Natulala si Miguel sa pagtatapat ni Leonard at hindi alam kung ano ang isasagot dito. Magsasalita pa sana si Leonard nang biglang pumasok ang mga magulang nito kasama si Tita Glory. "Leonard! I'm glad that you're already awake!" sabi ni Anita nang makita si Leonard. "How are you?" tanong pa nito. "I'm already ok." sagot ni Leonard. "But what's the result of the test?" pahabol na tanong nito. "I confirmed with the doctor that there's no serious injury caused by the accident to both of you." sagot ni Anita. "But let's pray na magising na si Jan dahil maaring magkaroon ng kumplikasyon kapag hindi nagising si Jan within 24 hours." dagdag pa nito. "Tinitignan pa ng doktor ang MRI result ni Jan dahil sa aksidente na nangyari sa kanya before." sabi naman ni George. Naalala nila na nagkaroon si Jan ng amnesia nang maaksidente ito dati. Hinawakan ni Miguel ang mga kamay ni Jan ng mahigpit. "Jan." sambit pa nito sa sarili. Napatingin naman sina George at Anita at nagduda sa pinapakitang atensyon ni Miguel kay Jan. Nagkatinginan naman sina Miguel at Leonard at naisip nila ang naputol nilang pag-uusap tungkol sa pagtatapat ng huli. "Maraming marami pong salamat sa pagtulong ninyo sa amin, lalo na kay Jan." singit naman ni Tita Glory. "Walang anuman." sagot ni Anita at lumapit kay Tita Glory. "Naging malapit na rin naman sa amin si Jan. Itinuturing na rin namin si Jan bilang bahagi ng aming pamilya." dagdag pa nito. Napatingin ulit si Miguel kay Leonard nang sambitin ng mama nito na bahagi na ng kanilang pamilya si Jan. Nakadama ng kaunting lungkot si Miguel dahil naisip nitong hindi maibibigay ng kanyang pamilya ang atensyon at importansya na binibigay ng pamilya ni Leonard. "Marami pong salamat!" ang nasabi na lamang ni Tita Glory.
Niyaya ni Anita si Tita Glory na maghapunan. "We're just going out and have our dinner." paalam ni Anita. "I'll go ahead too." sabi naman ni George. "Sige, magpahinga ka na muna sa bahay. Kami na muna bahala dito." sagot ni Anita. Nauna nang lumabas si George. "Sige Pa!" sabi ni Leonard dito. "Ako na lang muna magbabantay sa kanila." sabi naman ni Miguel. "Ok. We'll be back." ang sabi naman ni Anita at niyaya na palabas si Tita Glory. Habang naglalakad patungo sa nasabing restaurant ay nag-usap sina Anita at Tita Glory. ""Don't mind me asking pero may relasyon ba sina Miguel at Jan?" tanong ni Anita kay Tita Glory. "Sa pagkakaalam ko, magkaibigan lang ang dalawa." sagot ni Tita Glory. "Napapansin ko kasing iba ang pag-aalala ni Miguel kay Jan sa nangyari lalo na nang malaman niya ang sitwasyon nito." wika ni Anita. "Pakiramdamam ko naman, malapit na magkaibigan lang sila tulad ng pagkakaibigan nina Jan at Sir Leonard." tugon ni Tita Glory. "Sa totoo lang, nagdududa na rin ako diyan sa anak ko si Leonard. Napapansin ko kasing iba ang mga sulyap nito kay Jan." pag-amin ni Anita. "Likas lang po talaga sigurong mabait ang anak ninyo pong si Sir Leonard kaya ganon na lamang po ang turing niya kay Jan." sagot ulit ni Tita Glory. "Wala naman akong masasabi tungkol diyan dahil mabait naman rin talaga si Jan." wika ni Anita. "Marami pong salamat sa mabuti ninyong pagturing kay Jan." ang sagot ni Tita Glory.
Naiwan sina Leonard, Miguel at Jan sa loob ng silid. Nakaupo sa gilid ng kama ni Jan si Miguel at nakahiga naman sa kanyang kama si Leonard. Katahimikan ang nangibabaw sa loob ng silid. Nagka-ilangan na ang dalawang binata na mag-usap. "Miguel." sabi ni Leonard at binasag ang katahimikan. "Huwag kang mag-alala, wala akong balak agawin mula sa'yo si Jan dahil nauunawaan kong ikaw talaga ang mahal niya. Noon pa." patuloy nito. "Wala rin akong balak i-give up siya dahil mahal na mahal ko talaga si Jan." sagot naman ni Miguel. "Pakiusap ko lamang sa'yo Miguel, huwag mo na sana siyang paluhain pa." wika naman ni Leonard. "Ilang beses ko nang nakitang lumuha si Jan nang dahil sa'yo." dagdag pa nito. "Aaminin kong ilang beses ko na siyang nasaktan noon dahil hindi rin talaga ako sigurado sa nararamdaman ko. Pero ngayong alam ko na kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman para sa kanya, lahat ay ibibigay ko para lamang sa kaligayahan niya." sagot ni Miguel. "Mabuti naman." sabi ni Leonard. "Dahil kapag sinaktan mo pa ulit siya, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na ipaglaban siya mula sa'yo." saad pa nito. Natigilan lamang ang dalawa nang makadinig sila ng ungol mula kay Jan senyales na nagkakamalay na ito. Napatayo agad si Miguel sa tabi nito. "Jan?!" sabi pa nito. Nagulat si Miguel nang madinig nito ang pangalan na binanggit ni Jan. "Sir Leonard!" mahinang wika ni Jan.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...