Chapter 28

10.6K 313 13
                                    

Si Jan ay nagtungo sa isang fastfood chain at bumili ng sundae. Mahilig si Jan kumain ng sundae lalo na kapag siya ay malungkot o kaya ay depressed. Nang makabili na siya ay nagdesisyon na itong umuwi. Ngunit habang naglalakad siya pauwi ay may nakita siyang sasakyan na nakaparada sa harap ng kanilang bahay. "Pamilyar ang sasakyan na yan ah?" sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Nang makita nito ang plate number ay nagulat ito. "Plate number ni Sir Miguel yan ah?!" sabi pa ni Jan. Sinubukan nitong inaninag kung may tao sa loob ng sasakyan. Nakita nito na may tao na nakaupo sa driver's seat. "Si Sir Miguel ba yun or si Mateo?" tanong pa ni Jan. Lumapit ito sa sasakyan. Paglapit niya biglang bumukas ang bintana at nakita si Miguel ang nakaupo sa driver's seat. "Sumakay ka." utos ni Miguel. "At bakit naman ako sasakay?" mataray na sagot ni Jan. "Basta sumakay ka na!" sabi pa ni Miguel. "Ayaw ko nga at baka saktan ninyo ulit ako!" sabi pa ni Jan. Natigilan bigla si Miguel sa sinabi ni Jan. "Please, Jan?" biglang nagmamakaawa na ang tono ni Miguel. Napatingin naman bigla si Jan kay Miguel. Tumingin si Jan sa mga mata ni Miguel, nakaramdam naman ito ng pagkabagabag. "Sige na nga po." sagot na lamang ni Jan at sumakay sa sasakyan ni Miguel. "Bakit po ba kayo nandito?" tanong ni Jan. Tahimik si Miguel at halatang kumukuha ng bwelo. "I already found out the truth." sabi ni Miguel. "Eh bakit pa kayo nandito, alam ninyo na pala ang totoo?" tanong naman ni Jan. "Ang taray mo naman!" sabi naman ni Miguel. "Kung pagagalitan ninyo lang ulit ako, bababa na ako!" sabi naman ni Jan at kumilos para bumaba ng sasakyan. Bilang pinigilan at hinawakan ni Miguel ang mga braso ni Jan. "Gusto kong mag-sorry sa'yo." sabi ni Miguel. Napatingin naman si Jan kay Miguel. "I'm sorry Jan. I know I made a mistake. Hindi dapat kita napagbuhatan ng kamay." dagdag pa ni Miguel. "At sana pinagkatiwalaan kita. Patawad at nagduda ako sa intensyon mo." patuloy pa ni Miguel. Tinignan lamang ni Jan si Miguel. Napatingin ito sa kanyang mga mata at nakitang namumugto ito na para bang gustong lumuha. Nabagabag lalo ang loob ni Jan. Hindi nito matiis na makita si Miguel sa ganong sitwasyon. "Sige na po. Tinatanggap ko na ang inyong apology." sagot ni Jan. "At sorry rin at lagi kitang nasasaktan, Jan." sabi pa ni Miguel. Napatingin na lamang ulit si Jan dito. "I know now how it feels since that's what I'm feeling right now." dagdag pa ni Miguel. "I'm a wreck." patuloy pa ni Miguel. Nagulat si Jan nang makitang tumulo na ang mga luha ni Miguel. Nasasaktan si Jan makita si Miguel na lumuluha. Napahawak si Jan sa mga kamay ni Miguel. "Let's do something about your depression." sabi naman ni Jan. Tumingin lamang si Miguel kay Jan at nagtataka. "Halika, sumunod kayo sa akin!" sabi pa ni Jan. Sumunod naman si Miguel kay Jan at sila'y pumasok sa bahay nito. Pagpasok nila ay nakita nito si Tita Glory niya. "Tita Glo, si Sir Miguel, nandito." wika ni Jan. "Good morning po, Sir Miguel." bati ng kanyang Tita Glory. "Good morning!" sagot ni Miguel. "Halika, sumunod kayo sa akin dito." sabi pa ni Jan at nagtungo ito sa kanyang silid. Ang kanyang Tita Glory ay nagtataka naman si ginagawa ni Jan. Sumunod naman si Miguel kay Jan sa silid nito. Pagpasok niya ay binuksan nito ang kanyang cabinet ay may hinahanap. "Pasensya na kayo sa kwarto ko, hindi siya katulad sa inyo na maganda at malaki." sabi pa ni Jan. "Maghubad kayo, Sir Miguel." sabi ni Jan. Nagulat naman si Miguel sa sinabi ni Jan. "Anong pinaplano mo?" gulat na tanong ni Miguel. Napaisip bigla si Jan sa sinabi nito. Namutla ito nang maisip ang kanyang sinabi. "Ay! Madumi ang inyong isip, Sir Miguel." sabi pa ni Jan. "Paghuhubarin ko kayo kasi pasusuot ko itong mga damit na ito." dagdag pa ni Jan at inilatag sa kanyang kama ang mga nakabalot na damit. "Bakit?" tanong pa ni Miguel. "Kasi pupunta tayo ng Tagaytay." sagot naman ni Jan. "Eh bakit kailangan ko pa magpalit ng damit kung magpupunta tayo ng Tagaytay?" tanong pa ulit ni Miguel. "We'll do something exciting!" sabi pa ni Jan. "Ano na naman yang iniisip mong exciting?" tanong pa ulit ni Miguel. "Itigil ninyo na nga pong mag-isip ng madudumi diyan! Wala akong balak gumawa ng masama sa'yo noh!" sabi naman ni Jan. "Gusto ko kasing magmukha kayong ordinaryo. Sa suot ninyo na yan, agaw atensyon at halatang mayaman kayo!" dagdag pa ni Jan. "Tapos?" tanong pa ulit ni Miguel. "Iiwan po natin yang wallet ninyo na puno ng credit card at cash. Sagot ko po ito." sabi pa ulit ni Jan. "Gusto ko lang ma-experience ninyo kung paano mag-enjoy ang isang ordinaryong tao na tulad ko." dagdag pa ni Jan. "I always wanted to travel alone when I'm depressed pero dahl wala naman akong budget noon, hindi ko nagagawa. But since may trabaho na ako, pwede ko na siyang gawin at isasama ko kayo kung gusto ninyo." paliwanag pa ni Jan. "So sasama po ba kayo?' tanong ni Jan. "Sige." sagot ni Miguel. "At saka iiwan rin muna natin yang sasakyan ninyo. Magcocommute tayo papuntang Tagaytay." sabi naman ni Jan. "What?"! gulat na sabi ni Miguel. "So ayaw ninyo na?" tanong pa ni Jan. "Hindi ah. Sasama ako!" sagot naman ni Miguel. "Good!" sabi pa ni Jan. "Magbihis na kayo. Mamili kayo ng damit diyan sa mga nilabas ko." wika pa ni Jan. "At don't worry, hindi ko pa nagagamit yang mga yan. Niregalo sa akin yang mga yan, ngunit dahil mga damit panglalake, hindi ko ginagamit." sabi pa ni Jan. "Ok." sagot na lamang ni Miguel. "Sige po. Lalabas na ako dahil baka ano pang isipin ninyo kung nandito ako habang nagbibihis kayo." sabi naman ni Jan. "Pwede mo naman akong panoorin habang nagbibihis ako eh." biro naman ni Miguel. "Yuck! Feeling ka po Sir Miguel!" sabi ni Jan at mabilis na tumakbo palabas ng silid. Natawa na lamang si Miguel at sinumulang magpalit ng damit.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon