Naghihintay na lamang ng oras si Miguel upang umuwi sa kanyang opisina dahil natapos na nito lahat ng kanyang gagawin para sa araw na iyon.Biglang tumawag sa kanya ang kanyang sekretarya upang ipaalam na dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Joshua. “Sige, papasukin mo na lang siya.” utos nito sa kanyang sekretarya. “Noted po, Sir Miguel.” sagot naman sa kanya ng kanyang sekretarya. Pagpasok ni Joshua ay binati niya agad ito. “Kumusta na Joshua?” tanong nito sa kanya. “Mabuti naman. Kaya nga binisita na kita dito dahil matagal na tayong hindi nagkikita.” sagot sa kanya ni Joshua. “Masyado ka na kasing busy, pare!” wika ni Miguel. “Hindi ba ikaw ang masyadong busy, lalo na kay Jan?” natatawang sabi naman ni Joshua. “Hindi naman!” pagtanggi ni Miguel. “Kung hindi, sasamahan mo ako mamaya uminom.” paanyaya ni Joshua. “Mamaya na agad?” gulat na sabi ni Miguel. “Pero magkikita kami mamaya ni Jan.” dagdag pa ng binata. “Papayag naman siguro si Jan kung ise-set ninyo na lamang ang pagkikita ninyo sa ibang araw. And besides, matagal na tayong hindi nagkasama.” sagot ni Joshua. “Sige, tatawagan ko lang si Jan.” sabi ni Miguel at kinuha ang cellphone upang tawagan si Jan.
Nag-aayos na upang umuwi si Jan nang makita nitong may tumatawag sa kanyang cellphone. “Sir Miguel?” sabi nito nang sagutin ang tawag. “Jan, ok lang ba na bukas na lang tayo magkita. Nagyaya kasi si Joshua umalis.” sabi ni Miguel sa kabilang linya. “Ok lang po. Wala pong problema.” sagot ni Jan. “Thank you! I’ll see then tomorrow. Kapag gising ka pa, daanan kita sa inyo mamayang gabi.” wika ni Miguel. “Sige po, sabihan ninyo na lamang po ako mamaya.”sagot ni Jan. Pagkapos ay binaba na rin ni Jan ang tawag. Ilang saglit pa ay biglang lumapit sa kanya si Luis. “Bakit parang wala kang sigla diyan?’ puna sa kanya ni Luis. “Hindi naman, pagod lang siguro ako.” sagot ni Jan. “Yayayain ka pa naman namin umalis.” sabi ni Luis. “Saan kayo pupunta?’ tanong naman nito. “Susubukan ng team na puntahan yung bagong bar na tinutukoy ni Jim sa may Makati.” sagot ni Luis. “At saka dinala ko na pala yung mga PS2 games na ipahihiram ko sa’yo.” dagdag pa ng binata at nilabas mula sa kanyang bag ang mga DVD games nito. Nagulat naman si Jan sa mga dala nito. “Grabe! Ang dami nito ah! At saka lahat original!” ang nasambit na lamang ni Jan. “Sure ka na ipahihiram mo lahat sa akin ito?” tanong pa nito. “Oo. Hindi ko na rin naman kasi nagagamit kaya ipahihiram ko na lang sa’yo. Basta ingatan mo lang kasi collector’s item na rin iyan kahit paano.” sagot ni Luis. “Sige! Maraming salamat!” sabi ni Jan. “O ano? Sasama ka ba sa amin?” tanong pa ni Luis. “Eh sinu-sino ba ang kasama?” tanong naman ni Jan. “Kami kami lang doon sa department.” sagot ni Luis. “Ano?! Eh puro lalake kayo doon ah?!” gulat na sabi ni Jan. “Bakit? Lalake ka naman ah?!” natatawang sabi ni Luis. “Biologically male nga ako pero babae naman ang puso ko!” mataray na sagot ni Jan. “Oh sige na! Babae ka na kung babae.” natatawang sabi ni Luis. “Sumama ka na lang sa amin bilang mga tropa mo.” dagdag pa nito. Natigilan si Jan. Naisip nitong hindi naman matutuloy ang pagkikita nila ni Miguel ay napag-isipan na rin nitong sumama kina Luis. “Sige, pero hindi ako masyado iinom ah madali akong malasing.” wika ni Jan. “Sige. Sabay ka na sa amin palabas.” sagot ni Luis.
“Kumusta na si Naomi?” tanong ni Miguel kay Joshua nang maupo na sila sa table sa loob ng bar. “Na-extend siya sa New York dahil may pinagagawa pa ang boss niya doon.” sagot ni Joshua. “Halos isang buwan na nga kaming hindi nagkikita.” dagdag pa nito. “Eh kayo ni Jan, kumusta na kayo?” tanong naman ni Joshua. “Mabuti naman kami.” sagot ni Miguel. “Kumusta ang sex life mo?” tanong pa ulit ni Joshua. Natawa naman bigla si Miguel sa tanong nito. Natawa rin bigla si Joshua sa reaksyon ni Miguel. “No way!” sabi pa ni Joshua. “Don’t tell me?..” dagdag pa nito. “Hindi ganon klaseng tao si Jan. Conservative siya.” mabilis na sagot ni Miguel. Natawa naman ulit si Joshua. “Zero ka pala ngayon?” pang-aasar ni Joshua. “Hindi naman requirement yun sa aming dalawa.” wika ni Miguel. “Hanggang kailan naman yan?”tanong no Joshua. “Hanggang kaya ko!” sagot ni Miguel. Habang patuloy na nag-uusap ang dalawa ay may mga magagandang babae ang dumaan sa lugar nila at nakilala si Miguel. “You’re Miguel De Dios, right?”sabi ng isang babae kay Miguel. “Yes.” nakangiting sagot naman nito. “Do you mind if we hang out with you guys?” tanong ulit ng babae at sinenyasan ang mga kasama nitong babae na lumapit sa kanila. Hindi naman tumanggi ang dalawang lalake. Tumabi kay Miguel ang babaeng kausap nito kanina at kay Joshua ang dalawang kasama nito. “I’m Lucrecia.” pakilala ng babae kay Miguel at iniabot ang kamay nito. Inabot ni Miguel ang kamay nito bilang tugon dito. “So it’s true that you’re really handsome, Mr. De Dios.” sabi ni Lucrecia at umakbay ito kay Miguel. Wala namang nakikita masama si Miguel sa pag-akbay sa kanya ni Lucrecia kaya hinayaan niya na lamang ito. “Miguel, mukhang type ka ni Lucrecia ah?” pang-uudyok naman ng isang babaeng kasama ni Lucrecia. Ngumiti lamang si Miguel bilang tugon dito. Nilapit ni Lucrecia ang kanyang mukha malapit sa tenga ni Miguel at bumulong ito. “Wanna have some fun?” wika nito. Hinawakan ni Miguel ang kamay nito. “Not today!” mahinahon na sagot nito.
“Ang daming tao naman dito!” sabi ni Jan kay Luis nang makarating na sila sa bar na tinutukoy nito. “Bago kasi kaya maraming curious.” sagot ni Luis. “Wala talaga akong hilig sa mga maiingay at matataong lugar. Mas mabuti pang nasa bahay na lang ako at naglalaro ng PlayStation.” wika ni Jan. “Ang KJ mo naman! Minsan lang naman ito.” natatawang sabi ni Luis. “Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganitong lugar.” sagot ni Jan. “Ayun! Tinatawag na tayo ni Jim. May pwesto na daw tayo sa loob.” sabi ni Luis nang makita ang text message na pinadala sa kanya ng kasama nila. At nang makapasok na sila sa loob ng bar ay umikot ang tingin nito Jan sa mga tao doon. Nagulat siya nang mapatingin siya sa isang table dahil parang pamilyar sa kanya ang taong nakita niya. Nang humarap ito nang tuluyan ay nagulat ito nang makita niya si Miguel ang taong iyon.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...