Pag-uwi ni Miguel ay nadatnan nito si Jan na natutulog sa sofa. "Jan, bakit ka diyan natutulog?" tanong nito nang gisingin niya ito. "Sir Miguel?" tanong nito habang kinukusot ang mga mata. "Nakatulog po ako kahihintay sa inyo." dagdag pa nito. "Sana hindi mo na ako hinintay." sagot naman niya dito. "Kumain na po ba kayo?" tanong naman ni Jan. "Oo. Kumain na ako bago umuwi. Ikaw, kumain ka na ba?" sagot naman ni Miguel. "Hindi pa po kasi nga hinihintay ko po kayo. Pinagluto ko po kasi kayo." sabi naman ni Jan. "Nagluto ka?!" gulat na tanong naman ni Miguel. "Opo. Kaso kumain na kayo eh." sagot naman ni Jan. "Pwede naman akong kumain ulit. Tara, sabay tayong kumain." paanyaya naman ni Miguel. Sabay silang nagtungo sa kusina upang kumain. Pinaghanda ni Jan si Miguel ng kanyang niluto. At habang kumakain ang dalawa ay nag-usap sila. "Nagpunta ba si Leonard dito?" tanong ni Miguel. "Opo. Pinatikim ko nga sa kanya itong niluto ko." sagot naman sa kanya. "Nasarapan naman siya, sabi niya." dagdag pa nito. "Masarap naman talaga?" wika naman ni Miguel. "Nambola ka pa!" sagot naman ni Jan. "Nagsasabi ako ng totoo. Masarap nga." sabi pa ulit ni Miguel. Ngumiti na lamang si Jan sa sinabi nito. "Kumusta ka na? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong naman niya dito. "Mabuti naman." sagot sa kanya nito. "Unti-unti bumabalik na ang ala-ala ko." dagdag pa nito. Nabahala si Miguel at inisip kung anu-ano na ang naalala nito. "Naalala mo na kaming lahat?" biglang tanong nito sa kanya. "Naalala ko na kung sino si Sir Leonard. Ang Tita Glory at ang Lola Adelina ko." sagot ni Jan. "I think mas mabuti na sa bahay na ako mamalagi dahil ayaw ko nang maka-abala sa inyo dito." dagdag pa nito. "Hindi ka naman nakakaabala. Masaya nga ako at may kasama ako dito." sagot naman ni Miguel. "Pero kasi parang hindi maganda na magkasama tayo sa isang lugar." ang wika naman ni Jan. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya kay Jan. "I don't know." sagot ni Jan at napabuntong hininga. "Parang nararamdaman ko kasi na dapat ay hindi tayo magsama." dagdag pa nito. Napahawak naman si Miguel sa kamay ni Jan. "Bakit mo naman naiisip yang bagay na yan?" tanong nito sa kanya. "I have a feeling na mas mabuting huwag na akong makaalala pa tungkol sa ating dalawa." sagot naman nito. Nabahala lalo si Miguel sa mga sinasabi ni Jan dahil hanggang ngayon ay sinusundan pa rin siya ng gulong nangyari sa kanila ni Jan dahil kay Lumina. Naiisip nitong ang nangyari sa kanila ni Lumina at pilit iwinawaksi ni Jan sa kanyang alaala. "Huwag ka na lang muna mag-isip nang ganyan dahil baka makasama sa'yo yan." ang nasabi na lamang ni Miguel. Bumuntong hininga na lamang ulit si Jan habang nakatingin kay Miguel.
Si Jan at derechong humiga sa kama upang matulog habang si Miguel ay nagtungo sa banyo upang mag-shower. Humiga na nakatalikod si Jan mula kay Miguel dahil nahihiya ito sa itsura nito dahil naka-towel lamang itong pumasok ng banyo. Napansin naman ito ni Miguel kaya natawa na lamang ito. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Jan." sabi ni Miguel sa kanyang sarili at pagkatapos ay pumasok na rin sa banyo. At nang matapos na itong mag-shower ay nakita nito si Jan na natutulog na. Nagpalit agad ito ng damit at nagsuot ng t-shirt dahil napag-usapa na nila na magsusuot ito nang damit tuwing matutulog. Lumapit ito kay Jan at tinapik ang balikat. "Good night, Jan." sabi ni Miguel. Nalaman nitong gising pa pala si Jan at humarap ito sa kanya. "Good night din po." sagot nito sa kanya. "Wala bang good night kiss?!" biro naman ni Miguel. Nandilat ang mga mata ni Jan sa sinabi ni Miguel. "Matulog na nga po kayo!" mabilis na sagot ni Jan at nag-blush. "Bakit? Eh tayo na, 'di ba?!" sabi pa ni Miguel. "Hindi ko pa lubos na naalala na tayo na talaga noh!" sagot pa ulit ni Jan at mabilis na tumalikod sa binata at pumikit. "Suplada ka pa rin kahit na may amnesia ka!" natatawang sabi naman ni Miguel at naghanda na ring humiga at matulog. "Good night!" ang huling sabi pa nito at saka natulog.
Naunang nagising si Jan kaysa kay Miguel. Pagdilat nito ay naramdaman nitong nakayakap sa kanya si Miguel. Tinitigan ni Jan ang mukha ni Miguel habang natutulog. Nakadama si Jan ng 'kasiyahan' habang tinititigan nito ang mukha ng binata. Nakadama rin ito ng security habang yakap siya nito. Ngunit biglang pumasok sa kanyang isip ang isang ala-ala. Malabo ngunit unti-unti nitong naalala ang tagpo nang makita niya si Miguel at si Lumina. Ang tagpo kung saan hinahalikan ni Lumina si Miguel. Biglang bumuhos ang luha sa mga mata ni Jan. Sa isang iglap ay bigla nitong naalala ang lahat-lahat. Napahawak ito sa ulo sa sakit sa biglaang pagpasok ng mga ala-ala nito sa kanyang isip. Mahimbing pa ring natutulog si Miguel. Dahan dahan namang umalis sa pagkakayakap ni Miguel si Jan upang hindi ito magising. Nagtungo ito sa kusina at pinagluto ng agahan ang binata. Ngunit pagkatapos nitong makapagluto ay nagpalit lamang ito ng damit at mabilis na kinuha ang mga gamit at umalis. Kaya nang magising si Miguel ay nagulat ito nang makita wala na sa tabi niya si Jan. Bumangon ito at nagtungo sa kusina upang tignan si Jan. Nakita nitong may nakahandang agahan ngunit wala si Jan. "Jan, nandiyan ka ba?" tanong pa nito at patuloy na hinahanap si Jan. Nagpunta ito sa banyo upang silipin kung naliligo ngunit wala rin ito doon. Napansin na lamang nitong may 'note' na nakalagay sa side table. "Uuwi na po muna ako sa amin." mensahe ni Jan sa kanya. Nagtaka bigla ang binata kung bakit bigla na lamang naisipang umuwi sa kanila. Biglang naisip nito na maaring bumalik na ang alaala nito kaya bumalik na ito sa kanila. Mabilis na kinuha ni Miguel ang kanyang cellphone at tinawagan si Jan ngunit unattended ang numero nito.
Pagbukas ng pinto ni Glory ay nagulat ito nang makita si Jan. "Jan!" sigaw ni Glory. Napayakap bigla si Jan dito. "Tita Glory!" ang sabi pa ni Jan. "Nakakaalala ka na?!" tanong naman ni Glory. "Opo." sagot ni Jan. "Miss na miss ka na namin dito!" sabi naman ng Tita Glory niya at hindi na naiwasang maiyak. "Salamat sa Diyos at ok ka na!" dagdag pa nito. Napayakap na lamang ng mahigpit si Jan.
Nagmamaneho si Leonard papuntang opisina nang makatanggap ito ng tawag mula kay Miguel. "Yes, Miguel?" tanong nito nang sagutin nito ang tawag. "Nakausap mo na ba si Jan ngayon?" tanong naman ni Miguel sa kanya. "Hindi pa. Bakit, may nangyari ba?" tanong naman ulit dito. "Paggising ko kasi wala na si Jan. Nalaman ko na lang na umuwi na siya sa kanila. Naisip ko na baka nakaalala na siya kaya naisipan na niyang umuwi." sabi ni Miguel. "Pwede ko sana siya daanan ngayon kaso may importanteng meeting ako ngayon with the team." ang sabi naman niya dito. "Bakit hindi mo siya puntahan nang malaman mo ang mga kasagutan sa mga tanong mo." dagdag pa nito. "Mas mabuti pa nga." sagot naman ni Miguel. "Sige, ako nang bahala magsabi kay Paloma tungkol dito." ang sabi ni Leonard."Salamat!" sagot ni Miguel.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...