Chapter 54

7.8K 238 0
                                    

"Pauwi ka na, Jan?" ang sabi ni Luis nang makita nito si Jan na naglalakad palabas ng office building. Napalingon naman si Jan upang tignan kung sino ang tumawag sa kanya. "Oo." sagot nito. "Parang may hinihintay ka yata?" tanong naman ulit ni Luis dito. "Si Mr. De Dios ba?" saad pa nito. Napakunot naman ang noo ni Jan sa sinabi ni Luis. "Bakit mo naman naisip na si Sir Miguel ang hinihintay ko?" tanong naman ni Jan. "Wala lang. Nararamdaman ko kasi na meron namamagitan sa inyong dalawa ni Miguel De Dios." sagot nito. "Unang-una, walang namamagitan sa amin ni Sir Miguel." pagtanggi ni Jan. "At saka pangalawa, kung ano man ang meron sa amin ni Sir Miguel eh sa amin na lang yun dahil magkaibigan naman kami." patuloy pa nito. "At pangatlo, hindi si Sir Miguel ang hinihintay ko kundi si Sir Leonard." saad ni Jan. "So yang Sir Leonard mo pala ang boyfriend mo?" tanong pa ulit ni Luis. "Ano bang pinagsasabi mo diyan, Luis?!" medyo naiinis nang sabi ni Jan. "Napakamalisyoso mo pala! Porket may kasama lang akong lalake, boyfriend ko na agad?!" dagdag pa nito. "At saka kung may boyfriend man ako, ano naman sa'yo yun?!" tanong pa ni Jan. "Eh kung sabihin ko sa'yong nagseselos ako, maniniwala ka ba?!" sagot ni Luis. Nabigla naman si Jan sa sinabi ng binata sa kanya. "Naku Luis! May sakit ka ba at kung anu-ano na ang sinasabi mo diyan!" ang nasabi ni Jan. "Ito naman, hindi mabiro!" wika ni Luis. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan at baka may makadinig sa'yo. Ano pa ang isipin nila!" ang sabi ni Jan. "Eh bakit ka ba nagpapaapekto sa sasabihin ng iba!" puna naman ni Luis. Sakto naman na parating na rin ang sasakyan ni Leonard malapit sa building kaya nagpaalam na rin si Jan. "Nandiyan na pala si Sir Leonard!" sambit ni Jan. "Matalik kong kaibigan si Sir Leonard kaya sana huwag mong bigyan ng ibang kulay ang kabaitan niya sa akin." dagdag pa nito. "Pasensya na sa malisyoso kong pag-iisip!" sagot ni Luis. "Magkaibigan rin naman tayo, 'di ba?" sabi pa ng binata. "Oo nga. Magkaibigan rin tayo!" sagot ni Jan. "Oo nga pala. Ok lang na ibalik ko yung mga cd kapag natapos ko na yung mga laro." wika pa ni Jan. "Sige lang. Take your time. Hindi ko na naman siya nagagamit kaya ok lang." sagot ni Luis. "Salamat! Sige mauna na ako!" wika ni Jan. "Ingat!" tugon ng binata. "Ingat din!" ani ni Jan.

Pagsakay ni Jan ay tinanong agad siya ni Leonard. "Magkausap na naman kayo ng lalakeng pinagseselosan ni Miguel?" ani ni Leonard. "Pinaalam ko lang kasi yung mga balang hiniram ko sa kanya." sagot ni Jan. "Eh bakit parang nag-bublush ka diyan?" usisa ng binata. "Hindi kaya!" pagtanggi ni Jan. Para makaiwas na sa topic ay tinanong agad ni Jan si Leonard tungkol sa pinapasuyo nito kung bakit sila magkikita nang gabing yun. "Talaga bang hindi ka busy ngayon?" tanong nito. "Oo nga. Susunduin ba kita ngayon kung busy ako." sagot ng binata. "Pasensya ka na pero kasi ikaw lang talaga ang kilala kong may knowledge sa Computer Science. Nagbigay ng training ang opisina tungkol dito pero kahit anong intindi ko eh sumasakit talaga ang ulo ko eh kailangan na namin matapos yung binigay nilang task next week." ang sabi ni Jan. "Huwag kang mag-alala, tuturuan kita mamaya. Nasa bahay rin naman yung mga libro ko doon. Maaring makatulong rin sa atin yun." wika ni Leonard. "At saka sakto rin na gusto ka makita ng Mama kaya matutuwa yun kapag nakita ka niya mamaya." dagdag pa nito. "Masaya rin ako at makikita ko rin si Tita Anita. Matagal na rin nang huli ko siyang makita." wika ni Jan. "Nang malaman niyang pupunta ka ngayon, nagpaluto talaga siya sa bahay!" ang sabi naman ni Leonard. "Nakakahiya naman! Inabala na nga kita, naabala ko pa sila doon sa bahay!" wika ni Jan. "Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Sabi nga ng Mama, lagi kang welcome sa bahay kaya ganon na lamang sila kapag nagpupunta ka doon." ang sabi ni Leonard. "Oo, naiintindihan ko. Pero nakakahiya pa rin!" wika ni Jan. "Kapag hindi ka tumigil diyan, hahalikan kita!" bigla sabi ni Leonard. Kahit na madalas siyang biruin ni Leonard ay nabibigla pa rin si Jan dito. "Yan na naman yang mga biro mo!" sagot ni Jan. "Sino ba ang nagsabing nagbibiro ako?" wika ni Leonard. "Naku! Mag-focus na nga lang kayo sa pagmamaneho ninyo!" ang nasabi na lamang ni Jan at halatang umiiwas sa usapan. Napangiti na lamang si Leonard dito.

Pagdating nila ay sinalubong agad sila ng Mama ni Leonard na si Anita. "Welcome, hijo!" bungad nito sa kanila. "Pinaghanda ko kayo ni Leonard dahil nasabi niya sa akin na darating ka daw ngayon." dagdag pa nito. "Maraming po salamat!" sagot ni Jan. "Sabay-sabay na tayong tatlong kumain. Nauna nang kumain ang Tito George mo dahil masama ang pakiramdam niya kanina kaya pinagpahinga ko na agad." ang wika ni Anita at pagkatapos ay niyaya na silang magpunta sa dining area upang kumain. At habang kumakain ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang tatlo. "Dito ka na muna tumuloy Jan dahil mukhang gagabihin kayo ni Leonard sa gagawin ninyo." paanyaya ni Anita. "Salamat po, Tita! Pero wala po kasi akong dalang gamit para magpalipas ng gabi dito." sagot ni Jan. "May mga gamit naman kami dito kaya huwag ka nang mag-alala!" wika ni Anita. Nahihiyang tumanggi kaya sumang-ayon na rin si Jan sa kagustuhan nito. "So dito ka na matutulog mamaya." wika ni Leonard kay Jan. Tumango lamang si Jan bilang pagsang-ayon dito. "Sana next time, girlfriend na ni Leonard ang dalhin niya dito." sambit ni Anita. "Ma!" puna ni Leonard dito. "Alam mo ba, Jan, ang huling pagkakataon na nagpakilala ng girlfriend yan si Leonard ay noong bago pa pumanaw si Laurence!" pangbubuking ni Anita. "Hindi mo nakwento sa akin yang bagay na yan!" pang-aasar naman ni Jan. "Kilala ko ba ito?" tanong pa ni Jan. "Nope. Just a random girl I've met." sagot ni Leonard. "Sana nga, sa susunod na may mapakilala si Leonard ay yung babaeng pakakasalan na niya!" sabi naman ni Anita. "Oo nga, Sir Leonard!' sabat ni Jan. "Aba! Leonard, hindi na kami bumabata ng Papa mo! Gusto namin makasama ng mas matagal ang mga apo namin!" wika ni Anita. Tahimik lamang at hindi sumasagot si Leonard. "Isa nga rin po ako sa mga excited na magka-girlfriend itong si Sir Leonard!" ang sabi naman ni Jan. "Ewan ko ba diyan kay Leonard. Nagiging masyadong pihikan na sa mga babae." wika ni Anita. "Naunahan ka na ng kaibigan mong si Miguel. Anytime soon, magpapakasal na rin sila ng girlfriend niyang si Helena." patuloy pa ni Anita at hindi aware na wala na sina Miguel at Helena. Napatingin naman bigla si Leonard kay Jan ngunit sumenyas ang huli na ok lang sa kanya iyon. "Ma, wala na sina Miguel at Helena." sabi ni Leonard sa kanyang Mama. "Oh? What happened?" gulat na tanong ng huli. "I'ts a long story." sagot ni Leonard. "At mas mabuting huwag na lang natin sila pag-usapan." dagdag pa ni Leonard at pilit na iniiwas ang usapan upang hindi ma-offend si Jan. Ngumiti lamang si Jan kay Leonard dahil ramdam nito ang pag-aalala sa nasabing usapan. At pagkatapos nilang kumain ay nagyaya na si Leonard umakyat at nagpaalam sa kanyang Mama. "Ma, aakyat na kami ni Jan sa taas." paalam nito. "Sige. Puntahan ninyo na lamang kami ng iyong Papa sa aming kwarto kapag may kailangan kayo." sagot ni Anita. "Maraming pong salamat sa masarap na hapunan!" wika naman ni Jan. "Walang anuman, hijo!" sagot ni Anita. Pagkatapos ay nagtungo na nga sina Leonard at Jan sa silid ng binata.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon