"To be frank Mr. Navre, hindi ako sang-ayon sa ginawa ni Miguel. Pero I believe you heard kanina kung anong nangyari at kailangan niyang matuto ng kanyang leksyon. Sorry kung nadamay ka pa sa nangyari. And I hope you will keep to yourself what you discovered about Miguel." bungad ni Paloma. "No, it's ok, it's my pleasure doing this for the company. Like what I've said, I will do anything, makapasok lang sa kumpanyang ito." sagot ni Jan. "I'm actually trying to fill one of the vacant position in Marketing team at yun sana ang ibibigay ko sa iyo pero iniisip ko na iba na lang ang kukunin ko para sa posisyon na iyon." sabi naman ni Paloma. "So what's the use of me being here kung iba na pala ang kukunin ninyo for that position?" gulat na tanong ni Jan. "Iniisip ko na ikaw na lang magpunan ng naiwan na posisyon ni Nicole. Kung magiging maganda ang outcome ng meeting ninyo with Sony, ikaw ang gagawin kong secretary ni Miguel." wika naman ni Paloma. "Are you serious? Parang hindi ko naman po kayang tanggapin yang posisyon na iyan?!" gulat na sabi ni Jan. "But you said to me earlier that you will do anything to be part of this company. So what if I told you na ito lang ang posisyon na maibibigay ko sa iyo? Kung hindi mo tatanggapin ang posisyon na ito, I'm sorry to say but hindi ka na magiging parte ng kumpanyang ito." mataray na sagot ni Paloma. "Medyo nabigla lang kasi ako sa mga nangyayari." nag-aalinlangan na sagot naman ni Jan. "Should i call Miguel na nag-back-out ka na?" tanong ni Paloma. Malalim na nag-isip si Jan. "Ito na ang chance mo makapasok ng kumpanya, pakakawalan mo pa ba? Eh ano naman kung secretary ka ni Miguel. Ayaw mo nun? Araw-araw mo nang makikita ang hinahangaan mo na si Miguel De Dios?" pag-iisip ni Jan. "No, I will be accepting this, Ms. Paloma. Kung magiging ok ang lahat at ibibigay ninyo ang posisyon na sinasabi ninyo, tatanggapin ko po ito." pulidong sagot ni Jan. "Very good! So ito na ang mga material na kakailanganin mo mamaya sa meeting. Basahin mo itong agenda. Ang gagawin mo lang ay gawin mo lang ang minutes ng meeting. Kapag ok ang lahat, tanggap ka na!" wika na Paloma kay Jan habang inaabot lahat ng mga kakailanganin niya para sa nasabi meeting. Matapos paghandaan ni Jan ang lahat, sinabihan ito ni Paloma na maghanda na para puntahan si Miguel sa kanyang opisina.
"Ok, Mr. Navre, I already advised Miguel that you're on your way now to his office, good luck!" sabi ni Paloma kay Jan. "Thank you, Ms Paloma!" nakangiting sagot nito sa matandang dalaga at nagtungo na sa opisina ni Miguel.
At nagtungo na nga si Jan sa opisina ni Miguel sa 14th floor. Nang makarating na ito sa harap na opisina, nanginginig na kumatok ito sa pintuan. "Mr. Navre? Please come in!" sabi ni Miguel sa loob ng opisina. Malalim na bumuntong-hininga si Jan at pumasok sa opisina ni Miguel. "Kaya ko ito!" bulong ni Jan sa kanyang sarili. Lalong nanginig ito nang makita lalo ang kakisigan ng binata. "My gosh! Makakapagtrabaho ba ako ng maayos nito kung ganito ka-gwapo ang nasa harap ko!" bulong ni Jan sa kanyang sarili. "I think Ms. Paloma already advised you what our meeting will be all about. I will be discussing with you now what are my plans for this meeting." bungad ni Miguel kay Jan habang pinaupo ito sa harap ng kanyang office desk. Titig na titig naman si Jan kay Miguel habang patuloy na sinasabi dito lahat ng mga gagawin nila sa meeting. "Ok, Mr. Navre. You may just take your lunch first. After, go directly here to my office para sabay na tayo pumunta ng conference room. I was informed that the representative will be coming here at 1 PM so be ready." wika ni Miguel. "Ok. Thank you Sir. Mag-lunch lang muna po ako." sagot naman ni Jan. "Go ahead!" tugon nito sa kanya. "Eh kayo po?" tanong naman niya dito. "I will be finalizing some things before the meeting kaya go ahead." sagot nito sa kanya. "Ok po. Kain na po muna ako." sagot ni Jan. Sumenyas na lamang si Miguel na nagsasabing kumain na siya kaya lumabas na siya para kumain.
Kumain si Jan sa malapit na fast foodchain. Habang kumakain ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya. "Gusto kong makapasok sa kumpanya pero hindi ko akalain na ilalagay nila ako sa posisyon na iyon." pag-iisip ni Jan. "Kaya galingan mo Jan! Makakapasok ka na sa kumpanyang pinapangarap mo, makakasama mo pa araw-araw ang hinahangaan mong si Miguel De Dios." patuloy na pag-iisip nito. Nakaramdam ito ng kaunting kilig nang maisip nito na kung siya ang magiging sekretarya ni Miguel, araw-araw na niya itong makikita. "Pero Jan! Nadinig mo naman ang mga kalokohan ni Miguel kanina, hindi ba? Kaya pwede ba, tigilan mo ang kilig-kilig na yan at pagbutihin mo na lang ang gagawin mo para makuha mo na yang trabaho na papasukin mo!" pumasok bigla ito sa kanyang isip. "Tama! I should remain focused on my goal. Iwaksi na muna yang mga kilig-kilig na yan!" sambit nito sa kanyang sarili at sinimulang ubusin ang kinakaing pagkain. Pagtingin nito sa kanyang relo ay nakita nitong malapit nang mag ala-una ng hapon kaya tinapos na nito ang pagkain ang madaling nagbalik sa opisina ni Miguel para paghandaan ang meeting.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...