Dumating ang araw ng kaarawan ni Miguel. Inimbitahan ni Leonard si Jan na sumabay na sa kanila sa pagpunta sa hotel kung saan idaraos ang pagtitipon. "Ano yang suot mo?" tanong ni Leonard nang makita ang suot nito Jan. "Black tie ang dress code ng party niya." dagdag pa ni Leonard. "Eh wala naman akong damit na akma sa dress code." sagot naman ni Jan. "Kung ganon, hindi na lang ako sasama." dagdag pa ni Jan. "At ano itong dala mong paper bag?" tanong pa ni Leonard. "Regalo ko kay Sir Miguel." sagot ni Jan. Nadinig ng mama ni Leonard ang kanilang usapan. "Hindi maari. Kailangan magpunta ka na since nandito ka na naman." wika naman ni Anita. "Why don't you bring him to Laurence's room and maybe use Laurence's tuxedo." sabi pa ni Anita. "Ay! Nakakahiya naman po." sabi naman ni Jan. "That's a good idea." sabi naman ni Leonard. "Hindi naman bagay sa akin mag-tuxedo eh!" sabi pa ni Jan. "Don't worry hijo. Kapag naayusan ka, babagay sa'yo yun." sagot naman ni Anita. Sinamahan na ni Leonard si Jan sa silid ni Laurence at kinuha ang nakatagong tuxedo nito sa kanyang closet. "Ito ang isuot mo." utos ni Leonard. Kinuha naman ni Jan ang nasabing damit at tumingin kay Leonard. "What?! Do you want me to go out?" tanong ni Leonard. "Syempre naman po, magbibihis ako!" sagot naman ni Jan. "Nahihiya ka pa sa akin eh nakita ko na yan!" wika naman ni Leonard. Biglang nag-blush si Jan. Natawa bigla si Leonard. "Sige na, tatalikod na lamang ako para hindi ko makita!" sabi naman ni Leonard. Pagtalikod ni Leonard ay mabilis na nagpalit ng damit si Jan. "Ok na ba?" tanong ni Jan nang masuot na ang tuxedo. "Ayan, ayusin lang natin ito." sabi naman ni Leonard. "Ayan! You're good to go!" sabi ni Leonard nang maayos nito ang tuxedo ni Jan. "Mukha akong lalake dito eh!" reklamo naman ni Jan. "Eh lalake ka naman talaga eh!" sagot naman ni Leonard. "Pero babae ang puso ko!" sabi ni Jan. "Sige na! Babae ka na! Let's downstair at hinihintay na tayo nina papa at mama!" wika ni Leonard. Bumaba na ang dalawa at sinalubong sila ni Anita. " I told you na babagay sa'yo yan!" sabi naman ni Anita. "I'm right. You and Laurence have the same size!" dagdag pa nito. "We better hurry or we might get late!" sabi naman ni Leonard at niyaya na silang umalis.
Pagdating nila ng hotel ay derecho silang nagtungo ng Pavillion Hall kung saan ginaganap ang pagtitipon para sa kaarawan ni Miguel. "My God! I don't belong here!" sabi ni Jan kay Leonard nang makita ang mga tao sa loob ng hotel. "Be confident!" sabi naman ni Leonard sa kanya. "Hindi ko kayang makipag-sosyalan sa mga tao dito." sabi naman ni Jan. "Hindi ka naman nagpunta dito para makipag-sosyalan sa kanila. Nagpunta ka dito dahil inimbitahan ka ni Miguel sa kaarawan niya." sagot naman ni Leonard. Naisip ni Jan na tama si Leonard. "Iisipin ko na lamang na para kay Sir Miguel ito!" wika ni Jan sa kanyang sarili. Pagdating nila ng entrance ay sinalubong sila ng attendant. "Good evening!" mainit na bati nito sa kanila. Binigay nila ang kanilang pangalan para tignan sa guest list. Pagpasok nila ay naghiwalay sila. Sa ibang table naka-assign ang mga magulang ni Leonard. "Sir Leonard, huwag mo akong iwan!" pakiusap ni Jan kay Leonard. "Sige, sa tabi mo lang ako." sagot naman ni Leonard. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Leonard. "Nandito lang ako sa tabi mo." ang mga katagang binitawan ni Leonard na nagpabilis ng nagpadaloy ng dugo ni Jan. "Ang sarap pakinggan." sabi ni Jan sa kanyang sarili. Ngunit lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita niya si Miguel. "I'm so happy that you came!" bati ni Miguel sa kanila ng makita sila nito. "Happy birthday po, Sir Miguel!" bati ni Jan. Ngumiti naman si Miguel. Iaabot na sana ni Jan ang bitbit nitong paper bag laman ang kanyang regalo nang biglang may lumapit kay Miguel. "Sir, please accept our humble gift to you!" sabi ng lalake kay Miguel at iniabot ang isang maliit na box. Pagbukas ni Miguel ay nakita nito ang laman. "Susi?" tanong ni Miguel. "Nakaparada na po sa may parking ang latest model ng Toyota Fortuner. Maari ninyo na pong palitan ang ginagamit ninyo po. Regalo po sa inyo yan ng inyong kapatid na si Sir Ark." sagot naman ng lalake. "Thank you." wika naman ni Miguel. Pagkatapos ay umalis na rin ang lalake. "Eh yung regalo mo sa akin?" sabi naman ni Miguel kay Jan. "Oh bigay mo na yung pinakita mo sa akin na regalo mo sa kanya." sabi naman ni Leonard. Itinago ni Jan sa kanyang likod ang bitbit nitong paper bag. "Ay! Naiwan ko eh." sagot ni Jan. "Naiwan mo?" tanong ni Miguel. "Oo, naiwan ko." sabi pa ni Jan. Napatingin naman si Leonard kay Jan. "At saka hindi mo na naman kakailanganin yun kasi nasa sa'yo na ang lahat. Imagine, may nagreregalo pa sa'yo ng kotse!" sabi pa ni Jan. Kukulitin pa sana siya ni Miguel nang biglang tinawag na siya. "Let us greet now our birthday celebrant, Miguel De Dios!" sabi ng host ng party. Pinapunta na siya sa gitna upang simulan na ang nasabing pagtitipon. Pumunta na isang table sina Leonard at Jan. Kasama nina Jan at Leonard sa table sina Joshua at Naomi. "Hi!" bati ni Naomi kay Jan. "Hello!" sagot ni Jan. "How are you related to Miguel?" tanong ni Naomi dito. "I'm his secretary." sagot ni Jan. "Oh? So you're the one Josh's telling me about." wika naman ni Naomi. "What do you mean?" tanong naman ni Jan. "Uhm, never mind!" sagot naman ni Naomi. "But it seems that you're a nice person." dagdag naman ni Naomi. "Thank you!" sagot ni Jan. "By the way, I'm Naomi, Joshua's girlfriend." pakilala ni Naomi. "Nice meeting you. I'm Jan." sagot naman niya. Nagkagaanan naman agad ang loob ng dalawa sa isa't isa kaya't nagpatuloy sila sa pag-uusap. "I hope that we can be friends, Jan!" sabi ni Naomi. "Sure!" sagot ni Jan. Ilang saglit naman ay dumating na sa pagtitipon si Helena. Nakita ito ni Naomi. "The bitch has come!" nasambit ni Naomi nang makita si Helena. "What do you mean?" tanong naman ni Jan. Lalo pa itong nainis nang makitang ine-eskortehan pa ito ni Miguel. "She's a faker!" sagot pa ni Naomi. "Huh?" kunot noong sabi ni Jan. "Niloloko niya lang si Miguel!" sabi pa ni Naomi at kinuwento ang nangyari sa restaurant. Hindi naman makapaniwala si Jan sa narinig. "So that's her plan." nasabi naman ni Leonard nang madinig ang kinuwento ni Naomi. Nadinig naman ni Joshua na nakwento ni Naomi kina Jan at Leonard ang nalaman nila. "Naomi, we already discussed this that we will not bring this up to anyone especially to Miguel." sabi ni Joshua. "Let me get the right timing to tell him about it soon." dagdag pa ni Joshua. "And I hope you guys won't tell him." sabi naman ni Joshua kina Jan at Leonard. "What are your plans about this, Leonard?" tanong naman ni Joshua kay Leonard. Dahil wala namang alam si Joshua sa nakaraan nila ni Helena, umiwas na lamang ito. "I won't tell him anything yet. It's much better if he discover it by himself." sagot na lamang ni Leonard. Napatingin naman si Jan kay Leonard dahil alam nito ang nakaraan nila ni Helena. "Gee! This is so complicated. How can I tell Miguel that his first love is just fooling her?!" sabi ni Joshua sa kanyang sarili. "Pero sa tingin ko, dapat malaman na agad ni Sir Miguel at katotohanan kesa naman patagalin niya pa ang panloloko sa kanya. Why prolong the agony, ika nga!" sabat naman ni Jan. "I think you're right!" sabi naman ni Naomi. Napakamot ulo na lamang si Joshua dahil hindi madali para sa kanya ang sabihin lahat kay Miguel.
Habang patuloy ang pagtitipon, nagpaalam si Jan na magpupunta lamang ito banyo. "Punta lang akong CR ah?" sabi ni Jan. "Sure!" sagot naman ni Leonard. Ngumiti lang naman din si Naomi. Mabilis na nagtungo si Jan sa CR. Paglabas naman niya ay saktong nakasalubong ni Jan si Helena kasama ang dalawa nitong kaibigan. "Look who's here!" wika ni Helena nang makita si Jan. "The secretary of Miguel!" dagdag pa ni Helena. "Is he the one you're telling me?" gulat na tanong naman ng isang babae. "Yes. The one who was able to get close to Miguel and Leonard!" sabi naman ni Helena. "Don't come near him. He's dangerous!" dagdag pa ni Helena. "Of course!" sabi naman ng isa pang babae. "We might don't know, the reason that he was able to get close to Miguel and Leonard is because he used some voodoos on them!" sabi pa ni Helena. "So you're telling me that he's a witch!" sabi pa ng isang babae. "Most probably! Because a low-life faggot like him can be a candidate for witchcraft!" sagot pa ni Helena. Dahil sa mga pang-iinsultong tinatanggap, hindi na napigilang sumagot ni Jan. "Sabihin ninyo na sa aking kung anong gusto ninyo sabihin. Pero at least ako, malinis ang intensyon ko ang kailanman, wala akong ginagamit na tao!" makahulugang sabi ni Jan. "So what are you trying to say, faggot?" tanong pa ni Helena. "Manloloko!" sigaw ni Jan. Sa galit ni Helena, kumuha ito ng pitcher sa isang table at ibinuhos lahat kay Jan. Nagtawanan naman ang mga babae. Nakita lahat ng mga tao sa hallway kung nasaan ang CR ang nangyari. Sa pagkapahiya ay mabilis itong nagbalik sa table kung nasaan si Leonard. "Run faggot! I'll make sure that you'll be kicked out the company!" sigaw pa ni Helena. Pagdating ni Jan ay kinuha nito ang naiwang gamit sa table at nagpaalam kay Leonard. "Uwi na po ako Sir Leonard!" paalam ni Jan. Napatingin naman si Naomi kay Jan. "You are wet! What happened?!" gulat na tanong ni Naomi. "Mauna na po ako. Masama po ang pakiramdam ko!" sagot ni Jan at mabilis na tumakbo palabas. Sinubukang pigilan ito ni Leonard at kinuha ang braso ngunit buong pwersang binawi ni Jan ang braso nito. Paglabas ng nasabing hotel ay sumakay agad ng taxi pauwi si Jan. Si Miguel naman ay nakita nito si Jan palabas ng hotel. Tinawagan nito si Jan ngunit binababa lamang nito ang tawag. Si Leonard naman ay napansin nito na naiwan ni Jan ang bitbit na paper bag kanina na sinabi niyang regalo niya para kay Miguel. Lumapit si Miguel kay Leonard. "What happened to Jan? I saw him running through the exit?" tanong ni Miguel. "I don't know. He just went to pee awhile ago and then he came back, all wet, and said that he wanted to go home." sagot ni Leonard. "By the way, this is the gift of Jan for you." sabi pa ni Leonard at iniabot ang paper bag. "He told me that he left his gift for me?" sabi naman ni Miguel. "He's lying." sagot ni Leonard. Binuksan ni Miguel ang paper bag at ang laman ay isang jar ng cookies. Nakita pa nito na may nakasingit na birthday card. "Happy Birthday Sir Miguel, kahit nagtatampo ako sa inyo, kayo pa rin para sa akin ang pinaka-the best na boss! Sorry ito lang nakayanan ko since wala na akong maisip na maregalo sa inyo dahil nasa inyo na ang lahat. Happy birthday po ulit!" mensahe ni Jan sa card. Kinuha ulit ni Miguel ang kanyang cellphone at tinawagan si Jan ngunit 'out of coverage area' na ito. Si Naomi naman ay biglang kinutuban. Mabilis na nagtungo si Naomi sa hallway kung nasaan ang CR at nakita nito si Helena kasama ang mga kaibigan nito. "I'm pretty sure that bitch has something to do with what happened to Jan!" sabi ni Naomi sa kanyang sarili.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...