Chapter 66

6K 215 7
                                    

"Sir Miguel?!" ang nasambit na lamang ni Jan nang makitang pumasok ang binata mula sa pintuan. "Bumalik ako dito kasi nahulog mo ang cellphone mo sa loob ng kotse." sabi ni Miguel. Mabilis naman kinapa ni Jan ang bulsa nito upang tignan kung nandoon ang kanyang cellphone. "Naabala ka pa pong bumalik dito, pwede mo naman ibalik sa akin yan bukas." ang sagot ni Jan nang mapatunayang wala nga sa kanya ang cellphone nito. "Hindi kasi kita matatawagan tonight bago matulog kapag hindi ko binalik ngayon ang cellphone mo." ang wika naman ni Miguel. Biglang nag-blush si Jan sa mga sinabi ng binata at ngumiti ito sa kanya. "Salamat po, Sir Miguel." ang nasambit na lamang ni Jan. "Sige, mauna na ako. Kailangan ko na rin umuwi at magpahinga dahil napagod din ako sa biyahe natin kanina." wika naman ni Miguel. "Sige po. Marami pong salamat for today!" sagot ni Jan. "Hatid ko na po kayo sa labas." dagdag pa nito. "Huwag na. Magpahinga ka na rin dahil alam kong pagod ka." wika naman ni Miguel kay Jan. Biglang tumingin ang binata kay Leonard at parang may ibig sabihin ito sa kanya. Nakakutob naman si Leonard sa tingin ni Miguel kaya nagpaalam na rin itong umalis. "Mauna na rin ako Jan. Tama si Miguel at kailangan mo na rin magpahinga." ang sabi naman ni Leonard kay Jan. "Ganon po ba? Sige po. Marami pong salamat Sir Leonard sa pagdalaw. Hatid ko na po kayo sa labas." alok ni Jan. "Huwag na rin. Kaya ko na naman ang sarili ko. At saka pinagpapahinga ka na ni Miguel." sagot ni Leonard. "Huwag ka nang mag-alala. Kaya na namin ni Leonard ang aming mga sarili." sabat ni Miguel. "Sige po, kung iyan ang gusto ninyo." sagot naman ni Jan. "Marami po ulit salamat ang good night!" dagdag pa nito. Pumasok na si Jan sa kanyang silid nang lumabas na ang dalawang binata. 

Habang palabas ng bakuran nina Jan ay nag-usap ang dalawang gwapong binata. "Leonard, maari ba kitang mayaya lumabas kahit saglit lang. Gusto lang sana kita makausap." paanyaya ni Miguel. "Sure, no problem." sagot ni Leonard. "Saan mo gusto magpunta?" tanong pa nito. "Doon na lang tayo sa Bonifacio High Street. May magandang bar doon." tugon ni Miguel. "Sige, magkita na lamang tayo doon." wika naman ni Leonard dahil may dala rin siyang sasakyan. "Sige, see you!" sagot ni Miguel. 

Nang makarating ang dalawang binata sa nasabing bar ay nag-usap ng masinsinan ang dalawa. "Anong gusto mong pag-usapan, Miguel?" tanong ni Leonard. Bumuntung hininga naman si Miguel bago nagsimulang magsalita. "Nirerespeto ko ang pagkakaibigan at pinagsamahan ninyo ni Jan." bungad nito. "Alam ko ang lalim ng pinagsamahan ninyo. Aware ako na noong panahon na kailangan ako ng higit ni Jan ay ikaw ang kanyang natatakbuhan." patuloy pa nito. Nakatingin lamang si Leonard kay Miguel at hinihintay ang mga susunod na sasabihin. "At ngayon na alam ko na kahit paano ay may damdamin sa'yo si Jan. Hindi ako magtataka na nangyari iyon dahil alam ko kung gaano ka-vulnerable si Jan. Pero gusto ko lang na malaman mo na nakapagdesisyon na ako sarili ko na sa mamahalin ko na si Jan sa abot ng aking makakaya. Ibibigay ko sa kanya lahat dahil mahal ko siya." sabi pa ni Miguel. "Hindi ko na hahayaang maagaw sa akin si Jan." dagdag pa nito. "Hindi ko naman inaagaw si Jan sa'yo." sagot ni Leonard. "Don't play fool with me, Leonard." biglang sabi ni Miguel. Pilit naman maging kalmado ni Leonard. "I'm just doing my best to be a good friend for Jan." wika ni Leonard. "Ngunit sa ginagawa mo iyan, nahuhulog ang loob niya sa'yo." sagot ni Miguel. "Hindi ko kasalanan kung mahulog ang loob niya sa akin dahil sa mga pinagdaanan niya sa piling mo." tugon ni Leonard. Parang napikon si Miguel sa sinabi ni Leonard ngunit nag-isip ito na maaring isagot sa binata. "Kaya nga bumabawi na ako sa kanya." sagot ni Miguel. "Miguel, if you will ask me to distance myself to Jan. I'm sorry, I can't and I won't. Noong pa kami magkaibigan ni Jan at obligasyon ko na alagaan siya." wika ni Leonard. "Hindi ba unfair yan? Ako ang may obligasyon na alagaan si Jan." sagot naman ni Miguel. "Miguel, ang lamang mo sa akin ay mas higit ang pagmamahal ni Jan sa'yo. Pero hindi ko hahayaan na masaktan siya ulit dahil sa pagmamahal niya sa'yo." wika ni Leonard. "Well, you left me no other choice." sambit ni Miguel. "What do you mean?" nagtatakang tanong naman ni Leonard. "Ilalayo ko na si Jan dito." sagot ni Miguel. "I'll ask him to be with me in Japan." dagdag pa nito. "Iiwan namin lahat ng nandito sa Pilipinas at magsisimula magkasama sa Japan." patuloy pa nito. Nagulat naman si Leonard sa sinabi ni Miguel. "Aren't you being selfish? Ilalayo mo si Jan sa kanyang pamilya ang mga kaibigan para lamang maging iyo?" wika ni Leonard. "If that's the only way to prove my love for him. Iiwan ko lahat, ang kumpanya, ang pamilya ko, mga kaibigan ko para lamang sa kanya." sagot ni Miguel. "Ngunit ayun ba ang gusto mangyari ni Jan?" ang sabi ni Leonard. "I'm sure he'll agree." sagot ni Miguel. "Mukhang hindi mo pa lubos na kilala si Jan." ang sabi naman ni Leonard. Napatingin lamang si Miguel kay Leonard. "Sigurado akong hindi niya hahayaan na malayo siya at ikaw sa inyong pamilya at mga kaibigan. Sigurado rin akong hindi siya papayag na iwan mo ang kumpanya dahil lamang sa kanya." sabi ni Leonard. "Hindi ganyan mag-isip si Jan. Laging iniisip ni Jan lahat ng mga nasa paligid niya. Nakita ko na nga siya na kaya niyang isakripisyo ang kanyang sariling damdamin para lamang sa iba." patuloy pa nito. "Hindi niya hahayaan na iwan mo ang kumpanyang matagal mong tinaguyod." dagdag pa nito. Napaisip naman si Miguel sa mga tinuran ni Leonard. "At huwag kang maging selfish Miguel. Huwag mong ilayo si Jan sa ibang taong nagmamahal sa kanya dito." sabi pa ulit ni Leonard. Ininom ni Miguel ang lahat ng alak sa kanyang baso bago sumagot kay Leonard. "Gusto ko siyang ilayo dahil ayaw kong maagaw siya sa akin." sagot ni Miguel. Bumuntong hininga na lamang si Leonard at sumagot kay Miguel. "Kung talagang mahal ka ni Jan, walang ibang makakaagaw sa kanya mula sa'yo." payo ni Leonard.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon