Chapter 68

8.5K 241 2
                                    

Naunang dumating sina Leonard at Jan sa Glorietta kaya nag-text na lamang si Jan na magkita sila ni Miguel sa isang restaurant sa loob ng mall. Nagtungo ang dalawa sa isang japanese restaurant dahil pareho silang mahilig sa japanese cuisine. Pagpasok nila ay sinalubong sila ng isang attendant. "Table for three." bungad ni Leonard nang salubungin sila ng babaeng attendant. Pag-upo nila sa kung saan sila dinala ng attendant ay saktong dumating si Miguel. Nang makita ni Jan ang binata ay mabilis itong kumaway upang ipaalam ang lokasyon nila. Lumapit naman agad si Miguel nang makita sina Leonard at Jan. Tumabi si Miguel kay Jan habang nasa tapat nila si Leonard. Lumapit sa kanila ang waiter at iniabot ang menu. "Yung paborito mo bang Miso Ramen ang oordering mo?" tanong ni Leonard kay Jan. Napatingin naman bigla si Miguel sa kanila. "Talagang alam mo pa rin ang paborito ko dito ah?!" sabi naman ni Jan kay Leonard. Sumabat naman bigla si Miguel. "Gusto mo, order din ako ng tempura, paborito mo rin yun, di ba?" wika ni Miguel. "Ok lang naman, pero 'di ba ikaw ang may favorite nun?" sagot naman ni Jan. Napangiti naman ng lihim si Leonard dahil nararamdaman na naman nitong nakikipagkumpetensya sa kanya si Miguel. "Pero 'di ba favorite mo rin ang tempura?" wika ulit ni Miguel. "Sige na nga. Dahil favorite mo ang tempura, favorite ko na rin." sabi naman ni Jan sabay sundot sa tagiliran nito. Napangiti naman si Miguel at halatang kinilig sa sinabi ni Jan. "Mag miso ramen at tempura ka?" tanong naman ulit ni Miguel. "Oo, why not?" sagot ni Jan. "Malakas talaga kumain yan si Jan." sabat ni Leonard. "Bakit kapag kumakain tayong dalawa, konte lang kinakain mo?" tanong naman ni Miguel kay Jan. "Syempre, nahihiya pa ako sa'yo. Sabihin mo isa akong dragon." natatawang sagot ni Jan. Natawa naman ang dalawang binata sa sagot ni Jan. "Ikaw na ang pinakamagandang dragon na nakita ko." sambit naman ni Miguel na ikinakilig ni Jan. Natawa na rin ang waiter na naghihintay ng order nila. "Umorder na tayo." sabi ulit ni Miguel. "Isang miso ramen, tempura box at sushi plate." bungad ni Leonard sa waiter. "Sa'yo yun?" tanong ni Jan. "Hindi, sa'yo. Inorder ko na lahat ng paborito mo." natatawang sagot ni Leonard. "Huwag ka maingay, baka sabihin nila sobrang takaw ko." wika ni Jan. Natawa na lang ulit ang dalawang binata. "Seafood ramen na lamang ako." sabi ni Leonard sa waiter. "Ano sa'yo, Miguel?" tanong nito sa binata. "Mag tempura na lamang ako at maki." sagot ni Miguel. "Kakahiya naman!" sabat ni Jan. "Bakit?" tanong ni Leonard. "Ang dami-dami kong order, tapos kayo yan lang?!" sagot ni Jan. "Ok lang naman. Naiintindihan naman ni Miguel na malakas ka talaga kumain." wika ni Leonard. "Nagtataka tuloy ako kung saan mo nilalagay lahat ng mga kinakain mo, sa payat mong yan." panunukso naman ni Miguel. "So, ayaw mo pala ng ganitong figure ko?!" sabi naman ni Jan. "Kahit lumaki ka pa na parang elepante, ok