Chapter 13

10.9K 358 2
                                    

"Siguro naman, sasama ka na sa akin mamaya?" tanong ni Leonard nang magpunta ito sa area ni Jan. "Kailangan ba talaga akong pumunta?" sagot naman ni Jan. "My parents are the one who invited you for dinner." sabi naman ni Leonard. "Nakakahiya naman kasi!" sagot ulit ni Jan. "I told them about you and they're interested to know and meet you." wika naman ni Leonard. "Sige na nga! Ok na itong suot ko ah!" sagot naman ni Jan. "Kahit ano pa isuot mo, ok lang." sabi ni Leonard. "Sige. Mamaya!" wika pa ni Jan. "Good! Sabay na tayo umuwi then. Balikan kita dito after office hour." wika pa ni Leonard. "Ok!" maiksing sagot ni Jan at pagkatapos ay umalis na rin Leonard. Ngunit hindi nila alam na nakikinig pala si Miguel sa kanilang usapan nang mapansing nag-uusap na naman sila sa labas ng opisina nito. "Nagdududa na talaga ako sa dalawang ito. Bakit kailangan pang makilala nina Tito at Tita si Jan?" wika ni Miguel sa kanyang sarili. Kilala ni Miguel sa personal ang magulang ni Leonard.

Malapit na ang oras ng uwian. Tinatawagan ni Jan si Miguel sa kanyang telepono upang makapagpaalam na aalis agad ito ng opisina ngunit hindi ito sumasagot sa tawag. Si Miguel ay nasa mahalagang conference call kaya hindi nito masagot ang tawag. Nagpadala na lamang ng e-mail si Jan kay Miguel upang makapagpaalam. "Are you ready?" tanong ni Leonard nang saktong magpunta ito sa oras ng uwian. "Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay Sir Miguel." wika ni Jan. "Paano yan?" tanong ni Leonard. "Nagpadala na lang ako ng e-email sa kanya. Tara na!" sabi ni Jan at nagyaya na itong umalis. "Umalis na rin tayo agad dahil Biyernes ngayon at para hindi tayo maabutan ng trapik." dagdag pa ni Jan. "Ok. Let's go!" sagot naman ni Leonard.

Habang tinatahak nila ang daan papunta sa bahay nila Leonard ay napansin nitong abalang-abala si Jan sa kakahanap ng kung ano sa bag nito. "Parang kanina ka pa naghahanap diyan?" tanong pa niya dito. "Hindi ko kasi makita ang cellphone ko!" sagot ni Jan. "Tignan mo sa ilalim ng upuan mo, baka nalaglag lang diyan." wika pa ni Leonard. "Kanina ko pa tinignan pero wala eh!" sagot ulit ni Jan. "Kunin mo itong cellphone ko. Tawagan mo yung cellphone mo para madinig mo kung nasaan." sabi ni Leonard sabay abot sa cellphone nito. Kinuha naman ni Jan at cellphone nito at tinawagan ang kanyang numero. "Nagri-ring naman siya." wika ni Jan. "Nadidinig mo ba yung ringtone mo?" tanong ni Leonard. "Wala eh. Hindi naman ako naka-silent! I'm sure of it!" wika pa ni Jan. "Tawagan mo ulit." utos pa ni Leonard. Tinawagan ulit ni Jan ngunit patuloy lamang ito sa pag-ring. "Naku, baka naiwan ko sa office." sabi pa ni Jan. "Balikan na lang natin sa office after dinner." wika naman ni Leonard. "Sige. Hindi naman natin pwede balikan ngayon dahil ma-late na tayo sa dinner natin kasama ang magulang mo!" sabi pa ni Jan.

Pagkatapos ng kanyang conference call ay mabilis na sinilip ni Miguel si Jan sa kanyang desk. Nagulat itong wala na siya rito. "Hindi nagpaalam na umalis?" wika pa ni Miguel. Nagbalik pa ito sa kanyang desk upang kunin ang kanyang cellphone. Paglingo niya sa kanyang computer monitor, napansin nitong may e-mail sa kanya si Jan. "Sir, I'm sorry to inform you late. Maaga po ako uuwi ngayon dahil may appointment po ako with Sir Leonard. Tawagan ninyo na lamang po ako kung may urgent concerns po kayo. Thanks!" sabi ng mensahe ni Jan sa email. Kinuha agad ni Miguel ang kanyang cellphone at tinawagan si Jan ngunit patuloy lamang ito sa pag-ring. "Bakit hindi mo sinasagot tawag ko? Mukhang nag-eenjoy na kayo ah?" sabi pa ni MIguel sa kanyang sarili. Tinawagan ulit nito ngunit walang sagot. Tinawagan niya ulit ng pangatlong beses nang mapansin niyang may tumutunog sa labas ng kanyang opisina. Nagtungo ito sa labas upang alamin kung saan nanggagaling ang tunog. Nagulat ito nang makitang naiwan ni Jan ang kanyang cellphone sa upuan nito. "Kaya pala hindi niya sinasagot dahil naiwan niya dito." sabi ni Miguel sa kanyang sarili. Sinilip nito ang screen ng cellphone ni Jan. Napangiti ito nang makita ang pangalan niya sa phonebook nito na may kasamang puso sa dulo. Lalo pa itong natuwa nang makita ang kanyang wallpaper: ang larawan ni Miguel sa isang cover magazine. "Bakit mo naman gustong gawin wallpaper ito, Jan?" wika pa ni Miguel sa kanyang sarili. Gusto sana niyang tignan pa ang laman ng cellphone ni Jan ngunit natigilan ito dahil alam niyang mali iyong gagawin niya. Kinuha niya na lamang ito at tinabi. Sinubukan niyang tawagan si Leonard upang ipagbigay alam sa kanila na nasa kanyang ang naiwang cellphone ni Jan ngunit hindi rin ito sumasagot ng tawag. "Ano kayang ginagawa ninyong dalawa?" nag-aalalang tanong ni Miguel sa kanyang sarili.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon