miguel De Dios?” usisa ni Luis dito. “Anong ibig mong sabihin?” tanong naman nito tungkol dito. “Kagabi kasi, nag-usap lang kayong dalawa, pagbalik mo, nagmadali ka nang umuwi.” sagot ni Luis. “May bigla lang kasi akong dapat gawin kaya kailangan ko rin agad umuwi kagabi.” pagsisinungaling nito. Ayaw ni Jan na malaman ni Luis na may namamagitan sa kanila ni Miguel dahil hangga’t maari ay iniingatan nito ang imahe ni Miguel. Lalong nalungkot si Jan nang maisip na kailangan nilang ilihim ni Miguel ang kanilang relasyon dahil lamang sa imahe ng binata. Ngunit kahit paano ay naiintindihan niya ito dahil nga sa mapanghusgang mundo, hindi katanggap-tanggap ang kanilang relasyon. Minsan naiisip nito kung bakit ang baklang tulad niya ay nakakaramdam ng pag-ibig kung hindi naman pala ito katanggap-tanggap sa lipunang kanyang kinabibilangan. Siya ay lubhang masaya nang sa wakas ay kapiling niya ang lalakeng kanyang matagal nang pinapangarap. Ngunit kahit paano ay may kulang dahil limitado lamang ang lahat sa kanila ni Miguel. “Bakit ba hindi ko magawang maging maligaya nang lubusan?” sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. “Earth to Jan? Earth to Jan?” biro ni Luis nang makitang tulala ito at malalim ang iniisip. Natauhan bigla si Jan. “Pumunta ka na nga sa department ninyo!” ang sabi na lamang ni Jan dito. “Ito naman, highblood agad.” sagot ni Luis at natatawa. “Hindi naman ito mabiro.” dagdag pa nito. “Sige na, baka hinahanap ka na sa inyo.” sagot ni Jan. “Oo nga pala. Nalaro mo na ba yung mga pinahiram kong laro sa’yo?” tanong ni Luis. “Hindi pa eh. Pero this weekend, lalaruin ko talaga lahat yun dahil wala naman akong pagkakaabalahan.” sagot nito sa kanya. Naisip nitong magbabad na lang sa kanyang silid at maglaro ng PS2 dahil wala naman silang plano ni Miguel na umalis sa darating na weekend dahil simula kagabi, hindi pa sila nakakapag-usap. At wala siyang balak kausapin ito dahil masamang-masama talaga ang loob nito sa mga sinabi noong gabing iyon sa bar. “Dahil hindi mo naman kayang ibigay sa akin iyon.” ang natatandaang niyang sabi ni Miguel. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso sa mga sinabi ni Miguel dahil harap-harapang niyang sinabi ang mga bagay na hindi niya kayang ibigay at isang tunay na babae lamang ang makakapagbigay niyon. “Ok ka lang ba?” tanong ulit ni Luis nang makitang tulala na naman si Jan. Natauhan na naman si Jan nang tanungin siya ni Luis. “Bumalik ka na nga doon!” pagtataboy nito. “Sige na. Pero mamaya kapag wala ka kasabay mag-lunch, sumabay ka na sa amin nina Jim.” paanyaya ni Luis. “Sige, salamat!” sagot ni Jan.
Inaantok pa nang pumasok si Miguel sa kanyang opisina nang makasalubong siya ni Leonard. “Miguel, would it be ok if we move the meeting later after lunch?” tanong nito sa kanya. “Sure, no problem.” sagot ni Miguel. “Bakit parang puyat na puyat ka?” tanong ni Leonard nang mapansing antok na antok pa ito. “Something happened between me and Jan last night.” sagot ni Miguel. “What happened?” gulat na tanong ni Leonard. “Speaking of Jan. Can you we talk inside my office about him?” paanyaya ni Miguel. “Dahil alam kong malapit ka rin niyang kaibigan.” dagdag pa nito. “Sure.” sagot ni Leonard at pagkatapos ay pumasok sila sa loob ng opisina nito. “Can you tell me now what happened?” tanong ulit ni Leonard. “Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan nang magkita kami sa bar kagabi.” sagot nito. “Akala ko magkasama kayo kagabi? Nasabi sa akin na aalis kayong dalawa kahapon. Hindi ba kayo natuloy?” tanong pa ulit ni Leonard. “Nagyaya kasi si Joshua uminom kaya hindi natuloy ang alis namin ni Jan. Ngunit sa hindi maiiwasan pagkakataon ay nakita niya akong may yumayakap sa aking babae kagabi at nakita ko siyang may kasamang ibang lalake.” mahabang sagot nito. “May kasama siyang ibang lalake?” gulat na tanong nito hindi alintana ang sinabing kasamang babae ni Miguel marahil hindi sanay si Leonard na malaman na may kasamang ibang lalake si Jan. “Sabi ni Jan eh kasamahan niya sa trabaho yun.” wika ni Miguel. “Ah. Marahil si Luis ang kasama niyang iyon.” ang sabi naman ni Leonard. “Kilala mo siya?” gulat na tanong naman ni Miguel. “Yup. Nagkakilala na kami noong sinundo ko siya sa opisina nila noong isang araw.” sagot ni Leonard. “Sinundo mo siya?” tanong pa ulit ni Miguel. “Huwag mong sabihin na pati sa akin ay nagseselos ka pa rin, Miguel?” ang nasabi ni Leonard nang makaramdam ito ng selos sa tono ng pananalita ni Miguel. Natahimik lamang si Miguel sa sinabi nitio sa kanya. “Nasabi ko na kay Jan na maaring maging dahilan ninyo ng hindi pagkakaunawaan yang si Luis.” wika pa ni Leonard. “Pero nakakasiguro ako sa’yo Miguel na magkaibigan lamang talaga ang dalawa. Maaring natuwa lamang yung Luis na iyon kay Jan dahil isa ring gamer si Jan. Siguro naman naiintindihan mo ang mga gamer na kapag nag-usap na tungkol sa mga laro ay parang wala nang bukas.” dagdag pa nito. “Pero ang problema ko ngayon ay nakapagsalita ako ng hindi maganda kay Jan kagabi.” malungkot na sabi ni Miguel. Napatangin lamang si Leonard na para bang nagtatanong ito. “Nasumbatan ko siya sa mga bagay na hindi niya kayang maibigay sa akin.” sabi pa ni Miguel. Naintindihan naman agad ni Leonard ang ibig sabihin nito. “So it means na nakukulangan ka pa pala kay Jan?’ wika ni Leonard. “Hindi naman. Nasabi ko lang siguro yun sa inis. Nabigla rin ako sa nasabi ko.” sagot ni Miguel. “Pero hindi mo masasabi yun kung kahit paano ay hindi iyon totoo.” sabi ni Leonard. “Nakapag-usap na ba kayo ulit pagkatapos ng nangyari kagabi?’ tanong pa nito. “Hindi pa.” sagot ni Miguel. “Hindi mo sinubukang kausapin?” tanong pa ulit ni Leonard. “Tinawagan ko siya kagabi pero nakasarado na ang cellphone nito. Hindi ko na ulit sinubukang tawagan ngayon dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.” sagot ni Miguel. “Mas mabuting palipasin ninyo muna ang galit ninyo at kung ok na kayo, mag-usap kayo.” payo ni Leonard. “Mabuti nga siguro palamigin ko muna ang ulo niya at kapag ok na siya, kakausapin ko siya ng masinsinan tungkol dito.” sagot ni Miguel. “Sige. Mauna na rin ako Miguel dahil marami akong kailangan tapusin itong araw na ito.” ang sabi ni Leonard. “Sige. Magkita na lang tayo ulit sa meeting mamaya.” sagot ni Miguel.
BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...