Chapter 33

9K 318 8
                                        

Nagtungo na si Leonard sa conference para sa nakatakdang meeting nito kasama si Miguel. Nagulat ito nang datnan nito si Paloma sa nasabing silid. "Where's Miguel?" tanong ni Leonard. "Ako muna pansamantala ang gagawa ng mga trabaho ni Miguel. He delegated all his responsibilities to me." sagot ni Paloma. "What happened?" tanong pa ulit ni Leonard. "Ayaw pumasok ni Miguel at nagkukulong lamang sa kanyang condo. Pinuntahan na siya ng kanyang pamilya ngunit ayaw nitong makinig." sagot naman ni Paloma. Hindi na nagtaka si Leonard sa nangyari. "Mukhang malaki ang naging epekto kay Miguel ang pag-alis ni Jan." dagdag pa ni Paloma. Napabuntong-hininga lamang si Leonard. "May namagitan ba kina Miguel at Jan?" tanong ni Paloma. "I'm not in the position to ask these questions pero I believe I deserve to know dahil pakiramdam ko, responsibilidad ko rin si Jan dahil ako ang nagpumilit kay Miguel na tanggapin niya ito bilang kanyang secretary." dagdag pa ni Paloma. "Ang pagkakaalam ko, malapit na magkaibigan ang dalawa." sagot ni Leonard. "Pero bakit ganito na lamang ang epekto ng pag-alis ni Jan kay Miguel?" tanong pa ulit ni Leonard. "I really don't know, Ms. Paloma." sagot na lamang ni Leonard. 

Pag-uwi ni Leonard ay sinabi agad nito kay Jan ang mga nangyayari kay Miguel; ang hindi nito pagpasok sa opisina; pagbigay kay Paloma ng posisyon nito sa kumpanya; at ang pagpapabaya sa sarili kahit na puntahan na siya ng kanyang pamilya. "Anong ginagawa ni Sir Miguel sa kanyang sarili?!" sabi ni Jan. "Marahil dahil sa pag-alis mo ito, Jan." wika naman ni Leonard. "Bakit kailangan niya pang gawin ito? Hindi niya dapat ginagawa ito dahil lamang sa akin." sabi pa ni Jan. "Bakit hindi mo itanong mismo sa kanya para malaman mo ang sagot sa mga tanong mo?!" suhestyon naman ni Leonard. "Mas mabuting huwag na akong magpakita sa kanya. Madali niya rin ito malilimutan tulad ng nangyari dati sa mga nakaraan niyang sekretarya." wika naman ni Jan. 

Maagang umakyat si Jan sa silid na tinutuluyan nito kina Leonard. Nang mahiga na ito ay hirap itong makatulog kakaisip kay Miguel. "Sir Miguel! Bakit ninyo ginagawa itong mga bagay na ito! Wala lang ako sa buhay ninyo kaya huwag ninyo itong sayangin dahil lamang sa akin." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Nagpaikot-ikot na ito sa kama ngunit hindi talaga siya dalawin ng antok. Mabilis itong bumangon sa pagkakahiga at nagpalit ng damit. Nagdesisyon itong puntahan si Miguel sa kanyang condo unit upang kausapin. Nang paglabas niya ng silid ay nakasalubong nito si Leonard. "Saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya. "Gusto ko sanang puntahan at kausapin si Sir Miguel." sagot niya naman dito. "Sigurado ka?" tanong pa ulit ni Leonard. "Opo." sagot niya. "Sige, sasamahan na kitang pumunta sa kanya dahil gabing-gabi na rin." wika naman ni Leonard. Nagpalit lang rin ng damit si Leonard at pagkatapos ay nagtungo na sila sa sasakyan nito upang puntahan si Miguel. 

Nang makarating na sila ng condominium ay dere-derechong na silang umakyat dahil kilala na ng mga tao sa lobby si Jan. Pinindot ni Jan ang doorbell ngunit walang sumasagot. Sinubukan pang katukin ni Jan ang pinto at tawagin ang pangalan ni Miguel ngunit wala pa rin sumasagot. Pagkatapos ng limang minuto, sinubukang pihitin ni Jan ang door knob. Nagulat ito nang malamang bukas ang pintuan. Pumasok na sila at hinanap si Miguel. Nakita nila si Miguel na nakahiga sa kama nito. Napansin ni Jan ang ilang bote na alak malapit sa kama. Nakita rin ni Jan na napapabayaan na nito ang kanyang sarili; mahaba na ang bigote at balbas nito. "Sir Miguel?" sabi ni Jan nang makita niya ito. "Jan?" gulat na sabi ni Miguel nang makita niya ito. Nagtungo naman si Leonard sa living room upang bigyan ng privacy ang dalawa na makapag-usap. "Anong ginagawa ninyo, Sir Miguel? Bakit pinababayaan ninyo ang sarili ninyo?" tanong ni Jan. Hindi sumagot si Miguel sa mga tanong nito pero mabilis itong tumakbo palapit kay Jan at niyakap ito. "Jan, bakit ka umalis?" tanong ni Miguel habang yakap ito. Medyo naiilang naman si Jan sa pagkakayakap ni Miguel sa kanya. "Sir Miguel, magbalik na po kayo sa dating kayo!" sabi naman ni Jan. "Hindi ako babalik hangga't hindi ka bumabalik!" sagot naman sa kanya ni Miguel. Bumilis ang tibok ng puso ni Jan nang madinig ang sinabi ni Miguel. "Totoo ba ang narinig ko?" tanong ni Jan sa kanyang sarili. "Pero hindi na po ako maaring bumalik dahil hindi na po ako empleyado ng kumpanya." sabi pa ni Jan. "Bakit ka umalis, Jan?" tanong pa ni Miguel. Natahimik bigla si Jan dahil hindi niya alam ang isasagot dito. "Alam kong may kinalaman ang papa dito." dagdag pa ni Miguel. Napayuko lamang si Jan at hindi malaman kung anong maari niyang sabihin kay Miguel. "Hindi ba, sinabi ko naman sa'yo na hindi ako papayag na maalis ka sa kumpanya? Bakit hindi ka nagtiwala sa akin na may magagawa ako para sa'yo." sabi pa ni Miguel. Nagulat si Jan nang makita namumugto na ang mga mata ni Miguel. Nalilito na siya sa mga pinapakita ni Miguel sa kanya. "Concern na ba talaga siya sa akin?" tanong pa ni Jan sa kanyang sarili. Napaupo na ang dalawa sa gilid ng kama at patuloy na nag-usap. "Para sa ikabubuti ninyo rin po itong ginawa ko. Sana maintindihan ninyo." sabi ni Jan. "Pero mas mabuti kung ikaw pa rin ang sekretarya ko!" sagot pa ni Miguel. Hindi na napigilan ni Jan ang kanyang mga luha. "Bakit ganito na lamang po ang trato ninyo sa akin? Nalilito na po ako, Sir Miguel sa mga pinapakita ninyo. Bakit sinasayang ninyo ang buhay ninyo dahil sa akin? Kung tutuusin ay wala naman akong halaga sa buhay ninyo." sabi naman ni Jan. "Hindi totoo yan! Huwag mong sabihin wala ka lang sa akin." sagot pa ni Miguel. "Sir Miguel. Bakla ako! Hindi makabubuting maging malapit ako sa inyo. Tama ang papa ninyo! Hindi magandang tignan na ang isang tulad ninyong kagalang-galang ay malapit sa isang bakla na tulad ko! Malupit ang lipunan sa mga bakla na tulad ko at hindi ko naman gugustuhin na madamay kayo sa paghuhusga sa akin!" paliwanag ni Jan at nagtuloy-tuloy na ang mga luha nito. "Huwag mong sabihin yan, Hindi totoo yan!" sabi pa ni Miguel. "Totoo po yan, Sir Miguel. Bata pa ako, lagi na akong nahuhusgahan dahil sa pagiging bakla ko. Baklang salot. Baklang walang kinabukasan! Ano na lamang ang iisipin ng mga tao kung ang respetadong tulad ninyo ay malapit sa isang baklang salot na tulad ko?!" sabi pa ni Jan. Hinawakan ni Jan ang mga kamay ni Miguel. "So please, Sir Miguel, huwag ninyong sayangin ang lahat ng meron na kayo ngayon dahil lamang sa akin. Hindi worth na sayangin ninyo lahat ito dahl lamang sa baklang salot na tulad ko!" dagdag pa ni Jan. "Huwag mong sabihin hindi ka worthy, Jan!" sagot naman ni Miguel sa kanya. "Mahal na kita, Jan!" dagdag pa ni Miguel. Nagulat naman si Jan sa sinabi ni Miguel. Hindi ito makapaniwala sa binitawang salita ni Miguel. "Mahal kita!" sabi pa ulit ni Miguel. Nanginig ang mga kamay ni Jan sa pagkabigla. Hindi alam kung ano ang isasagot sa kanyang nadinig. Natahimik si Jan. Natahimik din si Miguel. "Hindi ninyo po maaring alam na matagal ko nang pinangarap na madinig ang mga salitang yan mula sa inyo. Masarap pakinggan at damhin na ang taong pinakamamahal ko ay mahal din ako. Ganito pala ang pakiramdam ng mahalin ka ng taong mahal mo." nanginginig na sabi ni Jan. Hinawakan niya ang mga balikat ni Miguel. "Pero Sir Miguel, hindi po tama ang mahalin ninyo ako." dagdag pa ni Jan. "Bakit?!" tanong ni Miguel. "Handa akong tawaging bakla na rin kung ito ang magiging consequence ng pagmamahal ko sa'yo!" dagdag pa ni Miguel. "Hindi ko po makakayang husgahan kayo ng mga tao dahil sa pagmamahal ninyo na ito sa akin!" sagot ni Jan. NIyakap naman agad ng mahigpit ni Miguel si Jan. "Please, Jan! Mahal kita!" paulit-ulit na sabi ni Miguel. "Mahal na mahal din kita, Sir Miguel!" sagot ni Jan. "Pero hindi ito tama. Hindi tama na mahalin ninyo ako!" dagdag pa ni Jan. "Why are you saying this, Jan?!" sabi ni Miguel. Naalala naman ni Jan bigla ang mga sinabi ng papa ni Miguel sa kanya. "Kaya kung totoong pinapahalagahan mo siya, alam mo kung ano ang mabuti para sa kanya." ang eksaktong sinabi ni Hector De Dios sa kanya. "Mas mabuti na ako masaktan ako kung sa ikabubuti naman ito ni Sir Miguel." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Tumayo si Jan. "Kalimutan ninyo na po ako, Sir Miguel." sabi pa niya kay Miguel. "Mas mabuti na magkaroon na lang kayo ng magandang girlfriend, babaeng magmamahal ng tapat at totoo sa inyo." dagdag pa niya. "Ikaw ang gusto ko, Jan." wika naman ni Miguel. "Maaring naguguluhan lang kayo ngayon. Mas bagay kayo sa isang maganda at respetadong babae at hindi sa isang bakla na tulad ko!" sabi pa ni Jan. "Patawad Sir Miguel. Mahal na mahal ko kayo!" sabi naman ni Jan sa kanyang sarili at mabilis na lumabas sa silid ni Miguel. "Jan!" tawag pa ni Miguel sa kanya ngunit hindi na niya ito pinansin. Nakita naman ni Leonard na lumabas si Jan ng silid kaya mabilis itong sumunod sa kanya hanggang sa makalabas na sila ng condo unit. Hanggang sa makalabas na sila ng gusali at makasakay na ng sasakyan ay nanatiling tahimik ang dalawa. Hindi na nagtangka pang kausapin ni Leonard si Jan dahil alam nitong mas kailangan niya ng katahimikan para makapag-isip. "Walang makakapagsabi kung gaano ko kayo kamahal, Sir Miguel. Pero alam kong ito ang dapat kong gawin at para sa inyo ito. Kahit masakit, kahit dinudurong nito ang puso ko, titiisin ko para lamang sa inyo." wika ni Jan sa kanyang sarili at patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Nalulungkot din si Leonard na makita si Jan sa ganoong sitwasyon. "Kung may magagawa lang ako sa'yo, Jan" sabi ni Leonard sa kanyang sarili.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon