Chapter 8

14.2K 395 5
                                        

Dumating ang araw ng Biyernes. Naging abala si Jan sa araw na ito. Maaga ito gumising upang lutuin ang mga handa nito para sa kanyang lola. Pagkatapos magluto ay nag-ayos na ito para pumasok sa opisina. Mapungay ang mga mata nito nang dumating si Jan sa opisina. Dumaan sina Charm at Joy sa desk ni Jan. "Tuloy tayo mamaya ah?" kumpirmasyon ni Charm kay Jan. "Oo, after office eh sabay-sabay na tayong pumunta ng bahay." tugon ni Jan. "Sabi ni Sir Leonard, sabay na daw tayo sa sasakyan niya." dagdag pa nito. "Mukhang close kayo ni Sir Leonard, ah?" pag-uusisa naman ni Joy. "Eh sa gustong makipagkaibigan ng tao eh, tatanggi ba ako?' sagot naman ni Jan. "Ano? Ka-ibigan?" biro ni Charm. "Mga malisyosa!" natatawang sagot ni Jan. "Suplado kaya yang si Sir Leonard. Kaya nakakagulat na naging close mo yan!" sabi naman ni Joy. "Hindi ko alam kung anong iniisip ninyo pero buo ang tiwala kong masaya lang siyang maging kaibigan ako. Siguro natutuwa sa akin." sabi ni Jan. "Weh?!" pang-aasar ng dalawang babae. "Diyos ko! Kasalanan bang makipagkaibigan ang lalake sa akin?!" sabi naman ni Jan. "Hindi naman. Natutuwa lang kami sa charisma mo dahil naging close mo nga si Sir Leonard!" sabi naman ni Charm. "Wala pa naman girlfriend yang si Sir Leonard. Malay mo, baka may gusto sa'yo yan. Gwapo rin naman si Sir Leonard, pwedeng lumaban sa kagwapuhan ni Sir Miguel na iyong tinatangi!" dagdag pa ni Joy. "Ayan na naman tayo! Unang-una, sigurado talaga akong pakikipag-kaibigan lang talaga ang intensyon ni Sir Leonard sa akin. Pangalawa, huwag nga kayong maingay tungkol kay Sir Miguel, baka madinig kayo noon." sabi ni Jan. "Eh ano naman kung madinig ni Sir Miguel na.." sabi ni Joy ngunit napahinto ito nang makitang dumating na si Miguel. "Madinig na?" tanong ni Miguel kay Joy. Nabigla at namutla si Joy nang makita niya si Miguel. Sinubukang mag-isip ng palusot si Joy ngunit nauutal ito sa pagsasalita. "Madinig mo na excited na akong ipatikim sa'yo ang luto ko po mamaya sa birthday!" biglang sabat ni Jan. "Oo, hindi ko nalilimutan na pupunta tayo sa inyo mamaya." sagot naman ni Miguel. "Ay opo! Sir Miguel, pinag-uusapan kasi namin kung anu-ano yung mga niluto niya kanina." dagdag na palusot ni Joy. "Eh nahiya po si Jan na baka malaman ninyong excited siyang ipatikim sa inyo ang luto niya." dagdag naman ni Charm. "Natikman ko na naman yung luto niyang adobo nang magpunta siya sa condo unit ko noong isang araw," sabi naman ni Miguel. Nandilat ang mga mata ng dalawang babae sa sinabi ni Miguel. Hindi mga ito makapaniwala na maaring nagsasabi nga ng totoo si Jan tungkol sa pagtulog niya sa condo unit ng boss nila. "Kung gusto ninyo, sabay-sabay na tayong pumunta kina Jan." dagdag pa ni Miguel. "Sir Miguel, naka-oo na po kami kay Sir Leonard na sa kanya kami sasabay." singit ni Jan. "Ay! Kay Sir Leonard na lang po siguro kami sasabay, Sir Miguel." dagdag pa ni Charm. "Nakakahiya naman po kasi na sumabay sa inyo. Kayo lang naman po ang may pinakamataas na posisyon dito sa kumpanya. Tapos sasabay kami sa inyo." hirit pa ni Joy. "Wala naman problema sa akin yun." tugon naman ni Miguel. "Kung gusto ninyo po, Sir Miguel, sabay na lang rin po kayo sa amin sa sasakyan ni Sir Leonard." suhestiyon naman ni Jan. "Abala naman kung babalik pa ako dito sa opisina para balikan ang sasakyan ko pauwi." sabi naman ni Miguel. "Sabagay!" wika ni Jan. "Basta pag-usapan na lang natin yan mamaya." sabi ni Miguel at pagkatapos ay pumasok na ito ng kanyang opisina. "Oh siya! Babalik na rin muna kami sa area namin." sabi ni Joy. "Basta may utang kang kwento tungkol sa adobo na niluto mo para kay Sir Miguel." hirit naman ni Charm. "Tse! Tigilan ninyo ako at magsibalik na kayo sa inyong mga lungga!" natatawang sabi ni Jan. Kumindat na lamang ang dalawang babae kay Jan bilang pang-aasar nila dito.

Matapos ang ilang oras, dumating naman si Leonard sa area ni Jan. "Mamaya, sabay-sabay na tayong pumunta sa inyo." sabi ni Leonard kay Jan. "Sir Leonard, nag-offer pala si Sir Miguel na isabay tayo sa sasakyan niya." sagot ni Jan. "Eh anong sabi mo sa kanya?" tanong nito. "Sinabi ko po na nag-offer ka na isakay kami nung mga girls sa sasakyan mo." sagot ni Jan. Biglang ngumiti si Leonard na parang may naisip na ideya. "Kung gusto mo, isabay ko yung dalawang babae tapos sumabay ka kay Miguel." natatawang sabi ni Leonard. "Sir Leonard, pati ba naman kayo nakikisakay sa mga ganyan!" nahihiyang tugon ni Jan. "Panget naman kung tatanggihan mo yung paanyaya ng boss mo, hindi ba?" sabi naman ni Leonard. "Nag-suggest na ako na kung pwede na sumabay na lang rin siya sa sasakyan ninyo." wika ni Jan. "Pero hassle naman sa kanya na bumalik pa dito sa opisina para lang balikan ulit ang sasakyan niya pauwi." tugon ni Leonard. "Yan rin ang sinabi niya nang sabihin ko yan sa kanya." sabi ni Jan. "Kaya nga ang pinakamagandang gawin eh yung suggestion ko nga. Sasabay ko yung dalawang babae tapos sasabay ka sa boss mo!" sabi naman ni Leonard sabay kindat dito. "Sir Leonard naman eh!" nahihiyang sagot ni Jan sabay tawa. Natawa na rin sa Leonard sa pang-aasar kay Jan.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon