Matapos ang masayang bakasyon nina Miguel at Jan sa Tagaytay ay inihatid na ng una ang huli sa bahay nito. "Marami pong salamat, Sir Miguel." sabi ni Jan. "Wala bang kiss?" wika naman ni Miguel. Nag-blush ulit si Jan at hindi alam ang isasagot. "Kiss lang naman." sabi pa ulit ni Miguel. "Isa lang ah, sa cheeks." nahihiyang sabi naman ni Jan. "Ano ba yun?" dismayadong sabi ni Miguel. "Take it or leave it!" mataray na sabi naman ni Jan ngunit nahihiya pa rin. "Sige na nga!" pagsang-ayon ni Miguel. "Close your eyes!" utos naman ni Jan. "Ano ba yun?! Sa cheeks na nga lang, eyes closed pa!" natatawang sabi ni Miguel. "Take it or leave it!" ulit na sabi ni Jan. "Sige, sige!" sabi pa ni Miguel at pagkatapos ay pumikit na rin ito. Nang maramdaman naman ni Miguel na papalapit na si Jan upang halikan siya sa kanyang pisngi ay bigla nitong iniharap ang mukha nito upang mahalikan siya sa kanyang labi. Nagulat naman si Jan nang biglang niyang mahalikan si Miguel sa labi nito. "Ang daya mo!" pagmamaktol naman ni Jan ngunit natatawa. Tumawa rin ng malakas si Miguel at halatang nag-eenjoy sa pang-aasar kay Jan. "Sige na, magpahinga ka na!" sabi ni Miguel. "Sige, marami po ulit salamat!" sagot ni Jan. "Mag-text ka po ah kapag nakauwi ka na." dagdag pa nito. "I will." sagot ni Miguel. Bumulong naman si Miguel kay Jan. "I love you!" sabay kindat dito. "I love you too!" pabulong na sagot naman ni Jan. "Sige po, mag-iingat po kayo pauwi!" dagdag pa nito. "Good night!" pagtatapos nito. Nakatayo si Jan sa harap ng kanilang bahay habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Miguel palayo sa kanila. Nang hindi na makita ang sasakyan nito ay nagtungo na ito papunta sa loob ng kanilang bahay. Pagpasok nito ay nagulat itong nang makitang may bisita pa sila ng ganoong oras. "Sir Leonard?!" gulat na sabi ni Jan. Saktong paglabas naman ni Tita Glory mula sa kusina. "Oh Jan, nakauwi ka na pala!" sabi ni Tita Glory nang makita ang pamangkin nito. "Kanina ka pa hinihintay ni Sir Leonard dito. Sabi ko nga na hindi ako sigurado kung kailan ka uuwi, nagpumilit pa rin siyang hintayin ka ngayon." patuloy pa nito. "Ano pong ginagawa ninyo dito ng ganitong oras?" tanong pa ni Jan sa binata. "Gusto ko sanang mag-usap tayo." sagot naman ng gwapong binata. Nang makaramdam ng kailangan ng dalawa ng privacy ay nagpaalam muna si Tita Glory na lalabas saglit ay may bibilhin. "Lalabas muna ako ay may bibilhin lang. Mag-usap muna kayong dalawa diyan." sabi ni Tita Glory at mabilis na nagtungo palabas ng bahay. "Wala naman po tayong dapat pag-usapa." bungad ni Jan. "Marami, Jan." sabat ni Leonard. "Gusto ko sanang ibalik natin yung dati nating samahan." dagdag pa nito. "Mahirap na po para sa akin yan." sagot ni Jan. "Ayaw kong saktan kayo. Ayaw ko rin saktan si Sir Miguel." patuloy pa nito. "Eh 'di kalimutan na lang natin ang mga nangyari. Kalimutan mong may damdamin ako para sa'yo." sagot ni Leonard. Lumapit ito kay Jan at hinaplos ang mukha. "Gusto kong ibalik ang masayang pagkakaibigan natin." patuloy pa nito. Napatingin lamang si Jan sa mukha ng gwapong binata at hindi alam ang isasagot dito. "Hindi mo naman kailangan umiwas sa akin. Naiintindihan kita ang tanggap ko na mas matimbang ang pagmamahal mo kay Miguel." wika pa ni Leonard. "Hindi ko na pipilitin pang agawin ka mula kay Miguel dahil alam kong mas liligaya ka sa piling niya." patuloy pa nito. "Marami pong salamat, Sir Leonard." ang nasambit na lamang ni Jan. Niyakap naman ni Leonard si Jan bilang tanda na ok na ang dalawa. Nagulat na lamang ang dalawa nang biglang bumukas ang pinto at makita kung sino ang pumasok. "Miguel?!" wika ni Leonard.
![](https://img.wattpad.com/cover/17713200-288-k660711.jpg)
BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...