lang sa'kin. Ikaw pa rin ang Jan para sa akin." sagot ni Miguel. Natigilan naman si Jan dahil nadidinig ng waiter ang sinasabi ni Miguel. Naaninang naman ni Miguel sa mukha nito ang pag-aalala kaya inakbayan nito si Jan. "Bagay naman kami ng girlfriend ko, 'di ba?" sabi ni Miguel sa waiter. Nanigas naman na parang tuod si Jan sa ginawa ni Miguel at hindi alam ang gagawin. Ngumiti naman ang waiter at sumagot sa tanong ni Miguel. "Opo. Bagay na bagay." sagot nito. Kahit alam ni Jan na binobola lamang sila ng waiter dahil customer sila ay ngumiti na lamang ito bilang tugon. "Ayan, kahit sila sang-ayon na we're meant for each other." sabi pa ni Miguel. "Sir Miguel!" puna ni Jan at hindi pa rin maiwasan mahiya. Napapangiti na lamang si Leonard habang tinitignan ang dalawa. "Ayun na muna ang order namin. Tawagin na lamang namin kayo kung may additional orders pa kami." wika naman ni Leonard sa waiter. Pag-alis ng waiter ay kinausap ni Jan si Miguel. "Hindi mo naman kailangan gawin pa yun." sabi nito sa binata. "Gawin ang ano?" tanong ni Miguel. "Na sabihin sa waiter na tayo." sagot ni Jan. "Gusto ko lang maging proud na ikaw ang girlfriend ko." sabi naman ni Miguel. "But it's not necessary." mabilis na sagot naman ni Jan. Nararamdaman naman ni Leonard na tumataas ang tensyon sa pagitan nina Miguel at Jan kaya sumabat na ito sa kanila. "Natapos na pala ng team yung pinagagawa mong report, Miguel." sabi ni Leonard dito at pilit iniiba ang usapan. "Hanggang dito ba naman, trabaho pa rin ang pag-uusapan ninyo?" sabat naman ni Jan at nahalatang iniiwas ni Leonard ang usapan nila ni Miguel. "Bigla kang tumaray ngayon ah?!" wika ni Miguel kay Jan. Sumimangot lamang si Jan bilang tugon dito. "Gusto yata ng kiss ng princess ko." pang-aasar pa ni Miguel. "Princess?" tanong ni Leonard. "Oo." sagot ni Miguel. "Ako daw kasi ang Prince Charming  niya kaya siya naman ang Princess ko." dagdag pa nito.  Nag-blush naman si Jan sa pambubuking ni Miguel at kinurot sa tagiliran. "At talagang kinuwento mo pa kay Sir Leonard yan ah?" sabi pa nito sa kanya. "Siya nga rin ang Sleeping Beauty ko kasi antukin itong princess ko." dagdag pa ulit ni Miguel. "Tama na yan!" saway pa ni Jan dahil nahihiya. Natatawa naman si Leonard sa dalawa. "Pupunta pala kami ng princess ko sa Japan." sabi naman ni Miguel. Napatingin bigla si Jan sa binata. "Ha?!" gulat na sabi ni Jan. "Don't tell me na itutuloy mo pa rin, Miguel, ang plano mo?" tanong naman ni Leonard. Kumunot ang noo ni Jan sa pagkalito nang tumingin ito kay Leonard dahil iniisip nito kung ano yung plano ni Miguel na tinutukoy nito. "Huwag kang mag-alala, Leonard." sagot naman ni Miguel. "Magbabakasyon lamang kami ni Jan ng dalawang linggo doon." patuloy pa nito. "Ito ang birthday gift ko sa kanya." dagdag pa nito. Naisip ni Miguel na maaring tinutukoy ni Leonard ay yung tungkol sa plano nitong ilayo si Jan dito sa Pilipinas lalo na kay Leonard dahil natatakot itong maagaw ito sa kanya. "Birthday gift talaga?!" gulat na sambit ni Jan. "Oo." sagot ni Miguel. "Birthday mo na next month kaya naisip kong dalhin ka na lamang sa Tokyo for a vacation dahil alam kong noon mo pa pangarap makita ang Tokyo." dagdag pa nito. "Pero hindi mo naman kailangan gawin yan." wika ni Jan. "Magastos yang plano mo." saad pa nito. "Huwag mo na kasi kwentahin kung magkano ang gagastusin sa lakad natin. Tuwing bibigyan kita ng kahit ano, lagi mo iniisip kung magkano ang ginastos ko dito." sabi ni Miguel. "Nanghihinayang lamang kasi ako." sagot ni Jan. "Gusto ko lang na malaman mo na hindi porket mayaman ka eh pwede ka nang gumastos ng gumastos." patuloy pa nito. "Hindi ko naman kino-consider na gastos ito dahil para sa'yo naman ito." wika ni Miguel. "At saka ayaw kong isipin na nagustuhan kita dahil mayaman ka." nasabi ni Jan at napayuko. "Huwag kang mag-alala." sagot ni Miguel sabay hawak sa mukha ni Jan. "Never kong naisip na nagustuhan mo ako dahil lamang sa pera ko dahil ramdam na ramdam ko naman kung gaano mo ako kamahal." patuloy nito. "Ahem!" biglang sabat ni Leonard dahil naaasiwa itong nakikita ang dalawa sa ganoong sitwasyon. Natauhan bigla si Jan at siniko si Miguel sa pagkapahiya. Natawa bigla si Miguel dito. "Sobrang mahiyain talaga itong kaibigan mo." sabi ni Miguel kay Leonard. Natawa na lamang si Leonard dito. "By the way.." sabat ni Jan. "Ano yang plano mo, Sir Miguel, na sinasabi ni Sir Leonard na hindi ko alam." tanong nito sa binata. Napatingin si Miguel kay Leonard. Sumensyas naman si Leonard kay Miguel na huwag sabihin kay Jan ang tungkol sa napag-usapan nila. "Sa amin na lamang mga lalake yun." sagot ni Miguel. "Ang daya!" pagmamaktol ni Jan. "At saka, 'di ba, you consider yourself as a girl?" wika pa ni Miguel. "Kaya exempted ka na malaman yun dahil sa amin na lamang mga lalake yun!" patuloy pa nito. "Parang mga usapan ninyo lamang yan nina Joy at Charm." singit ni Leonard. "May pinag-uusapan kayong mga babae na hindi ninyo rin sinasabi sa aming mga lalake." dagdag pa nito. "Ang daya!" pagmamaktol pa ni Jan. "Sana hindi ninyo na lamang sinabi para hindi ako na-curious malaman ito!" wika pa niya. Natawa naman ang dalawang binata sa kinikilos ni Jan dahil parang bata itong nagmamaktol. Ilang saglit pa ay dumating na ang inorder nilang pagkain kaya nagsimula na silang kumain. 

Pagkatapos nilang kumain ay nagkayayaan na silang umuwi. Hinayaan na ni Leonard na si Miguel ang maghatid kay Jan sa bahay nila. "Mauna na ako sa inyo." sabi ni Leonard sa dalawa. "Sige." sagot naman ni Miguel. "Salamat po pala sa pagsabay sa akin kanina, Sir Leonard." wika naman ni Jan. "Walang anuman. Ikaw pa!" sagot ni Leonard. "Ingatan mo yang kaibigan ko, Miguel!" wika naman ni Leonard sa binata. "Huwag kang mag-alala. Iingatan at aalagaan ko itong princess ko." sagot ni Miguel. Siniko naman ni Jan si Miguel dahil naiilang talaga siya na ganon si Miguel sa labas. "Mahiyain talaga." sambit pa ni Miguel. Natawa na lamang silang tatlo hanggang maghiwa-hiwalay na sila. 

Nagtungo sina Miguel at Jan sa basement parking kung saan nakaparada ang Toyota Fortuner nito. Pagsakay nila ay napansin ni Miguel na tahimik si Jan. "Bakit tahimik ka diyan?" tanong nito. "Hindi ko kasi maiwasang isipin kung ano yug sinasabi ni Sir Leonard kanina." sagot ni Jan. "Yung tungkol saan?" tanong ulit ni Miguel. "Yung bagay na ayaw ninyo sabihin sa akin." sagot ni Jan. Natawa naman si Miguel dito. "Tumatawa ka pa diyan!" pagmamaktol ni Jan. "Sige na nga, sasabihin ko na." sabi ni Miguel. "Alam mo naman na ayaw kong nagtatampo ang princess ko sa akin." dagdag pa nito. Nagulat naman si Jan dahil hindi nito akalain na sasabihin talaga sa kanya ni Miguel ang bagay na iyon. "Ay! Ok lang naman sa akin. Kung talagang pang-lalake lamang ang topic na iyon, rerespetuhin ko ang privacy ninyong dalawa ni Sir Leonard." sambit ni Jan. Natatawa naman si Miguel kay Jan dahil parang bata pa rin ito minsan kumilos. "Nagtatampo talaga ang princess ko." wika ni Miguel. "Hindi ah!" sagot ni Jan. "Balak ko kasing dalhin ka sa Japan at ilayo sa kanilang lahat, ilayo kay Leonard." bungad ni Miguel. Napatingin naman bigla si Jan kay Miguel. "Natatakot kasi akong maagaw ka ni Leonard sa akin kaya naisip ko na umalis dito kasama ka papuntang Japan. Balak ko na iwan ang lahat dito at magsimula sa Tokyo kasama ka." patuloy ni Miguel. Titig na titig naman si Jan sa gwapong mukha ng binata. "Pero naisip ko na tama ang sinabi ni Leonard. I'm being selfish. Naisip ko na may mga taong mahal mo rin at mahal ka dito sa Pilipinas at unfair sa kanila na ilayo kita sa kanila." sabi pa ni Miguel. "Ayaw ko rin na umikot ang buong buhay mo sa akin dahil hindi yun magiging healthy for both of us." patuloy pa nito. "Ngayon, confident na ako sa pagmamahal mo sa akin. Marahil ay natakot lamang ako noon na mawala ka sa akin kaya naisip ko yung bagay na iyon pero ngayon naisip ko na talagang mahal mo ang isang tao, buo dapat ang tiwala mo sa kanya." wika ni Miguel. Biglang tumulo naman ang luha mula sa mga mata ni Jan. "Bakit ka umiiyak?" tanong bigla ni Miguel. "Hindi lang po ako makapaniwala na may lalakeng magsasabi sa akin ng mga bagay na yan." sagot ni Jan. "I never thought na may isang lalake na kayang i-give up ang lahat para lamang sa akin. Ako na isang bakla." patuloy pa nito. "Minsan naiisip ko na baka panaginip lamang itong mga ito dahil hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin." sabi pa ni Jan at pilit pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. "Hindi ako sanay na may lalakeng tunay na magmamahal sa akin." sabi pa ulit ni Jan. "Ngayon, masanay ka na dahil hindi ako magsasawang mahalin ka, Jan." wika naman ni Miguel. "Marami pong salamat, Sir Miguel, for falling in love to me." sagot ni Jan. "Ssshhh.." sabi ni Miguel at hinawakan ang mga labi nito. Napapikit na lamang si Jan at hinihintay ang susunod na mangyayari. Unti-unting nilapit ni Miguel ang kanyang mukha sa mukha ni Jan. Napahawak si Miguel sa ulo ni Jan nang maglapat ang mga labi nila. Ramdam na ramdam ni Jan ang init ng halik ni Miguel kaya hindi na rin nito napigilang mapahawak sa makisig na balikat ng binata. Nag-uumapaw ang saya at ligaya na nararamdam ni Jan noong mga oras na iyon at naisip na sana ay hindi na matapos ang mga tagpong iyon. "Kung ito'y isang panaginip, sana hindi na ako magising." sambit nito sa kanyang sarili.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon