"Marami pong salamat Sir Leonard at hindi ninyo lagi pinapabayaan si Jan." sabi ni Tita Glory sa kanya nang puntahan sila nito upang balitaan ang lagay ng pamangkin niya. "Hindi lang po ako. Nandoon ngayon si Miguel at siya ang nagbabantay kay Jan." sagot naman niya dito. "Malaki talaga ang pasalamat ko sa Diyos at nakilala ni Jan ang mga mabubuting tao na tulad ninyo ni Sir Miguel." sabi sa kanya ni Glory. "Mabuting tao rin po kasi si Jan." sagot ni Leonard. "Puntahan ninyo na lamang siya sa ospital. May sariling silid na siya doon." dagdag pa ni Leonard at iniabot ang room number kung nasaan si Jan. "Hindi po ba mahal kapag private?" nag-aalalang tanong ni Tita Glory. "Baka wala po kaming pambayad sa hospital bills niya." dagdag pa nito. "Huwag po kayong mag-alala. Sasagutin lahat ng nakabangga kay Jan. At nandito naman po kami ni Miguel upang tumulong kay Jan." sagot ni Leonard. "Maraming salamat!" sabi ni Glory at napayakap kay Leonard sa tuwa. "Sige po. Uuwi na po muna ako. Babalitaan ko rin ang mama ko sa nangyari kay Jan dahil nag-aalala rin sila." ang sabi ni Leonard at nagpaalam na umalis. "Marami po ulit salamat, Sir Leonard!" ang nabanggit ni Glory habang minamasdan ang pag-alis nito.
Maagang pumasok si Paloma dahil tinawagan siya ni Miguel na hindi muna makakapasok dahil siya ang nagbabantay kay Jan sa ospital. Ilang saglit ay kumatok sa kanyang opisina si Liza, ang inutusan niyang alamin ang proseso ng paglipat ni Lumina mula sa main office sa PNYG. "Ma'm, ito na po yung mga detalyeng hinihingi ninyo." sabi sa kanya ni Liza nang pumasok ito sa kanyang opisina. Kinuha ni Paloma ang envelope laman ang mga impormasyong kailangan nito mula kay Liza. "May kailangan pa po sila?" tanong pa sa kanya ni Liza. "Wala na. Salamat!" sagot niya dito at pagkatapos ay lumabas na ang dalaga sa kanyang opisina. Binuksan nito ang nasabing envelope at binasa ang mga nakasulat sa mga dokumento. Nang mabasa niya ang dokumento ay kinuha nito ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan si Trish, ang dating sekretarya ni Miguel na pumalit kay Jan. "Ms. Paloma?" tanong ni Trish nang sagutin nito ang tawag nito. "I'm sorry to call you early this morning. Gusto ko lang sana makausap ka tungkol sa isang bagay." sabi niya dito. "Sure. Wala pong problema." sagot sa kanya ni Trish. "Can I meet you during lunch time today?" tanong pa niya dito. "Sure. Let's meet at the cafeteria in PNYG building, malapit lang naman ang pinagtatrabahuhan ko diyan sa office building ninyo." sagot ulit sa kanya. "Thanks! See you later then." wika na lamang ni Paloma sa dalaga.
Nang magkita sina Paloma at Trish ay nag-usap agad sila. "I won't take too much of your time." sabi ni Paloma kay Trish. "What do you want to talk about?" tanong sa kanya ng dalaga. "You indicated on your resignation letter that the reason of your resignation is due to personal matter." wika niya dito. Nakatingin lamang si Trish sa kanya. "But I discovered that prior your resignation, Mr. Hector De Dios' secretary set an appointment to meet you." dagdag pa nito. Bumilog ang mga mata ni Trish sa sinabi ni Paloma. "Pwede ko bang malaman ang agenda ng pagkikita ninyo?" tanong pa nito. Napaismid lamang si Trish at hindi alam kung sasagutin ang tanong ng matandang dalaga. Nahalata naman ni Paloma na nag-aalinlangan si Trish na magkwento sa kanya. "Don't worry, Trish. Walang makakaalam ng pag-uusap nating ito. Gusto ko lang makumpirma sa'yo ang lahat ng nalaman ko." panigurado pa ni Paloma. Dahil alam naman niyang mapagkakatiwalaan naman niya si Paloma, nagsabi na rin si Trish dito. "May pinagagawa po sa akin ang papa ni Sir Miguel." wika ni Trish. Patuloy na nakinig si Paloma. "Tumanggi po ako dahil hindi ko po kaya ang pinagagawa niya kaya sinabihan na lamang ako ng sekretarya niya na mag-resign na lamang ako. Binigyan nila ako ng compensation kapalit ng aking resignation." dagdag pa nito. "Maari ko bang malaman ang pinagagawa sa'yo na tinanggihan mo?" tanong pa ni Paloma. Napaisip si Trish kung sasabihin niya ito kay Paloma. "Like what I've said to you earlier, walang makakaalam ng pag-uusap nating ito." sabi pa ni Paloma. "Kailangan ko daw akitin si Sir Miguel para mailayo ko siya sa dati niyang sekretarya na si Jan." pagtatapat ni Trish. "I understand." sagot ni Paloma. "Hindi ko na po kayang gawin ang mga ganong bagay." patuloy ni Trish. "Sana po hindi po ako mapahamak sa pagtatapat kong ito." pakiusap pa ni Trish kay Paloma. "Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa'yo." panigurado ni Paloma sa dalaga. "Bakit ninyo po gusto malaman ang mga bagay na ito?" tanong naman sa kanya ni Trish. "To be honest with you, my loyalty is still with Miguel since nakita kong lumaki ang batang yun. Kaya susuportahan ko siya kung saan siya magiging ok." sagot naman niya dito. "Well I guess we're settled then. Salamat sa kumpirmasyon mo." sabi pa ni Paloma. "Salamat po!" sagot ni Trish. "Don't worry. You'll be fine." ang wika pa ni Paloma kay Trish.
Tinatapos ni Paloma ang report na naiwan ni Miguel sa kanyang opisina. Kumatok bigla si Lumina sa kanyang opisina. "Pinatatawag ninyo daw po ako?" tanong sa kanya ng dalaga. "Yes, please come in." sagot niya dito. "Maupo ka." paanyaya pa ni Paloma. Umupo naman si Lumina sa tapat ni Paloma. "I'll be discussing with you your employment status as instructed by Miguel." pasimula ni Paloma. Nakatingin lamang sa kanya si Lumina. "But before that, let me tell you first what I discovered about you." dagdag pa nito. Halata sa mukha ni Lumina ang pagkailang. "You were endorsed by the main office as replacement to Trish, Miguel's previous secretary." pagsisimula ni Paloma. "At first, nagulat ako, dahil usually nagpopost kami ng job opening sa labas to fill those position. Ito ang unang pagkakataon na inilipat lang ang isang empleyado mula sa isang kumpanya ng mga De Dios patungo sa isa." patuloy nito. "I had my doubts about this pero dahil instruction naman ito galing main office, hinayaan ko na lamang ito." ani ni Paloma. Nakatingin lamang si Lumina sa matandang dalaga. "Pero inutusan ako ni Miguel na alamin ang proseso ng paglipat mo mula sa main office papunta dito. Do you know what I discovered?" tanong ni Paloma kay Lumina. Kumunot lamang ang noo ni Lumina ngunit nangangamba itong maaring may nalaman na si Paloma sa sikreto nito. "What do you mean?" tanong pa nito, kunwaring walang alam. "For the first time, you were endorsed directly by Mr. Hector De Dios, Miguel's father." sagot ni Paloma. "Ok, but what's the big deal about it?" ani naman ni Lumina. "Wala namang problema kung wala kang ibang motibo sa paglipat mo dito." sagot ni Paloma. "Ano pong gusto ninyong palabasin?" mataray na tanong na ni Lumina. "Hindi mo na kailangan itanggi pa sa akin, Lumina." sagot ni Paloma. "Sinabi na sa akin ni Miguel kung anong nangyari sa inyo sa kanyang condo." dagdag pa nito. Nag-blush bigla si Lumina sa sinabi ni Paloma. "At alam mo ba kung anong nangyari sa ginawa mo? Naaksidente lang naman si Jan sa nakita niya sa inyo ni Miguel." sabi pa ni Paloma. Nagulat si Lumina sa nalaman. "Nabangga siya ng isang sasakyan at nasa ospital siya ngayon at walang malay." dagdag pa ni Paloma. Natigilan si Lumina at inisip ang mga nangyari. "Kaya kung ako sa'yo, sasabihin ko na ang totoo. Siguro, alam mo naman kung gaano ka-importante ni Jan kay Miguel. Dahil sa nangyari, malalaman din ni Miguel ang totoo kaya hanggan't maaga, sabihin mo na ang totoo dahil trust me, hindi mo gugustuhing magalit si Miguel." patuloy ni Paloma. Napayuko lamang si Lumina at iniisip ang gagawin. "Hindi ko naman po ginusto ang nangyari." pagsisimula ni Lumina. "Go ahead!" sagot ni Paloma at patuloy na nakinig kay Lumina. "Nilapitan ako ng sekretarya ni Mr. De Dios at binigyan ako ng pagkakataong kumita ng mas malaki kapalit ng pagiging sekretarya ko ni Sir Miguel." patuloy na sabi ni Lumina at napakapit sa kanyang damit. "Ngunit kailangan kong maakit si Sir Miguel para mailayo si kay Jan." pagtatapat pa ni Lumina. "Pumayag kang gawin yun kahit na may asawa ka?" tanong ni Paloma. Nakita ni Paloma sa employee profile ni Lumina na may asawa ito na naiwan sa probinsya. "Ginawa ko lang naman iyon para sa pamilya ko." sagot ni Lumina. "Makakatulong yung perang makukuha ko sa mga gagawin ko kay Sir Miguel. Ang kailangan ko lang naman gawin ay akitin at ilayo si Sir Miguel kay Jan." dagdag pa nito. "Naisip ko na madali lamang gawin yun dahil nga.. uhm" sabi pa ni Lumina at alinlangan na sundan ang pangungusap. "uhm.. dahil bakla nga si Jan. Madali kong maakit si Sir Miguel dahil isa akong tunay na babae." patuloy nito. "Ngunit halos buhay na ni Jan ang naging kapalit sa ginawa mong ito." sabi ni Paloma. "Hindi ko naman intensyon na mapahamak si Jan. Ang plano ko lamang ay ang paghiwalayin sila." sagot ni Lumina. "Ano pong plano ninyo sa akin?" tanong naman ni Lumina. "It's not for me to decide. Si Miguel ang magdedesisyon nito dahil siya ang may-ari ng kumpanyang ito." sagot ni Paloma. "Sana maintindihan ninyo na ginawa ko lamang ito para sa pamilya ko." wika ni Lumina. "Ngunit dahil sa pagtatapat kong ito, wala na akong babalikan na trabaho sa main office." dagdag pa nito. "Don't worry, sasabihin ko kay Miguel ang pagtatapat mong ito." sagot naman ni Paloma.
BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...