"Sir Leonard, baka may maaring tayong gawin para kay Sir Miguel." sabi ni Jan at tinutukoy nito ang ginagawang hindi pagpasok sa opisina at paglalasing ni Miguel. "Don't worry, we'll do something about it. Nag-aalala na rin si Paloma dahil napapabayaan nito ang kumpanya." sagot ni Leonard. "Talagang mahal na mahal mo si Miguel." dagdag pa niya. Napayuko na lamang si Jan sa sinabi ni Leonard.
Mabilis na nagtungo si Joshua sa condo unit ni Miguel nang mabalitaan nito ang nangyayari sa matalik na kaibigan. "Miguel, I know you're there." sabi ni Joshua nang katukin nito ngunit walang sumasagot. Ilang saglit pa ay pinagbuksan siya ni Miguel. "What's up?" tanong ni Miguel nang pagbuksan siya nito. "What's going on with you?" tanong naman niya dito ngunit hindi siya sinagot nito at nagbalik lamang sa kanyang silid. "So what I heard is true, nagkakaganito ka dahil sa sekretarya mong si Jan." sabi pa ni Joshua. Hindi pa rin sumasagot si Miguel sa kanya at humiga lamang ito sa kanyang kama. "Pare, kung ano man ang nangyari sa inyo ni Jan, tatanggapin pa rin kita dahil ikaw ang matalik na kaibigan ko." sabi pa ulit ni Joshua. "Kahit na sabihin ko sa'yo na mahal ko si Jan?" wika naman ni Miguel. "Sa totoo lang, hindi na ako mabibigla kung maramdaman mo yan kay Jan. Nakakahalata na ako noon ngunit hindi ko lang pinapansin dahil nga hindi tunay na babae si Jan." sabi ni Joshua. "Nakilala ko rin kahit paano si Jan at wala hindi naman imposible na mahulog mo sa kanya. Ang kaso lang ay lalake rin si Jan." dagdag pa nito. Si Miguel ay nakahiga lamang at nakatitig sa kisame. "Anong plano mong gawin? Hindi mo pwedeng pabayaan ang kumpanya." tanong pa ni Joshua. "Gusto kong bumalik sa Jan sa kumpanya." sagot ni Miguel. "Pero siya ang nag-resign." wika pa ni Joshua. "Sigurado akong may kinalaman ang papa sa pag-alis ni Jan." sagot pa ulit ni Miguel. "So anong gusto mong mangyari kung totoo mang involve ang papa mo?" tanong pa ulit ni Joshua. "If I need to face my father for Jan to come back, I'll do it, no matter what!" sagot ni Miguel. "Are you insane?" nasabi ni Joshua. "Yes I am! Ngayon lang ako naloko nang ganito sa pag-ibig and I don't regret it!" sagot naman ni Miguel. "Tutulungan mo ba ako?" tanong naman niya kay Joshua. "Ano pa nga ba ang gawain ng magkakaibigan eh ang magtulungan!" sagot ni Joshua. "Salamat, pare!" wika naman ni Miguel.
Maagang pumasok si Leonard nang opisina dahil marami itong nakatakdang gawain. Nakasalubong nito si Paloma. "How's Miguel?" tanong nito kay Paloma. "Same as before. Pinuntahan na siya mismo ng kanyang papa pero wala pa rin." sagot sa kanya. Pagkatapos nilang mag-usap ni Paloma ay derechong nagtungo na si Leonard sa kanyang opisina. Nagulat ito nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone; si Joshua ang tumatawag. "Hello, Joshua. What can I do for you?" wika ni Leonard nang sagutin nito ang tawag. "I'm sure you're aware what's happenening to Miguel." sabi naman ni Joshua sa kabilang linya. "Yes. what about it?" tanong pa ulit ni Leonard. "Alam ko kasing malapit kayo ni Jan. Maari mo ba akong mabigyan ng pagkakataon na makausap si Jan tungkol kay Miguel?" sabi ni Joshua. "Let me see on what I can do for you on that matter. As much as possible, ayaw na ma-involve ni Jan kay Miguel." sagot ni Leonard. "Please Leonard, I badly needed your help on this concern." pakiusap ni Joshua. "No problem. I'll do my best. Hindi ka rin naman nagdalawang-isip na tulungan ako noon." sagot ni Leonard. "Salamat!" wika ni Joshua sa kabilang linya at pagkatapos ay binaba na ang tawag.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Jan nang umalis sila ni Leonard ngunit hindi sinabi kung saan sila tutungo. "Basta." sagot ni Leonard. "Baka mamaya ibenta ninyo ako ah!" biro naman ni Jan. "Bakit naman kita ibebenta, eh 'di ako na lang ang bibili sa'yo kung pinagbebenta ka!" sagot ni Leonard. "Ay kung kayo naman ang bibili sa akin, pwede ko nang ibigay sa inyo ng free." biro ulit ni Jan. Natawa bigla si Leonard sa sinabi ni Jan. "Imposibleng mangyari yan dahil alam ko namang si Miguel lang ang may nagmamay-ari sa'yo." sagot naman ni Leonard at tumatawa pa rin. Napayuko bigla si Jan nang madinig ang pangalan ni Miguel. Nang makapag-park na ang kanilang sasakyan, nagyaya na si Leonard bumaba. "Bakit nandito tayo? Don't tell me, kakain tayo diyan?" tanong ni Jan. Sila ay nasa isang mamahaling restaurant kaya nagulat ito. "Dito nga tayo pupunta." sagot ni Leonard. "Ay! Mamahalin dito! Sa iba na lang tayo kumain!" pagtanggi ni Jan. "Hindi naman tayo ang magbabayad ng kakainin natin diyan eh." wika naman ni Leonard. "Eh sino?" nagtatakang tanong ni Jan. "Yung makikipag-usap sa atin." sagot ni Leonard. Nagulat naman si Jan kay Leonard. "Sino naman ang gustong makipag-usap sa amin? At anong ang pag-uusapan namin?" wika ni Jan sa kanyang sarili. Nang makapasok na sila ng nasabing restaurant ay nilibot ni Jan ang kanyang paningin upang malaman kung sino ang makakasama nila ni Leonard kumain dito. Nagulat ito nang makita si Joshua papalapit sa kanila. "Thank you Jan for accepting my invitation." sabi ni Joshua sa kanya. Nagulat at natahimik naman si Jan. Napatingin siya kay Leonard senyales ng pagtataka ngunit ngumiti lamang ito sa kanya. Ginabayan naman siya ni Joshua hanggang sa table. "Gusto ninyo po akong makausap, Sir Joshua?" tanong ni Jan pagkaupo niya. "Pasesnya na sa abala, Jan. Gusto lang sana kita makausap tungkol sa matalik kong kaibigan na si Miguel." sagot sa kanya nito. Natahimik bigla si Jan. Ilang saglit pa ay dumating na rin si Leonard sa kanilang table at naupo sa tabi ni Jan. "Pasensya ka na Jan kung hindi ko sinabi agad sa'yo kung saan tayo pupunta dahil alam kong tatanggi ka agad kapag sinabi kong makikipag-kita tayo kay Joshua tungkol kay Miguel." sabi ni Leonard sa kanya. Napayuko lamang si Jan sa sinabi nito. "Ano po bang ang gusto ninyong pag-usapan?" tanong ni Jan kay Joshua. "Alam ko naman na alam mo ang nangyayari ngayon kay Miguel." bungad ni Joshua. "Wala naman po akong magagawa para kay Sir Miguel." sagot naman ni Jan. "At saka mas mabuting lumayo na ako sa kanya para sa kanya rin itong ginagawa ko." dagdag pa nito. "Alam kong may malalim kang dahilan kaya mo ito ginawa." wika naman ni Joshua. "Maari ko bang malaman? Baka matulungan kita diyan at mas maging mabuti para sa inyong dalawa ni Miguel ang resulta." dagdag pa niya. Natahimik panandalian si Jan at nag-isip. "I don't think na mabuti ang magsama kami ni Sir Miguel." wika naman ni Jan pagkatapos nito mag-isip. "Aaminin ko sa inyo na matagal na akong may gusto kay Sir Miguel. Pinangarap ko noon pa na balang araw ay makasama tulad ng isang fairytale si Sir Miguel. Pero napagtanto ko na sa mundong ito, hindi mabuti na magsama ang isang lalake at ang isang bakla na tulad ko dahil puro panghuhusga lamang ang matatanggap namin. Lalo pa kung si Sir Miguel na isang kilalang tao sa atin. Maari ang huhusga sa kanya dahil siya'y tanyag kung malalaman nilang ako ang kasama niya. Kaya mas mabuti na isantabi ko na lamang ang pangarap kong makasama si Sir Miguel kung ang kapalit naman nito ay ang kanyang tagumpay." mahabang paliwanag ni Jan. "I think I understand what you meant." sagot ni Joshua. "Kaya pakiusap ko po sa inyo, Sir Joshua, na tulungan ninyo po si Sir Miguel sa abot ng inyong makakaya dahil wala na rin ako magagawa pa para sa kanya kundi ang umiwas." wika pa ni Jan at hindi mapigilang tumulo ang luha. Natahimik ulit si Joshua. "Napabilib mo ako, Jan." sabi ni Joshua. "Maaring magalit ka na sa una ay aaminin kong nahusgahan agad kita nang makita kita na ikaw ang sekretarya ni Miguel, ang pumalit kay Nicole." dagdag pa niya. "Pero naiba mo ang pagtingin ko sa mga katulad mo. Nagkaroon ako ng respeto sa'yo. Kaya mong isaalang-alang ang sarili mong kaligayahan para lang sa taong gusto mo." ani pa ni Joshua. "Yun lang naman po ang kaya kong gawin para kay Sir Miguel dahil isa lamang akong ordinaryong tao." sagot ni Jan. "Maraming salamat Jan sa pag-unlak mo sa aking imbitasyon ngayong gabi." wika ni Joshua. Ngumiti lamang si Jan bilang tugon dito.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...