Chapter 1

37.8K 681 14
                                    

"Oh my God!" gulat na sambit ni Jan nang makita niya ang oras sa kanyang cellphone. "Kailangan ko nang magmadali dahil baka ma-late ako sa job interview ko." wika nito sa kanyang sarili kaya nagmadali itong bumangon mula sa kanyang higaan at nagtungo sa banyo. Si Jan ay may appointment sa kumpanyang PNYG, ang tanyag na videogame company na pinatatakbo ng pamilyang De Dios. Ang pamilya De Dios ay kinikilala sa buong Pilipinas dahil sa kanilang kumpanya sa Telecommunication, Financials at Healthcare. Ang PNYG ay pinamumunuan ni Miguel De Dios, ang bunsong anak nina Hector De Dios at Miranda De Dios. Matagal na pangarap ni Jan na makapasok sa PNYG dahil isa itong 'hardcore gamer' kahit hindi ito obvious sa kanya dahil isa siyang bading na may mahabang buhok, maputi at kung minsan ay nagdadamit pambabae. Kaya nang makatapos ito ng kolehiyo, sinubukan nitong ipasa ang kanyang resume sa PNYG at pinalad naman siyang nakatanggap ng imbitasyon na ma-interview. Sinabi nito sa kanyang sarili na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya upang makapasok at matanggap sa nasabing kumpanya. Pagkatapos na maligo at magbihis, bumaba agad ito sa kanyang silid. Nakita siya ng kanyang Lola Adelina. "O gising ka na pala! May lakad ka ngayon?" tanong nito sa kanya. "May job interview po ako ngayon, lola." tugon nito sa kanya. "Kumain ka muna, sakto at nakapagluto na ako ng agahan." wika naman nito sa kanya. "Hindi na po. Mahuhuli na po ako sa appointment. Huwag po kayong mag-alala, may baon naman akong maraming biscuit at kung may pagkakataon po, kakain po agad ako." sagot naman niya sa kanyang lola. "Pagpalain ka nawa." nasambit na lamang nito nang magmano ito sa kanya at dali-daling umalis.

"Bakit ba kasi ako napatambay pa kagabi kina Tita Glory, tinanghali tuloy ako ng gising!" bulong ni Jan sa kanyang sarili habang nakapila sa sakayan ng jeep papuntang Makati. "Makikita ko kaya si MIguel De Dios doon?" tanong nito sa sarili. "Ang gwapo gwapo kasi niya!" dagdag pa nito. Biglang sumagot ang isang bahagi ng kanyang isip at ang sabi "Ano ka ba Jan? Pagtuunan mo muna ng pansin ang pagsisikap mong makapasok sa kumpanyang pinapangarap mo. Saka mo na atupagin ang mga ganyang bagay." "Humahanga lang naman ako doon sa tao." sagot naman ng isang bahagi ng kanyang isip. "Naku noh! Hahanga ka na lang sa isang lalake eh yung taong may pinakamataaas na posisyon pa ang gusto mo. Eh kahit ngang sinong lalake diyan, hindi ka nga pinapansin, si Miguel De Dios pa?!" sagot ulit ng isip niya. " Ang nega mo naman! Eh bakit ba? Kung mangangarap naman ako ng Prince Charming ko eh siyempre yung bongga na. At saka hindi naman bawal sa bansang Pilipinas ang mangarap!" sagot ng isang bahagi ulit ng kanyang isip. "Hoy! Sasakay ka ba ng jeep o magmumuni-muni ka lang diyan?!" biglang tanong ng barker sa sakayan kay Jan. "Ay opo! Pasensya na po. Antok pa ako! Sorry. Sasakay na po!" gulat na sagot ni Jan na medyo napahiya dahil nakita niyang nakatingin sa kanya ang mga tao sa paligid at lihim na natatawa. "Naku, sana maging ok ang araw na ito sa akin!" sambit na lamang ni Jan sa kanyang sarili.

Pagdating ni Jan sa gusali at nagtungo ito sa reception desk. "Good morning!" mainit ng bati sa kanyang ng magandang receptionist. "Good morning! I'm Jan Navre and I'm here for my interview at 9AM" malumanay na sagot ni Jan sa receptionist. "Oh yes! Ms. Paloma just called to advised you to proceed to 16th floor once you arrived." wika naman sa kanya ng receptionist. "Thank you!" sagot ni Jan. "Just please leave your ID here, log in to this log sheet and pin this temporary ID to you." sabi ng receptionist sa kanya habang inaabot ang temporary ID. "Here." sagot ni Jan at iniabot ang kanyang ID mula sa kanyang bag. "Kindly go to that hallway to ride the elevator to 16th floor. Good luck!" sabi ng receptionist kay Jan habang tinuturo ang daan papuntang hallway na tinutukoy nito. "Thank you so much!" nakangiting tugon ni Jan sa receptionist. Pagpasok ni Jan sa elevator, nakita nito ang sarili sa salamin sa loob na magulo ang buhok nito. Kinuha nito mula sa kanyang bag ang suklay ang sinimulang ayusin ang buhok. "This is it! I can do this!" bulong ni Jan sa kanyang sarili at huminga ng malalim upang paghandaan ang kanyang job interview.

Sa 14th floor, sa loob ng opisina ng presidente ng PNYG, nag-uusap ang magkaibigang Miguel at Joshua. "Pare, kumusta na kayo ng sexy mong sekretarya na si Nicole?" tanong ni Joshua sa kaibigan niyang si Miguel. "What do you mean, pare?!" tanong naman ni Miguel. "I know na lumalabas kayo ni Nicole" sabi ni Joshua. "There's nothing special between me and Nicole. Binibigay ko lang ang hiling ng isang babae na tulad ni Nicole mula sa isang lalake na tulad ko." sagot ni Miguel. "Bilib din ako sa'yo Pare! Biruin mo, nakuha mo yang si Nicole. Nakailang sekretarya ka na ba?" nakangising wika naman ni Joshua. "Hindi ko nga alam. Masisisi mo ba sila kung mabighani silang sa isang makisig at gwapo na tulad ko? Mapagbigay lang talaga ako sa mga babaeng nangangailangan mula sa isang lalake na tulad ko." wika ni Miguel. "At alam mo na, hindi maaring magkaroon ako ng karelasyon lalo na dito sa opisina dahil kapag nalaman ng Papa ang mga ito, uusok na naman sa galit iyon. Masaya na nga ako at pinagkatiwalaan na niya ako na pamunuan itong PNYG kaya ayaw ko sirain ang tiwalang binigay niya sa akin." dagdag pa nito. Ngunit hindi alam ng magkaibigan na dumating na si Nicole at hindi sinasadyang nadinig ang kanilang usapan nang magtungo ito sa opisina ni Miguel upang ipakita ang agenda ng kanilang meeting kasama ang representative mula sa kumpanyang Sony. Hindi na nagpaalam at binuksan ni Nicole ang pintuan at pumasok sa loob ng opisina. "Tama nga ang mga kaibigan ko at paglalaruan mo nga lamang ako!" umiiyak na sabi ni Nicole kay Miguel. "Uhm! Mauna na muna ako Miguel, see you tonight!" naiilang na sabi ni Joshua at nagmadaling lumabas ng opisina. "I'm sorry Nicole. I thought you're ok with our setup?" sabi ni Miguel kay Nicole pag-alis ni Joshua sa opisina. "Oo, pinilit ko sa sarili ko na ok lang ako. Binigay ko pati pagkababae ko dahil umaasa akong mamahalin mo rin ako." sagot ni Nicole. "I'm sorry Nicole, pero kung aasahan mong magiging tayo, hindi ito mangyayari. Hindi ko maibibigay ang hinihiling mo." sagot ni Miguel."Bullshit! Dapat nakinig na talaga ako sa mga kaibigan ko. Pero dahil sa tanga kong puso, sinunod ko pa rin ang damdamin ko at umaasang balang araw eh mamahalin mo rin ako. Pero masakit tanggapin na galing mismo mula sa iyo na sabihin na hindi magiging tayo." sagot ni Nicole at hindi na tumigil sa pag-iyak. "Sorry Nicole, tulad ng sabi ko, ang kaya ko lang ibigay sa iyo ay ang pangangailangan mo sa kama." malamig na sagot nito sa kanya. "Bastos! Hayaan mo, hinding-hindi mo na ako makikita kailanman. Dahil sasabihin ko rin sa harap mo, I resign!" galit na sambit nito at saka dali-daling tumakbo palabas ng opisina. Napatitig na lamang si Miguel habang tumatakbo palabas ng opisina si Nicole. Natauhan lamang ito nang maalalang may mahalagang meeting pala ito kasama ang Sony ngayon at kakailanganin niya ang tulong ni Nicole dito. Nagmadali itong lumabas nang opisina upang habulin si Nicole ngunit huli na siya dahil hindi na niya ito naabutan. Sinubukan niyang tawagan ito sa kanyang cellphone ngunit 'cannot be reached' ito. Bigla nitong naalala si Paloma, ang taong maaring tumulong sa kanya sa ganitong sitwasyon. Mabilis itong nagtungo sa elevator lobby upang umakyat sa 16th floor.

Habang nagsusuklay si Jan ay nabigla ito nang makita kung sino ang sasakay ng elevator mula sa 14th floor. "Miguel De Dios!" bulong nito sa kanyang sarili at dilat dilat na nakatingin kay Miguel. "Will you please press the close button because I'm in a hurry?!" wika ni Miguel kay Jan. "Yes Sir! I'm sorry" nahihiyang tugon ni Jan at pinindot agad ang close button ng elevator. "Oh my! Ang gwapo gwapo pala talaga ni Miguel, lalo na sa personal!" wika nito sa kanyang isip habang titig na titig sa gwapong mukha ng binata. Pilit namang huwag tignan ni Miguel si Jan dahil naiilang ito dahil nakikita nito sa gilid ng kanyang mga mata na nakatingin ito sa kanya. Kaya laking pasasalamat nito nang bumukas na ang elevator sa 16th floor. Sakto at nag-aabang na si Paloma sa elevator lobby ng 16th floor. "Ms. Paloma! You're a life saver!" bati ni Miguel sa matandang dalaga. "Pababa na nga ako sa 14th floor dahil nadinig ko na umalis na si Nicole." sagot ni Paloma kay Miguel. "Alam mo na ang nangyari?" tanong ni Miguel kay Paloma. "Oo. At hindi na kita tutulungan ngayon dahil natatandaan mo ba na sabi mo sa akin nung huli na hindi na ito mauulit? Umalis din si Rachel during our last event dahil sa kagagawan mo. Tinulungan kita na mairaos ang event nang wala si Rachel dahil nangako kang hindi na ito mauulit. Kailangan matuto ka na ng leksyon. Pasalamat ka at kahit paano ay pinagtatakpan pa kita sa Papa mo. Pero kung lagi mo akong bibigyan ng sakit ng ulo, wala na akong ibang choice kung hindi sabihin lahat ng ito sa Papa mo!" wika ni Paloma kay Miguel. "Ms. Paloma, please? I need your help. Paano na ang meeting with Sony later this afternoon?" nagmamakaawang sabi ni Miguel. "Gawan mo iyan ng paraan. Kung malulusutan mo ito, palalampasin ko ito at asahan mong hindi ko sasabihin lahat ng ito sa Papa mo!" sagot naman ni Paloma. Napansin ni Paloma na may nakatayo rin sa elevator lobby at parang nakikinig sa usapan nila. "May I know who you are?" tanong ni Paloma kay Jan. "Uhm! I'm sorry, I didn't mean to hear what you're discussing with Sir but I was advised to go here and look for Ms. Paloma." nahihiyang sagot ni Jan. "I see. You must be Jan Navre, right?" wika ni Paloma. "Yes ma'm!" sagot ni Jan. "I'm Paloma Jorantes and I will be the one to conduct the job interview." tugon naman ni Paloma. Napatingin naman si Miguel kay Jan ang biglang nakaisip ito na maaring makasalba sa kanya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. "Ms. Paloma, let me conduct the job interview for Mister?" sabi ni Miguel at tumingin kay Jan. "Jan Navre, Sir!" mabilis na sagot ni Jan. "Ok, with Mr. Jan Navre." patuloy ni Miguel. "Anong binabalak mo, Miguel?" tanong ni Paloma. "I'm sure na hindi mo hahayaan na mag-pull out ako ng employee sa mga department para sa meeting kaya hahayaan ko na lang na si Mr. Jan Navre ang tumulong sa akin sa meeting with Sony." tugon ni Miguel. "What?!" gulat na nasambit ni Jan. Naisip ni Paloma na malaking risk ang gagawin ni Miguel ngunit hahayaan niya na lamang gawin nito kung ano ang gusto upang matuto sa kanyang pagkakamali. "Sige, I will allow that if Mr. Navre is ok with that." sagot ni Paloma. "Kung tatanggpin mo ito Mr. Navre, sisiguraduhin kong makakapasok ka na sa kumpanyang ito." sabi naman ni Miguel kay Jan. Napaisip rin si Jan na hindi biro ang papasukin niya ngunit isang malaking kasiguraduhan na makakapasok na siya sa pinapangarap niyang kumpanya kung tatanggapin niya itong hamon na ito. "Sure!" sagot ni Jan. "Great!" masayang wika naman ni Miguel. "Ok. Mauna ka na Miguel sa opisina mo. I will just brief Mr. Navre what he will be doing on the meeting at my office at pasusunurin ko na siya sa opisina mo once I'm done." wika naman ni Paloma. "Ok then." sagot ni Miguel at sumakay na ulit ng elevator pababa sa kanyang opisina. "Follow me Mr. Navre" sabi naman ni Paloma kay Jan. Tumungo lamang si Jan bilang senyales ng pagsang-ayon at sumunod ito kay Paloma papunta sa kanyang opisina.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon